Chapter 42 Special Chapter

69 26 0
                                    

Strong and mature words ahead.

Flashback

Grabe, ang hirap pala talaga manganak. Hindi ko akalain na sobrang hirap.

"Sige pa po ma'am, kaya niyo po 'yan." sabi ng nurse kanina.

"You can do it, mommy." Nakita ko si Joan na nandoon, mukha siyang masaya, siyempre ay magkakaroon na siya ng dalawang kapatid e.

"Aaaaaaaaahh!" napatili na lang ako.

Nakatingin lamang ako sa kanila, hanggang sa nakita ko na lamang ang isang bata na maliit. Our second child... sa walang kadahilan ay napangiti na lamang ako. Nakatingin lamang ako sa sanggol na nilagyan ng puting tela at nilinisan.

"Isa na lang po.."

Yes, Noa and I are having a twins.

Parehas na lalaki ito. Nakatingin ako kay Noa, he's taking a video yet he is smiling. Nakatingin lamang ako sa kanya, ang gwapo niya talaga. Halos isang taon, din ito lumipas. Ngunit nandito pa rin si Noa. Ang saya-saya sa feeling. Hindi ko namalayan na nandito na din ang pangatlong anak ko.

"What should we name your children, Ma'am?"

"The first born is, Kairuz."

"And.. the second born is, Kaizer." sabi ko habang nakangiti sa dalawa kong anak.

"Okay, ma'am, sir, noted."

***

"Mommy p'wede po ba ako lumabas kasama sina baby Kairuz at Kaizer?"

Agad na nagkatinginan kami ng asawa ko. Kasi, kami ang nagmamayari ngayon ng kompanya na Park at Della Fuente company, masyadong malabo na kapag pinalabas namin besides, marami kaming 'kalaban' sa business world.

"Dito na lang kayo mag play, p'wede ba?" mahinahon kong tanong kay Joan.

I saw Joan pouted. His face and everything is came from my husband. He looks like a younger version of Noa. His eyes and lips, I mean-- everything about, him. Napakaganda ng kanyang mga mata kung titigan kaya 'wag na kayo magtaka kapag maraming mga babae ang maghahabol sa kanya.

Nandito ako sa counter, nagkakape. Kaharap ko naman si Noa na nakakunot ang noo, lagi. Habang nagta-type sa laptop niya.

Ang saya ko talaga lalo na at isang kompletong pamilya kami. Ang kambal ko, ay mag one month na. Wala kaming yaya dito dahil mas nakapagdesisyon ako na maging independent na lamang di masanay na palaging may naka asa sa iba.

"Noa, what do you think, malapit na anniversary natin ah?"

Agad na napalingon siya sa akin.

"Shoot, I almost forgot." Sabi niya sa akin sabay kamot sa batok.

I pouted.

"You don't love me anymore do you?"

He sighed. Yah, sometimes I may be dramatic to him. Kasi paano ba naman puro sa laptop siya nakatingin hindi sa akin. Minsan nga napapaisip ako kung may ibang babae siya. Nakakatawa lang isipin na ang selosa ko masyado. Eh, ang tanda-tanda na naming dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya na patuloy na nagta-type sa laptop nakakunot pati ang noo.

"Of course, I love you." He said with his sweetest tone.

"Then bakit palagi ka sa laptop nakatingin at hindi sa akin?" Naiinis kong sabi sa kanya.

Yeah.. Okay, OA ko. Ang drama-drama ko, lalo na 'pag kay Noa. So yes, sige hindi na ako magiging drama alam ko naman na busy siya sa kompanya naming dalawa ni Noa. Nakatingin lang ako sa kaya at hindi ko mawari kung ano 'yung nararamdaman ko.

"Kailan na nga yung anniversary natin, Noa?" Nakataas kong kilay sa kanya, kunwari na hindi ko alam.

He sly a smile.

"September three, and this is our six anniversary."

I smiled at him sweetly, buti naalala niya pa!

"Good."

yeah, it's september three.

︎❦︎❦︎

A/N o binabasa mo diyan. dont forget to vote and comment every chapter. Ily!

Never Stop Loving You Where stories live. Discover now