Chapter SIX

235 142 22
                                    

CHAPTER SIX

━━━━━━◇◆◇━━━━━━

"OMY! HE IS A REALLY DEVIL!" sigaw ng tatlo kaya tumango-tango naman ako.

Kasama ko ngayon sina Clauddete, Yanny at Urane.

Ikinwento ko ang lahat ng mga pangyayari kahapon kumuha si Clauddete ng isang beer at ibinigay sa akin, tinanggap ko naman yon at nag pasalamat.

Nasa rooftop kami ngayon at sabagay maaga kami pumasok at halos wala pang mga dumadaan na estudayante dito.

Masanay na kayo maaga talaga kami pumapasok ng mga girls.

At suot ko ngayon yung isang white dress at nakabraid ang buhok ulit.

Hindi ko talaga mapigilan sumuot, really I want to be a bitch again.

"Oh nandito na pala si Master Tim." Pangaaasar ni Urane sa bagong dating na si Tim.

Sinamaan lang siya ng tingin at ipinatong ang bag sa table.

"Musta na Onab, nabalitaan ko ang nangyari kahapon. Totoo ba 'yon?" tanong ni Tim at iniscan ako.

"Himala no make-up. Maliban na lang sa lip gloss." Dagdag niya pa.

"Yanny ikwento mo nga lahat ng nangyari tinatamad ako." Utos ko sa kanya.

"What?! Why me?'' reklamo niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Ikwento 'nga lahat ni Yanny ang nangyari kahapon sa akin maliban doon sa pag-uusap naming ni Noa

Halatang gulat na gulat din siya sa nangyari kaya hinawakan ni Tim ang mukha ko at ang lambot pa din ng mga kamay.

"Ayos ka lang? Wala bang nang-bully sa iyo?" Madamaming tanong ni Tim.

Inikutan ko siya ng mata. "Sa palagay mo kaya meron? Duh.." sabi ko.

"Taray mo, tinatanong lang.'' sabi niya at ngumiti ng awkward.

Lumabas tuloy ang kaliwang dimple niya.

Oo, isa lang dimple niya and it is really rare na makakita ng isang dimple lang na lumalabas.

At base sa mukha niya ngayon, mayroon siya magulong buhok.. palagi naman. At sabi ni Tim na palagi niyang pinagmamayabang ay kamukha niya daw si Rap monster ng BTS.

Kapal niya lang ha talagang dinamay niya pa ang K-Pop para sa kayabangan niya.

"Umalis ka na nga dito Tim, usapan to ng babae 'huwag kang sumingit." Pikon na sabi ng Urane.

"No thanks, kusa akong aalis. Bye guys maliban kay Uane... ehem, ehem, ehem." Tumakbo na siya paalis kasama ang bag na kawawa.

"Right, aalis na din ako. Mamaya pupuntahan ko na lang kayo sa uwian dito. At remember the plan ." paalala ko.

Umalis ako sa rooftop at pasimpleng pumunta sa classroom pero wala pang tao. Kaya iniyugyog ko na lang ang ulo sa desk. Matutulog na lang ako kahit sa kaunting sandali. Pero shit di ko magawang maipikit ang mata ko dahil sa daming nag-bobother sa isipan ko. Ano ba ang tinutukoy ni Noa mag-wowork ba talaga 'tong ginagawa ko?

Napadabog ako sa desk at tulala na lang tiningnan mga nakasulat sa blackboard. Bakit ka ba ganito, Noa?

You really know my, weakness.

And my weakness is you.

Nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang buong klase. Napatayo ako at kusang nag-lakad sa rooftop, lutang ang utak ko at hindi ako makaisip ng ayos. Ganito ba talaga ang sinasabi nila? Nakakabobo mag-mahal? Kung ganoon tangang-tanga na ako dito.

Nakita ko agad ang mga kaibigan ko at mabuti na lang ay nandito silang lahat maliban kay Sam at as usual si Reo. Bago to ah wala ngayon si Sam? At katulad ng dati Nag-aaway na naman sina Tim at Urane. Kumakain ng ice cream si Clauddete, heart-broken pa din kahit ayaw niya mang aminin. Nag lalaro ng games sina Zeus, David at Yanny ng Online game sabagay walang pinoproblema ang tatlong yan at break na din pala sila Veronica at Zeus kaya wala na din siyang love life ngayon at maghahanap pa lang.Wala namang pakiramdam yang si Zeus at ayos lang kung maheartbroken o mabusted palibhasa gwapo.

