Pagkarating ko sa Bar ay sa likod ako dumaan para diretso sa staff room. Nilagay ko sa locker ko yung mga gamit ko tapos nagpalit ako ng uniform namin dito. Matapos kong maglog-in sa log book na siyang nagpapatunay na pumasok kami ay lumabas na ako ng staff room.

Dumiretso ako sa counter para tanungin si Carlo-ang barista- kung may mga order ba pero sabi niya wala raw. Kakaunti pa lang kasi ang mga tao dahil maaga pa kaya kakaunti rin ang mga order. Mga mamaya pang Alas Siete dadami ang tao. Nagpunas na lang ako ng mga table na walang mga customer at nagwalis-walis para may magawa. May mga customer naman na tumatawag sa akin para ipaalam ang mga order nila pero mga limang beses pa lang iyon.

Alas otso na ng gabi at kakatapos lang break ko para maghapunan. Pagbalik ko sa loob ng bar agad na dumagundong ang mundo ko sa ingay ng kanta at sa dami ng tao. Lahat sila nagsasaya.

Agad may tumawag sa akin na customer kaya lumapit ako sa table nila.

"Good evening, Sir" bati ko sa apat na lalaki. "Oorder po kayo?"

"Oo," sagot nung isa." Bigyan mo kaming apat na bucket ng beer," pagsasaad niya ng order nila.

" Sige po ,Sir. Wait lang po" pagpapaalam ko tapos dumiretso ako sa counter para hingiin yung order na apat.

" Ito na po,Sir," sabi ko sa apat tapos inilapag ko sa table yung order nila na apat na bucket ng beer. Umorder rin sila ng mani at chicharon para pang pulutan.

Mayamaya lang rin ay may tumawag na naman sa akin. Lumapit naman ako sa table nila.

"Oorder po kayo ,Sir?" Tanong ko sa limang lalaki. Nang tignan ko sila isa-isa ay nahinto ang tingin ko sa isang lalaki.

Siya yung lalaki kanina! Yung nangbugbog sa tatlong lalaki!

May band aid siya sa kaliwang pisngi,may sugat siguro siya doon dahil nagdugo iyon kanina. Hindi na nakakatakot ang tingin niya ngayon. Para bang bored siya at parang napilit lang siya ng mga kaibigan niya na magpunta siya dito.

"Oo," sagot nung isa. "Give us 3 buckets of beers."

"Sige,Sir. Wait lang po," pagpapaalam ko sa kanila tapos nagpunta akong muli sa counter para hingiin yung order ng lima.

Pagbalik ko ay inilapag ko sa table nila yung order nila. Ganoon pa rin ang mukha nung lalaking nangbugbog sa tatlong lalaki kanina. Ang sungit ng itsura niya.

Umalis rin ako doon nang may tumawag na naman sa akin na customer. Ganoon ulit ang ginawa ko: kinuha ang order,nagpunta sa counter,tapos bumalik sa table ng customers para ibigay ang order nila.

Hanggang pasado alas dose ganon ang paulit-ulit ko na ginawa. Hanggang sa may tumawag sa akin na customer na nagrereklamo na mali daw yung order na ibinigay ko sa kanila. Umorder sila ng beer kaya binigyan ko sila ng beer. Ang kaso hindi daw beer yung binigay ko e beer naman 'yun. Ano bang beer ang gusto niya?

"Sir, beer po 'yan," sabi ko.

"Hindi 'to beer! Kung beer 'to dapat kulay pula yung bote!"Sabi niya.

Tumingin ako sa boteng hawak niya. Kulay pula naman iyon,a. Lasing na siguro siya kaya pati mga kulay ay namamali na siya.

"Sir, kulay pula naman po 'yang hawak niyong bote. Lasing na siguro kayo ,Sir," sabi ko.

"Anong lasing? Hindi ako lasing! Gusto mo ihampas ko 'tong bote sa ulo mo para malaman mong hindi pa ako lasing, ha!" Pagbabanta niya sa akin.

Kinabahan naman ako. Kahit kasi lasing siya ay mukha siyang hindi nagbibiro sa sinabi.

"Sir, kumalma po muna kayo," pagpapakalma ko sa kanya kahit ako naman yung malapit na mataranta.

"Gago ka talaga,ah! Bakit ako kakalma? Inaasar mo talaga ano?"

Nanlaki naman ang mata ko ng akmang ihahampas niya sa akin yung bote ng beer. Sasalagin ko sana 'yun ng aking kamay kaso may ibang kamay ang sumalag.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko yung lalaking nangbugbog sa tatlong lalaki kanina. Hawak-hawak niya yung kamay nung lalaking hahampasin sana ako ng bote.

