CHAPTER THIRTEEN

185 102 23
                                    

CHAPTER THIRTEEN

━━━━━━◇◆◇━━━━━━

Second day of the school fest and still the students became more active lalo na at mas nagiging intense ang laban ngayong araw.


Sinabi ko din na mabuting iiwasan ko si Noa kaya siguro ang dating Onab ay nagbalik na!

Hindi ko na kailangan ulit magpanggap para magustuhan nila ako at lalong lalo hindi na ako kailangan makisama sa mga estudyante na alam kong kahit kalian ay hindi naman ako gusto.

Siguro nga ang plano namin ay failed. Nasa taas ako ngayon ng rooftop. Nag-papakalasing.

Buti na lang at wala pa ang lahat, pero sinadya ko talagang pumasok ng mas maaga ngayon.

Tapos broken hearted na nga at nag-papakalasing pa na tamang-tama tawagin na isang baliw sa pag-ibig. Mas marami pa akong bubullyhin ngayon at mas marami pang makakatikim ng Onab torture ko.

"WHAT THE HELL?!" gulantang na tanong ni Clauddete.

Ibinaba niya ang suot niyang handle bag at lumapit sakin.

Hinawakan niya ang noo ko.

"May sakit ka ba?'' tanong ni Clauddete.

"Mukha ba akong iinom ng alak kung may sakit pala ako?'' sarkastiko kong sabi.

Naalala ko na naman ang mga malilikot na pag-iisip nito ni Clauddete.

Tumawa ako ng mahina. "Youre plan was a failure." Sabi ko kay Clauddete.

Nagulat siya. "Really?! You mean that bad girl gone good?" tanong ni Clauddete.

"Yap.. at sinabi ko din na titigilan ko na siya."

"Si Noa?'' tanong ulit ni Clauddete.

Halos umikot ang mga mata ko. Tsk. Common sense.

"Duh sino pa ba?'' sarkastiko ko ulit na sabi.

She smiled at me. "Sigurado ka ba diyan?" parang hindi siya naninigurado sa sinabi ko.

"Oo nga."

"Paano kung hinabol ka?'' tanong ni Clauddete.

Awww now here she is again, testing me. I hate it when she more knows about love. Sarap kalbuhin ang mga buhok sa hita.

''Ang sabi mo ay kung hindi natin alam kung hahabulin niya nga ako or what ever but it's still not sure." Pilosopo kong sabi.

Ngumisi siya. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko."

I groaned. "Bakit kailangan pa ba?" inis kong sabi.

"Hindi pero siyempre malamang ay may kunti pa diyan sa katawan mo na papayag ka." Sabi niya.

"It doesn't matter.'' Bulong ko.

Oo, may part pa din sa akin na nasasaktan ako at mga ayaw tanggapin ng utak ko. Pero he has her girl... Luxiria. May magagawa pa ba ako? Kahit anong gawin ko nga sa kanya hindi niya ako pinapansin eh? Bakit nga ba talaga?

"You're still inlove!'' sigaw niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Masakit man aminin pero totoo naman talaga pero nagawa ko pa rin pagtaasan ng kilay si Clauddete.

"So?'' mataray kong tanong.

"Fight for him! Hello?!" hindi makapaniwalang sagot niya.

"But it doesn't work." Sabi ko.

"Edi ipapagayuma na natin--" I cut her.

"The answer is still. NO.'' sabi ko.

"Maswerete ka Clauddete dahil nakuha mo ulit ang dati mong siyota pero iba kasi yung sa ating dalawa. Isa siyang player kaya madaling sabihin yon samantalang yung kay Noa ay isang seryosong tao."

She snapped me.

"Gising Onab! Isa din kaya siyang player! Madami akong nababalitaang nadadate niyang mga magagandang babae at mga naliligawang babae at pinag-lalaruan ang feelings mo pero hindi pa rin ba yon tinatawag na player? Hello?! Hindi ako papayag na si Dylan lang ang player sa kanilang dalawa!'' pagtatanggol niya.

Sabagay talaga may point siya.

