"Oo nga, eh. Thank you, Keith, sa pagsalo mo kanina," nahihiya niyang sabi at ngumiwi pa. Nakakagigil 'yong cuteness niya. Bawat oras na lumilipas ay mas lalo lamang akong nahuhumaling kay Yumi.

"No worries. Hindi naman kita pababayaan basta kasama mo ako." Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko pagkatapos kong sabihin 'yon.

Kada simpleng banat na binabato ko ay para akong sumugal ng malaking pera dahil hindi ko alam kung mananalo ba ako o hindi. Baka hindi siya matuwa at ma-offend kasi siya. Pero bilib naman ako sa sarili ko dahil malakas ang loob ko. Kailangan, eh. Para maiparamdam ko sa kanya na hindi lamang sa araw na 'to na gusto ko siyang makasama.

Natahimik siya pagkatapos ko iyong sabihin kaya mas lalong dumadagdag ang kaba sa aking dibdib. Wrong move yata ang ginawa ko. Napamura na naman ako sa aking isipan.

"Thank you, Keith. Ang saya mong kasama," nakangiting sambit ni Yumi.

Natulala ako sa kanyang kagandahan. Nag-slowmo na naman ang kanyang pag-ngiti at pagkurap habang nakatingin siya sa akin.

Three points! O apat na? Hindi ko na mabilang. 'Tangina. Mas lalo lamang akong ginanahan na paibigin siya.

"Of course. Hindi naman kita pababayaan. Ang ganda ba naman ng date ko," pambibiro ko.

Holy motherfather. Friendly date 'to. Ngunit para sa akin ay considered romantic date na 'to. Pero paano kung simpleng meet up lamang pala ito para kay Yumi? Maybe, I'm assuming too much out of a simple date.

"Bolero ka talaga," wika niya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. "Feeling ko nga nagde-date na tayo." Kitang-kita ko ang pamumula niya bago siya umiwas ng tingin.

Ganito pala ang pakiramdam ng nanalo sa lotto. I intently took her hand. Tatanggapin ko kung iiwasan niya ang kamay ko, but the good heavens answered my prayer. Hinayaan ni Yumi na hawakan ko ang kanyang kamay.

I guess, Yumi and I are on the same page.

"Saan mo gustong kumain, Miss Panda?" tanong ko, still holding her soft and smooth hand.

"Kahit saan," aniya habang nakatitig sa akin. Her eyes are gleaming. Namumula rin ng bahagya ang kanyang pisngi. I guess, we're feeling the same way.

Napabuntong-hininga ako sa aking isipan. She may be the amazing girl of my life, pero katulad rin siya ng tipikal na babae. Hindi alam kung saan gustong kumain. But it's okay with me. At least, may pagkakataon akong makapili ng restaurant kung saan maganda ang ambience at comforting para sa kanya.

"Kumain na lang tayo sa Japanese restaurant. Mahilig ka ba sa Japanese cuisine?" suhestiyon ko kay Yumi.

"Oo, mahilig akong kumain ng sushi," aniya naman.

"Okay, let's go there."

Naglakad kami papunta sa kotse ko na magkahawak pa rin ang kamay. Hindi ko mawari iyong nararamdaman kong kaligayahan pero pakiramdam ko kailangan ko talaga siyang protektahan. Tila ba magkasintahan kami sa inaakto namin. I feel happy and I feel like I'm her hero.

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at umikot ako para sumakay na rin sa driver's seat. Pinaandar ko ang kotse at tahimik naman siya sa kanyang kinauupuan.

"Keith, pwede ko bang makita 'yong mga pictures?" tanong ni Yumi.

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig nang iabot ko ang aking phone sa kanya. Sa madaling salita ay pinapaubaya ko ang phone ko sa kanya. Tinapunan niya ako ng tingin habang hinihintay kong abutin niya iyong phone sa kamay ko habang hawak ang manibela sa isa ko pang kamay.

"A-are you sure? Pwede mo namang i-airdrop na lang..."

"It's okay. Wala naman akong tinatago diyan. Take it," I insisted with a reassuring smile on my face. Nag-aalangan siya noong una, but she took the phone anyway.

"Thank you, Keith."

"All good," I said. Nang buksan niya ang screen ng aking phone ay napasinghap siya at napatakip pa ng bibig. Napatingin naman ako kaagad sa kanya at naalarma. "What's wrong?" nag-aalalang tanong ko. Sinulyapan ko ang screen ng phone ko at gusto ko nang makita ang kanyang tinitingnan ay gusto kong lamunin na ako ng lupa.

Siya nga pala ang lockscreen at wallpaper ko!

"Someone's in love," confident niyang wika nang ibaling niya ang kanyang atensyon sa akin. Umarko pa ng bahagya ang magkabilang gilid ng kanyang labi. Damn. I think, this amazing girl is teasing me!

And I find it sexy.

"What if you're right?" Pinagtipun-tipon ko ang lahat ng confidence sa aking katawan para hindi niya mahalata that I'm trying my best to look cool to match her confidence.

Yumi have some moods na gustong-gusto ko. She can be bubbly sometimes. She can be classy. But this one that she is showing right now is the best.

"Well, all I can say is..." Kinuha niya ang kanyang phone sa kanyang purse at binuksan ang screen ng nito. Pagkatapos ay iniharap niya iyon sa akin.

Napakagat ako sa aking labi habang nakatitig sa screen ng kanyang phone. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mukha dahil sa sobrang kilig. Pagkatapos ay bumaling ang atensyon ko sa kanya nang ibaba niya ang kanyang phone at ipatong iyon sa hita niya.

Pakiramdam ko may nagawa akong napakabuti sa mundong ibabaw dahil biniyayaan ako ng ganito kagandang karanasan at napakamayuming babae sa buhay ko.

I thanked the Lord in my mind as I stared at the girl of my dreams with a contented smile on my face.

Ako rin pala ang wallpaper ni Yumi sa kanyang phone.

When The Moonlight Kissed The SeaWhere stories live. Discover now