"Ang alak pare dinadala sa tiyan hindi sa ulo. Pati 'tong waiter na nagtatrabaho ng maayos ginugulo mo," sabi niya doon sa lalaking hahampas sana ng bote sa akin.

" Pakialamero ka,ah. Baka gusto mong sayo ko 'to ihampas," sabi nung lalaking lasing. Akmang aalisin niya sa pagkakahuli yung kamay niya kay kuyang nangbugbog sa tatlong lalaki kanina pero hindi niya nagawa.

"Hindi ako pumapatol sa lasing pero dapat 'ata matulog ka na," sabi ni Kuyang nagligtas sa akin mula kay Kuyang lasing. Tapos biglang niyang hinampas yung bote ng alak na ihahampas sana sa akin nung lalaking lasing kanina. Nabasag yung bote tapos bumagsak sa sahig yung lalaking lasing. Nakatulog nga.

Kaso agad na rumespunde yung kasama nung lalaking lasing. Sinugod nila si kuyang tumulong sa akin. Nasuntok si kuyang tumulong sa akin ng ilang beses pero kagaya kaninang umaga natalo niya rin 'yung tatlo.

Nakatulala lang ako sa buong pangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bagsak na yung apat na lasing. Napatingin ako kay kuyang tumulong sa akin at nakita kong nagdurugo ang labi niya. Tumingin siya sa akin saglit tapos bumalik siya sa mga kaibigan niya. May sinabi siya sa mga ito kaya napatingin ang mga ito sa apat na lalaking nasa lapag. Tapos tumango-tango yung mga kaibigan niya. Tapos nakita ko siyang naglalakad na papalabas ng bar.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nagtatakbo para sundan siya. Naabutan ko siya sa may parking lot. Tinawag ko siya kaya huminto siya sa paglalakad tapos hinarap niya ako.

"What?"Sabi niya pagkalapit ko sa kanya.

Hinihingal ako. Napaisip ako kung bakit ko nga ba siya sinundan. Napatingin ako sa labi niya.

"Um, kasi yung labi mo dumudugo," sabi ko.

"What about it?" Tanong niya. Nakakunot ang nuo niya.

"Kasi...gusto ko sanang gamutin," sagot ko. Nagaalangan.

"I can take care of it," sabi niya tapos tinalikuran niya na ako para umalis pero pinigil ko siyang muli.

" Pero dahil sa akin kaya 'yan dumugo. Please,hayaan mo akong gamutin yung labi mo," pamimilit ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko talaga na gamutin ang labi niya e pwedeng-pwede naman talaga na siya na ang gumamot nun. Siguro dahil feeling responsable talaga ako kung bakit nagdugo ang labi niya.

Hindi niya ako hinarap pero nagsalita siya." Come follow me," sabi niya tapos nagsimula na siyang maglakad.

Napangiti naman ako tapos sinundan ko siya sa paglalakad. Huminto siya sa isang sasakyan tapos pumasok siya roon. Bumukas yung bintana nung shotgun seat tapos sabi niya pumasok raw ako. Pumasok naman ako at naupo sa may shotgun seat.

"Here," sabi niya sabay abot sa akin ng firts aid kit.

Kinuha ko iyon tapos naglagay ako ng betadine sa bulak. Tumingin ako sa kanya tapos natigil ako ng makita kong kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Nagiwas lang siya ng tingin nang tignan ko na siya.

"Lilinisin ko na yung sugat mo, ah," pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya.

Sinimulan ko na yung paglilinis sa sugat niya. Ang lapit namin sa isa't isa kaya naamoy ko yung pabango niya. Nilapit ko talaga yung mukha ko sa mukha niya para makita ko ng maayos ang sugat niya.

Habang nililinis ko yung sugat niya napatingin ako sa mata niya. Nakatingin na naman siya sa akin at nung mahuli ko siya nagiwas na naman siya ng tingin.

"Yan tapos na," sabi ko matapos kong gamutin ang sugat niya sa labi.

"Thanks," sabi niya.

"Salamat rin sa pagtulong sa akin kanina. Kung hindi mo ako tinulungan ako na 'ata ang nakahilata sa lapag ngayon," sabi ko. Wala na siyang sinabi.

" Ako nga pala si Hiro. Ikaw,anong pangalan mo?" Aniya ko

"I'm Kalyx," sagot niya.

"Hmm," tumango-tango ako." Sige. Salamat ulit. Babalik na ako sa loob,magpapaliwanag pa ako Manager namin," pagpapaalam ko sa kanya tapos lumabas na ako ng kotse niya.

Nang makalayo ako ng kunti ay tumingin akong muli sa kotse niya at kumaway.

Kalyx... Ang gwapo ng panglan niya. Bagay na bagay sa gwapong 'gaya niya.
-
Jarannnn!!! Sana nagustuhan ninyo! Tell me your thoughts! Please comment anything!!!

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now