Pero ang sakit pa rin talaga yung mga sinabi ni Clauddete tungko kay Noa.

"Ok! Edi silang dalawa na ang player." Nag-thumbs up siya.

Nag-karoon ng katahimikan sa aming dalawa at parang may hinahalungkat si Clauddete sa refrigeration. Lumapit siya sa akin at may inabot.

"Ice cream?" tanong ni Clauddete.

Tumango ako.

Masakit man sa ego at pride.

"Yes please." Hinablot ko sa kanya yung iceream at dali-dali binuksan para kainin.

Maya-maya ay may naririnig na kaming maraming mga yapak papunta dito sa rooftop at mga nag-dadaldalan.

"Nandiyan na sila." Sabi ni Clauddete.

Sinenyasan ko siyang tumahimik kaya itinikhom niya ang bibig niya at busy na kinakain ang icecream ko de bali ng maging mataba basta makakain na ako ng mga icecream. I declare that my favourite food is icecream!

''Broken hearted pa din kay Noa si Baby ko." Tukso ni Sam sa akin.

Lumapit siya na parang walang nangyari at hindi na siya bitter kay Noa huh. Mas naging malambing na siya kahapon hanggang ngayon at mas lalong kinukulit ako na mas ikinaiirita ko ngayon.

"So?'' mataray kong sabi.

"Kakain din ako ng ice cream para sayo." Sabi niya at kumuha ng kutsaa at nakikuha sa akin.

"Kumuha ka nga sayo ng icecrream Sam!'' inis kong sabi at inilayo ang icecream kong kawawa.

"IMY! Kalian pa kayo nag kabati?!" gulat na sabi ni Yanny na kasama ang dalawang loverbirds na si Urane at Tim at sa likod nila ay sina David, Zeus at Reo the bookworm.

"Bro! be strong Man!'' bump fist ni David kay Sam.

"Congrats Sam!'' bati ni Urane.

"Yiee buti bati na sila." Tukso ni Tim.

"Tsk!" sabi ni Zeus.

"Pffft. So pathetic." Tumawa si Reo.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Reo at kinantyawan siya nila

"Yow bro!'' sabi ni zeus.

"That is our friend'' sabi ni David.

"Rude.'' Sabay na sabi ni Yanny at Urane.

Maya-maya ay dinambahan ni Sam si Reo at kinnewelyuhan nanlalaki ang mga mata niya dinuro ang mukha ni Reo.

"Anong problema mo ngayon Reo?'' galit na sabi ni Sam.

Umiling si Reo at inayos ang malaki niyang salamin. "Ikaw. Palagi naman ikaw ang problema!" maangas na sabi ni Reo.

"What the heck?!" sigaw ni Sam.

Ngumisi si Reo. "Playing dumb eh?''

Masusuntok na sana ang mukha ni Reo kung hindi ko kinuha ang isang kamao ni Sam para aking pigilan.

"You two enough that." Galit kong sabi.

Kung mag aaway lang din nag dalawang 'to sa harapan ko ay mabuting umalis na muna ako kasi nakakarindi sila. Hindi sa feelinger pero parang ako kasi yung pinag-aawayan nila

"Hindi pa tayo tapos Reo.'' Sabi ni Sam at dinuro ang maangas na si Reo.

"Hindi pa talaga." Sabi ni Reo

"Ang galing!" sabi ko at pinalakpakan sila.

Natigil ang dalawa at napatingin sa akin na nag-papalakpakan sa ginawa nila sabi na nga na ayaw kong may mag-away sa harapan ko at nag-salita pa ang dalawa.

"Onab-'' pinutol ko si Sam.

"Aalis muna ako.'' Paalam ko at bumaba sa rooftop.

Nag-kabati na nga kami ni Sam pero parang iba pa rin ang nararamdaman ko sa kanya.. Something strange? Pero hindi naman ako galit kay Sam o kay Reo basta naiinis lang ako sa ginawa nila. At speaking of him, Reo. His face is very familiar pero kahit anong pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita ay ayaw lumabas sa isipan ko. I shrugged probaly I see him before we met in school.

***

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now