Prolouge

1.7K 56 38
                                    

WARNING! BEFORE YOU START READING GUSTO KO LANG SABIHIN NA THIS STORY CONTAINS SEX SCENE BETWEEN MALES! YES! KAYA HUWAG MO NG ITULOY ANG PAGBABASA NITO KUNG AYAW MO NG GANON. IYON LANG. THANK YOU! MUAH!!!
-
Nagising ako ng Alas Nueve. Agad akong nataranta dahil Alas Dies inpunto ang start ng una kong klase. Ngali-ngali akong naligo, nagbihis at umalis sa inuupahan kong apartment at magpunta sa may kanto ng lugar namin para mag abang ng masasakyang jeep.

Buti na lang at hindi matraffic ngayong araw kaya mabilis lang akong nakarating sa University na pinapasukan ko.

Isa na akong third year college student sa kursong Education. Isang taon na lang at magiging teacher na ako. Hindi na ako makapaghintay dumating ang araw na 'yun at sabihin sa sarili ko na worth it lahat ng pagod at paghihirap ko.

9:43 na kaya sa shortcut ako dumaan para mabilis akong makarating sa una kong klase. Ang kaso bigla akong natigil sa paglalakad ng sa dadaanan ko ay may nagsusuntukang apat na lalaki.

Tatlo laban sa isa ang labanan. Nung una maraming natanggap na suntok yung lalaking mag-isa pero ng makabawi siya biglang bumaliktad ang laban. Kapwa bumagsak yung tatlong lalaking magkakampi sa sahig at mukhang hindi na sila makakalaban pa.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan ako nung lalaking bumugbog sa tatlong lalaki. Dahil siguro sa nakakatakot niyang tingin kaya ganito na lang ang pagkalabog ng puso ko.

May mga pasa siya mukha at nagdurugo ang kaliwang pisngi niya pero hindi natago ng mga iyon ang angki niyang kagwapuhan. Makapal ang kilay, kulay tsokolate ang mga mata, matangos ang ilong at napakapula ng kanyang labi. Matangkad rin siya. Nakasuot siya ng kulay black na polo shirt na hindi nakabutones kaya kita ang white t-shirt niya na may tatak na "engineering". Sa hula ko'y engineering student siya dahil mga engineering student lang naman ang may t-shirt na ganoon sa University. Sa pangibaba niya ay nakasuot siya ng pantalon at sa kanyang mga paa ay pares ng kulay puting sapatos na wari ko ay nadumihan dahil sa pakikipagsuntukan niya kanina.

Mas dumoble ang pagkalabog ng puso ko nang magsimula siyang maglakad papunta sa pwesto ko. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw, gustuhin ko man dahil natatakot talaga ako sa klase ng tingin niya. Para bang gusto niya rin na gawin sa akin ang ginawa niya sa tatlong lalaking iyon na nasa lapag.

Literal na hindi ako humihinga nang makalapit na siya sa akin. Para bang ano mang oras ay hihimatayin na ako sa sobrang kaba. Pero nawala yung kaba ko ng lagpasan niya ako. Bigla akong napabuga ng hangin pagkatapos ay hiningal ako na animo'y nagtatakbo ako.

Sinundan ko ng tingin yung lalaki. Papalayo na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero sana magpunta siya sa clinic para ipagamot yung mga galos niya.

Teka! Bakit ba ako nag-aalala sa kanya?

Bigla akong napatingin sa relo ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong 10 minutes na akong late sa una kong klase!

Sheteng buhay yan!

-
Alas quatro ng hapon natapos ang mga klase ko. Hindi ako sa apartment didiretso kundi sa Bar na pinagtatrabahuhan ko. 5 pm hanggang 12 am ang shift ko . Kaya lagi akong puyat at madalas na late sa una kong klase.

Mahirap maging working student pero wala akong magagawa dahil kapag hindi ako nagtrabaho wala akong ipangbabayad sa pag-aaral ko at sa mga gastusin ko. Hindi kasi mayaman ang pamilya ko. Panday ang Tatay ko at labandera naman ang Nanay ko. May tatlo pa akong nakababatang kapatid na binubuhay nila at pinag-aaral kaya hindi na ako umaasa sa kanila. Gustuhin man nila akong padalhan ng pera pero hindi ko tinatanggap dahil alam kong mas kailangan nila 'yun. Kasya naman kasi yung sinasahod ko para sa akin. Kung may tira pa nga ay pinapadala ko sa kanila.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Där berättelser lever. Upptäck nu