CHAPTER SIXTEEN

130 65 1
                                    

CHAPTER 16

━━━━━━◇◆◇━━━━━━

"PASUOTIN MO AKO NG PANGIT, MAKEUPAN MO AKO NG PANGIT, LAHAT PANGIT!" galit kong sigaw sa make-up artist ko at designer na babae.

"W-walang problema Ms. Park pero bakit mo ba gusto maging pangit sa party niyo?'' nakangusong sabi ng make-up artist.

"Basta ayaw kong lang maging maganda sa amin, pero alam kong maganda ako ha." Sabi ko sa make-up arist at pinaalala na maganda ako.

"Sure Ms. Park anong gustong make-up ba gusto mo? Tsanak make-up? Clown make-up? Spaghetti make-up? O taong grasa make-up?'' tanong ng make-up artist.

Sinamaan ko siya ng tingin. ''Hindi naman ganyan kapangit no, pero gusto ko yung ghost bride make-up na lang.'' sabi ko.

Gusto kong smoke eyes at pale yung mukha ko para hindi ako maging Aphrodite at nasabi ko din kay Yanny na huwag ako iba na lang. Para give love to others naman, pero ewan ko ba kung sadyang tanga lang ang make-upartist kasi masyadong pangit ang mukha ko.

"Bakit ang pangit ko?!" singhal ko sa salamin at napahawak sa mukha.

Okay! Fine ito ang Sinabi ko kaya gagawin ko, but look at my face! Parang pangpatay ang make-up. Gosh! Ang pangit-pangit!

"Dahil s-sinabi niyo Ms. Park..'' At lalagyan pa sana ng itim ang cheeks ko ng pigilan ko siya.

"Stop it! Next is gown naman.'' Sabi ko.

Pinasuot ako ng black, dahil pusong sawi ako ngayon. Pero ang pangit pa din ng mukha ko, Kaya mas bagay ang suot kong blackdress na kulang na nalang ay telang puti sa ulo ko para maging ghost bride. Pagkatapos ay pinasuot ako ng heels at iniba ko ang pabango ko. Ayaw kong mag-bango ulit bago ng pinuri ako ni Noa. Basta ayoko na. No, as in never.

"Naku! Ikaw na ang pinakamagandang ghost bride na nakita ko!" papuri ng babaeng designer.

Umirap ako. "You shut up.'' Inis kong sabi at lumabas sa kwarto ko.

As usual hindi ko nakita si Mom and Dad, pero it's ok ayaw ko rin naman makita si Dad sa harapan ko. Dumiretso ako sa parkinglot namin at nag-drive mag-isa ng Porsche na sasakyan, dinrive ko sa pinakaschort cut na daanan para hindi ako late at traffic, sunod ko naman chineckan ng guards at pumasok sa location ng hotel at ang family ni Yanny ang bahala sa lahat ng gastusin, ang rich niya.

Medyo nagulat pa ata yung mga taong nadadaanan ko pero sinasamaan ko sila ng tingin para huwag na silang tumingin sa akin, kinuha ko yung party wallet ko para naman maganda tingnan. Siguro ako na ang pinakapangit sa aming lahat kaya napangiti ako ng patago. Kakaiba talaga ng pag-iisip ko. Pumasok na ako sa loob ng venue at excpected na maraming mga taong mas magaganda ang suot sa akin at mas maganda angmake-up pero maganda pa din ako in personal.

Bumungad agad sa akin ang makulay ang mga lights na kulay red, blue at green lighta at may malakas na tunog na mellow lang at may mga madaming mga lobong nakalutang sa taas at isang malaking chandelier na parang sumasayaw sa ilaw. Eto na ang pinakaengrandeng party. Agad kong hinanap ang puwesto nila Yanny, Clauddet, Urane, Sam, Tim, Zeus, at iba pa. Nakita ko naman agad sila dahil sa makukulay nilang suot ang mga sosyal na pananalita at agaw masyado na atnsyon. Lumapit agad ako sa kanila.

"Hi mga gago, ganda ba?" tanong ko at nagpose ng nakakatakot. Yung bunganga nila na 'O ganto kalaki. Kasama yung mga girls, na si Clauddete and Urane.

"AWARE KA BA NA HINDI HALLOOWEN PARTY ANG PINUNTAHAN MO?!" tanong ni Yanny sa akin.

"Oh my God!"

"Ang chaka mo girl.''

Sinamaan ko sila ng tingin at napatingin sa mga tumitingin sa akin at ang ekspresion din ng mga boys ditto ay katulad ng mga sa girls.

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now