DNO 001

6.4K 171 67
                                    

iMessage
October 05

BFF Kenzie

Hoy, bruha. Bakit hindi mo sinipot ang pinsan ko kahapon? Dalawang oras 'yong naghintay sa meeting place niyo! 🙄

Sorry na, besh. Biglang nagka-urgent work. Muntik ko na ngang awayin ang client dahil kung kailan pauwi na ang team, tsaka naman nagpahabol ng gawain.

E bakit hindi mo inaway?

Sira. Siyempre, client pa rin namin 'yon. Gusto mong matanggal ako sa trabaho kapag pinatulan ko talaga?

Okay lang 'yon! Mayaman naman kayo. May sarili ngang kumpanya ang pamilya niyo, e. 😝

That's not the point, Kenz. 🤦🏻‍♀️

So, anong gagawin natin? Everytime na lang na may irereto ako sa'yo, madalas ganyan ang nangyayari. Hindi mo sinisipot.

Sino ba naman kasi ang nag-utos sa'yo na i-set up ako lagi sa kung sinu-sinong lalaki???

Hoy, hindi naman kung sinu-sino lang ang inirereto ko sa'yo! Puro mga gwapo at financially stable na lalaki ang ibinubuyo ko sa'yo.

Bugaw ka ba, ghorl? 😂

Hay naku. Paano ka pa magkakaasawa niyan, Everleigh? Malapit ka nang mag-trenta, baka nakakalimutan mo.

Bakit, kailangan bang pagtuntong ko ng thirty, married na ako? Alam mo naman na strong, independent woman ang best friend mo.

Charotera. Ang sabihin mo, isa kang lonely, soon-to-be old maid.

Old maid agad? Bakit ang harsh mo? 😒

E sa totoo naman! Maniwalang hindi ka naiinggit sa ate mo na magkaka-second baby na? At sa bunso niyo na malapit na ring ikasal?

Hindi naman talaga ako naiinggit sa mga kapatid ko. I'm happy for them.

Kahit sa akin na married na? At sa iba pa nating mga barkada na may sari-sarili na ring mga pamilya?

Oo nga! Ginawa mo naman akong inggitera, bruha ka.

So bakit "Dear No One" ni Tori Kelly ang most-played song mo sa Spotify? Nakita ko sa My Day mo. Ramdam na ramdam ang longing mo, besh! 😂

E sa gusto ko 'yong kanta, bakit ba? Alam mo, abala ka sa ginagawa ko. Get lost, McKenzie Javier!

Correction: McKenzie Chua na ngayon. Kasi, unlike you, surname na ng asawa ko ang dala ko.

Bastos talaga ang bibig mo. 😒

Haha! Ito naman, pikon. 😝 Nga pala, sabi ni Finley, pinapatawad ka na raw niya sa pagpapaasa mo sa kanya kahapon. Pwede raw i-resched ang date niyo, kung gusto mo.

Sabihin mo riyan sa pinsan mo, 'wag na niya akong pag-aksayahan ng panahon.

Sure ka? In demand 'yon! Baka magsisi ka balang-araw na tinanggihan mo 'yon.

Kung in demand ang pinsan mo, bakit umabot siya ng 31 years old na wala pang asawa, aber?

E kasi nga, playboy dati. Papalit-palit ng girlfriend. Ngayon lang siya nakaramdam ng kagustuhang mag-settle down.

All the more pala na kailangan kong iwasan ang Finley na 'yan. Mukhang sakit ng ulo lang ang ibibigay niyan sa akin.

Grabe naman 'to, judgmental! Balak na nga niyang magseryoso, 'di ba? Malay mo naman, ikaw na pala ang hinihintay niya para tuluyan na siyang tumino.

Pfft. Ayoko riyan sa pinsan mo. Picture pa lang, halata nang palikero talaga.

Sus. Akala mo naman siya, hindi playgirl noon. Ano nga ang motto mo dati?

YOLO. Landi while you can. 🤣

See? Kaya bagay kayo ni Fin. Pareho kayong malandi. Malay mo, ma-neutralize niyo ang isa't isa. 😝

Ewan ko sa'yo, Kenz. Ang dami mong alam. Diyan ka na nga at tambak pa ang trabaho ko. Istorbo 'to. 🙄

Basta, sasabihin ko kay Fin na pumayag ka sa resched ng date niyo ha?

Jusko, oo na. Magtigil ka lang.

Haha, yey! Balitaan mo ako sa magiging takbo ng date niyo, besh.

K. Chismosa ka talaga.

Tulad mo lang, bruha. Kaya nga tayo best friends, 'di ba? 😂

Read 01:17 PM

Dear No OneWhere stories live. Discover now