CHAPTER NINE

175 124 14
                                    

CHAPTER NINE

━━━━━━◇◆◇━━━━━━

"Ano bang bibilhin nating ingredients dito Miley? Bagot na'ko dito.''

"Oy France ayaw mo ba makasama ako?'' nagtatampong sabi ni Divania.

"Nasusuka na ako makasama ka.'' Asar na asar na sabi ni France.

Hindi naman kasi pangit si France may hitsura siya. Yung kapag tumingin sya sa mga mata ng babae ay maatomatikong magagayuma sila sa ganda ng mga mata niya, buti hindi tumatalab sa akin ang mga ganyan niya. Neknek niya 'no, dukutin ko pa ang dalawang mga mata niya. At bukod doon parang nag-gym din to kasi ang laki ng biceps niya bakat na bakat sa suot ngayon, madaming mga babae nga lang ang hanap.

"Talaga lang paano kaya kapag may gawin akong hindi kanais-nais mamaya sigurdong pananagutan mo ako." Sabi ni Divania.

"Yuck babae ka ba?''

"Soon, France sweetheart." Matamis na sabi ni Divania.

Ngumiwi si France sa kanya.

At mas nauna na lang maglakad kasama ang busy na si Miley na nag-browse sa internet.

Nasa grocery area kami ng mall ngayon at dahil mag-didilim na ay mas dumadami ang tao ngayon.

Hindi naman siksikan pero napakadami talagang tao kahit sa loob man o sa labas ng mall.

''So guys ang lulutuin natin ay isang vegetable na food na may steam fish. Ang benefits nito ay mayroong vitamins A, mas healthy ang katawan at blah, blah search na lang natin sa net. At ingridients ay, kamatis, onion, red pepper, fish oil, butter,siseme oil, mayonnaise, at hindi mawawala ang bagiuo leaves. Yung iba naman ay meron sa bahay namin."

Nag hiwalay na kami para mas mapadali raw ang paghahanap ng mga ingredients at magkita na lang sa counter.

Buti ang naka-assign sa akin ay mayonnaise, siseme oil, at red pepper lang. Madali ko naman nahanap ang lahat ng sangkap at napaikot ang mata dahil ito ang kauna-unahan kong kumuha ng mga ingredients mula sa grocery. Palagi kasi ako nag-papabili sa maid namin.

Nakita kong kumaway si Divania sa akin at siya pala ang naunang nakakita ng ingredient na inassign sa kanya.

"Onabyyy ang bilis talaga ng mata mo!" sabi ni Divania.

Automatikong napataas ang kilay ko at npabuka ang bibig.

''Excuse me, panlalait ba yan o nang-uuto lang? Alin doon?'' tanong ko.

Tumawa si Divania sa akin.

"Bakla ka! Ano? Hindi ka pa din nagbabago!" bulong niya sa akin.

Ngumiti ako wala namang hindi mag-sabi ng totoo dito sa baklang to.

"I know right."

Mukha namang 'hindi big deal ang pag-tataray ko sa kanya. At ng makita agad ang naliligaw na si France na nakatingin sa mga magagandang babae ay agad na lumapit siya kay France na nakatingin sa mga magagandang babae ay agad na lumapit siya kay France at tinakpan ang mga mata.

"Akala ko ba ako lang France?!" inis na sabi ni Divania at pilit naman na tinatanggal ni France ang kamay niya.

"FYI Divania, walang tayo! A-aray ang mata k-ko,''

Ngumiti na lang ako ng mapait sa kanilang dalawa at napatuwid ng tayo ng Makita si Miley na ang haggard ang dating masyado. Ganyan nga talaga mahirap maging isang lider ng grupo.

"Walang hiya talaga yong babae na yun! Makikipag-agawan pa ng fresh na isda kita na nga na ako ang unang nakatanong sa vendor, sasabihin pa na siya ang nakauna." Parang puputok na ang ilong niya habang sinasabi ang salaysay na iyon.

"Buti na lang at nagamitan ko ng charm yong lalaking vendor." At tumawa siya ng parang baliw.

Napansin niya yata na hindi kami interesado sa kwento niya kaya napaubo siya.

"Tapos na ang kailangan natin dito kaya pumunta naman tayo sa bahay namin, don't worry six thirty pa lang naman may oras pa tayo."

Lumabas na kami ng mall at nag-kanya-kanyang bitbit na pinamili naming at parang may LQ pa ngayon ang dalawang lalaki sa likod at ayaw mag-usap, hindi si Divania lang pala iyon. Aabang kami sa labas ng mall at mag tataxi naman ngayon malapit lang naman daw iyon sa mall at binawalan na maglakad kasi delekado na raw sa daanan. At ngayon na nabalitaan pa naman na maraming napapahamak na teen agers na nawawala sa madidilim na kalsada.

'Pero ayaw ko talaga sa public transporation, it's like you know ang daming umuupo sa inuupuan mo ngayon tapos may mga germs and bacteria pa.'

Nakasakay na kami sa taxi at nasa gitna pa ako ni Divania at France at napansin kong naluluha na ang katabi kong si Divania, siguro nag-seselos kasi may tinitingnan na ibang babae tong si France. Buong maiksing biyahe naming ay walang imikan sa taxi, si Miley naman ay busy na nagcecellphone.

Inabot na ang bayad at bumaba kaming apat sa maliit na apartment ni Miley at nauna siyang pumasok at binuksan ang naka-lock na pinto. Pumasok na kami at una ko ng napansin ang makalat niyang sala puro mga notebooks at papel na scratch. At napansin ko ang underwear niya sa ibabaw ng couch.

Sumipol si France at hinawakan ang underwear.

"Woa hindi ko naman alam na-'' naputol ang sasabihin ni France ng agad na kinuha ni Miley ang underwear.

"Shut up sa kapatid ko 'to."

Narinig ko naman na mas lalong napaiyak 'tong katabi ko na walang imik na ngayon.

"Simulan niyo ng hatiin ang kamatis, ako naman ay gagawa ng sauce at pakilinisan ang gulay." Mautoridad na sabi ni Miley.

Sinunod naming tatlo ang sabi ni Miley at malapit ng matapos ang lahat. Kinuha ni Miley ang nilinisan at hinati na ingredients at inilagay sa isnag clean white container at nilagay ang mga gulay at pagkatpos nilagyan ng sauce. Walang tumikin ni kahit isa kasi ayaw ni Miley mabawasan yung ginawa namin

Nilagay niya muna sa ref at bago aalis na kaming tatlo at pupunta sa taxi.

Pagkatapos kong pumunta ulit sa taxi ay pumunta na ako sa aming bahay. Nakita ko si Kuya Pi, yung aming nakuha sa orphan. Hindi ko siya tunay na kapatid pero isang tunay na kapatid ang turing namin sa kanya.

"Yow, sis." nakangiting bungad ni Kuya Pi.

"Hi, kuya." sabi ko.

Kaya ayun, naglaro lang kami ni kuya ng video game mag-damag.

Haist, boring.

d--___--b

***

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now