Lumapit ako sa kanila. "Hi mga gago."

Kumuha ako ng grapes at inilagay sa plato.

Veggies at fruits kasi ako ngayon. Pero next week mag-kakarne na ulit ako. Kumuha ako ng isang bakanteng upuan at pumunta kila Tim at Urane, pinapanood ko lang sila, para maentertain naman ako. Kanina pa ako bagot dito, eh?

"Ano ba Tim, Akin na yang susi ng Porsche ko!" galit nag alit na sabi ni Urane. Kumagat ako ng apple at pinunasan ang dumi sa mukha ko.

"No, but if you want to balik your car key. Say please muna." Sabi ni Tim at nag-pacute kay Urane.

Tinaasan siya ng Kilay ni Urane.

"Please, akin na yang susi ko!'' inagaw ni Urane ang susi pero nahulog ito sa sa ilalim ng upuan ko kaya agad kong pinulot.

"Onab... please yung susi ko." Pag-mamakaawa ni Urane pero ang cute niya pa din tingnan, I wonder kung bakit madami pa din siyang admirers kahit sa ugali niyang may-pagkamataray na minsan halos makalbo ko na.

"Tim oh. Huwag mo ibagay sa kanya." Binato ko yung susi at nasambot naman ni Tim.

Tumakbo na agad siya paalis ng rooftop.

Sinamaan ako ng tingin ni Urane.

"Pagkatapos ka naming tulungan ganito ang igaganti mo?''

"Kaya nga diba nag-sorry?'' Kumunot ang noo ko.

"Kahit na! it's still hurts you know.." sabi ni Urane at akmang kukuhain ang apple sa plato ko ng pigilan ko siya.

"Don't. You. Ever--- good hindi mo rin naman pala kukuhain." Nginitian ko siya saka pumunta kay Clauddete.

"Konichiwa Onab *hik* Ang ganda *hik* mo pala *hik*'' sabi ni Clauddete at dinuro ako.

Tumawa ako ng malakas. "Lasing kaba?''

Itinuro niya ang sarili niya. "Ako lasing? Hindi ah." Tanggi niya.

Napatingin ako sa walang laman ng mga in-can beer. Pagewang gewang na siya maglakad at umalis sa rooftop

"Leletsugin ko *hik* lang yung bagong girlfriend *hik* ni Dylon. *hik* sayo na *hik* lang yung icecream!" sigaw niya sa akin at nawala na sa paningin ko.

Tumango ako. Kinuha ko yung ice cream na rocky road at maraming toppings na marshmallows, sprinkle na colourful at chocolate syrup na dinagdagan ko pa ng strawberry syrup.

"Uy ice cream, thanks!" Inagaw ni David ang ice cream ko at nag-tawag pa ng kasama!

URRGHHH.

"Zeus at Yanny may libreng ice cream dito!" sigaw niya at lumapit ang dalawa at kumuha ng kutsara.

"Yipiiee!" malakas na tili ni Yanny.

Sinamaan ko sila ng tingin habang nilalatak ang ice cream ko.

Inagaw ko ito at agad na pumunta sa pinaka-main table dito. Lumapit ang tatlo sa akin at kukuha sana ng icecream ng ilayo ko 'to.

"Ang damot mo!" parang batang sabi ni Zeus.

"Babayaran ko yang ng one thousand, basta pahingi kami niyan." Inginuso ni Yanny yung ice cream.

''Ano ako poor?" asar kong sabi.

Mas mabuti na ngang itapon ito kaysa maagaw pa ng iba diyan.

"Bakit mo itinapon?!"

"Pulutin niyo kung gusto niyo. Bye!" Tumakbo ako palayo.

Nag-lakad lakad ako papuntang hallway.

"Onab may test tayo bukas, gusto mo ba sumama sa group study naming?'' hindi ako nag-dalawang isip agad sagutin siya.

"Oo naman.. kalian?''

"Great mamayang 3 PM sa liblary.'' Sabi ni Go.

"Great, ok!'' kumaway ako.

Inayos ko ang buhok ko at sa minamalas ka naman.

"S-sam?!''

***

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now