DNO 009

2.6K 126 27
                                    

iMessage
October 20

BFF Kenzie

Keeenz!

Yow. What's the matter, besh?

Bakit ganito 'tong pinsan mo?
Masyadong pa-fall. 😩

Bakit, anong ginawa ni Fin?

Eto, dinaanan ako sa office. Ihahatid niya raw ako pauwi. Pagpasok ko sa kotse niya, may nakaabang palang bouquet of roses para sa akin. Ang thoughtful lang. 🥺

Yiieee hahaha wait lang, kinikilig ako!
Mukhang rumurupok ka na kay Finley, Everleigh! 🤭

Slight huhu pero hindi ito maaari! Baka ma-hopia na naman ako. Ayoko nang mapaasa, besh. Lalo pa at ladies' man itong pinsan mo. Kita mo nga at nasampal pa ako dahil lang nakipag-date ako sa kanya.

Gaga ka talaga, haha! Kumalma ka, okay?
Hindi ka naman paglalaruan ni Fin, unless gusto niyang katayin ko siya. 🔪

Kahit naman may backup ako sa katauhan mo, I still need to guard my heart. Ilang beses na 'tong nabasag, McKenzie! And what's worse, it had been broken several times, over several men who weren't even mine to begin with!

And the FAMAS Best Actress is back. 🙄
Calm your tits, Everleigh. Nag-ooverthink ka na naman, e. And because of what, a bouquet of roses?

Kasi naman, Kenz... Nag-promise ako sa sarili ko. No more tears caused by men. They're not worth it. Strong, independent woman dapat ako, 'di ba?

Well then, act like the strong, independent woman you claim you are. Don't freak out over a guy's simple gesture. Chill lang Leigh, okay?

Okay huhu sorry 🙈

Don't be. Gets ko naman ang rason ng pagkatakot mo. Pero 'wag mo rin sanang isarado nang tuluyan ang puso mo, ha? I-enjoy mo lang ang feeling na may taong nag-eeffort para sa'yo.

Yes, madam. 🤪

Attagirl! Ingat kayo ni Fin pauwi. 😘

Read 08:22 PM

Dear No OneWhere stories live. Discover now