CHAPTER FIVE

251 152 20
                                    

CHAPTER FIVE

Naghiyawan ang mga nandito at napatayo ang dalawa, tsk acting lang yan. Lumaki ang mga mata nila kahit na alam kong gustung-gusto nilang gawin yung acting. Dinuro-duro ako ni Yanny at halatang lumaglag ang panga at napahawak si Urane ng bibig.

"You changed!!" Maarteng gulat na sabi ng dalawa.

Pero deep inside, natutuwa ako sa kanila. Hays, siguro nga ganito ang mga magkakaibigan. Tutulungan ka nila kapag may problema ka. Ang saya nila tingnan dalawa, pero at the same time thankful naman ako eh. Tumaas ang kilay ko.Very well, It's my turn na para ipakita na bumait na nga ako. Ngumiti ako sa kanila ng plastic at napatango. Mas lalo silang napalaglag na panga. Good Job friends ang galing galing nila umakting sa harapan ko. Hinawakan ni Yanny ang kamay ko at tinignan ang mukha ko at mga matang umiinosente.

"Ikaw ba talaga yan?" sabi niya sa isang matigas na tanong, naninigurado kung totoo ito.

Galing talaga umakting neto

"Oo ako to si Onab ang dati niyong kaibigan." Malambing kong sabi ko.

Narinig ko ang mga bulungan sa gilid namin. Natigilan ang dalawa.

"Dati?" nalilitong tanong ni Urane.

"Oo." Halos gusto ko nang mapairap.

"Dahil simula ngayon ay lalayo na ako sa inyo. Hindi ko na kayo kaibigan dahil masasama kayo, nag-bago na ako for good kaya just leave me alone.'' Sambit ko.

Medyo nag-iisip sila sa sinabi ko, maybe the lines. Nakita kong palihim na isiniko ni Yanny si Urane hudyat na siya na lang ang mag-salita.

"Fine."

"Akala mo ba iiyak kami kapag wala ka na? Jan ka nag-kakamali huwag kang lalapit sa amin pag may kailangan ka. At isa pa huwag na huwag ka ng babalik!" galit na galit na sabi ni Urane buti na lang at pinipigilan siya ni Yanny bago sumabog pa ang bulkan.

Umalis sila sa room at parang nabingi yata ako sa mga hiyawan dito sa loob ng room. Ang daya nila. Nakaalis sila ng room. Malamang mag-cu-cut na naman ang dalawang yon. Tuwang-tuwa eh? Itinulak tulak pa ako dito at they congratulate me dahil nagalit sa akin ang dalawa lalo na ang anak ng may-ari ng school. Nakakatuwa lang ha na nakakaininis kasi kanina pa sila dikit ng dikit sa akin ipapakain ko din talaga sila sa alaga kong daga. Umikot ang mata ko habang naglelecture ang Proffesor namin ay tamad na pinag-masdan ko lang ang labas at nag-simula ng magturo ang professor, bored na ipinatong ko ang kamay sa chin.

Fourth year college na ako ngayon at parehas ang kinuha naming course ni nila Yanny at Urane na Buisness Management. Pero nung una gusto ko talaga ay engineering but speaking of which, gusto ko talaga ang architecture sana pero pinilit ni Mom ay maging buissness management na lang para sa akin. Why? Kasi para malaman ko raw ang business world. Speaking of which, ang Mom ko ay nag-mamay ari ng isang Company yung sikat ngayon 'TW Coorperation. My mom is a Chief Excecutive Officer right now, while my Dad has a biggest share in their corporation, at our company. At isang fix marriage lang ang naganap kay Mom and Dad sabi nila ay it's family tradition. Bumuntong hininga ako, kaya malinaw na balang araw ay ipapa-fix marriage din ako for the sake's of money and power. And just mom said siguro hindi na ako nasundan pa ng isang anak. Tapos sabi ng ibang nakakakilala sa akin na hindi ko na makilala ang kanilang mukha na may nangyaring trahedya daw sa akin back in one year ago I got an accident, at kung anong trahedya man yun na siguro ay masaklap ito pero mas masaklap ang ngayong nagaganap sa akin, nag-kibit balikat ako. Basta, hindi ko alam ah.

Aalis na talaga ako dahil tapos na ang klase ng harangan ako ng grupo ng babae kasama si Ryn.

Buti na lang at natapos na ang turo nila. Kaya umalis na ako sa desk at maglalakad na sana ng harangan ako nila Ryn kasama ang friends niya. Tumaas ang isa niyang kilay sa akin at ipinatong ang kamay sa buhok ko bigla akong nakilabutan sa tingin niya. Like sino siya para hawakan ang kasing basura niyang kamay sa buhok ko?

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now