DNO 023

1.9K 97 67
                                    

iMessage
January 03

BFF Kenzie

Kenz!

Yow. Wazzup?

Bakit ganyan ka mag-text?
Lasing ka ba?

Gaga, hindi.
Anong kailangan mong babae ka?

Ano nga 'yong name ng chatroom na nauso noong nasa high school tayo?

You mean the chatroom kung saan pala kayo unang nag-meet ni Fin? 😛

Oo, 'yon nga.

Modnar. Why?

Wala lang. Bigla ko lang naalala.

Yes naman! Nagre-reminisce ka ba ng mga panahon na ka-chat mo ang pinsan ko?

Malay ko bang si Fin 'yon???

Ang cute nga e! Akalain mo 'yon, dati mo pa palang kalandian si Finley James?

Gulat na gulat nga ako.
Alam mo 'yon, parang dati pa pala kami pinaglalapit ng tadhana. Charot!

Hahaha! Hindi charot 'yan.
Isa 'yang malaking check.

Kaya siguro madali kong nakagaanan ng loob si Fin. Dati na pala kaming nagkausap.

Aww. Talaga bang magaan ang loob mo kay Finley James?

Oo nga! Sasama ba naman ako sa pinsan mo pa-Tagaytay nang madaling-araw kung hindi magaan ang loob ko sa kanya? 🙄

AAHHH MY SHIP IS SAILING!
Bwisit kayong dalawa ni Fin, kinikilig na naman ako! Baka akalain ng asawa ko, kung sino itong kausap ko. 😭

Hindi naman seloso ang asawa mo.
Swerte mo nga riyan kay Armel.

Si Fin din, hindi seloso.
Swerte ka rin sa kanya. 😉

Gano'n? 😂

Oo nga, haha!
So, ano na ba ang score ni Fin sa'yo?

Hindi naman ako teenager para mag-deny pa, so aamin na ako. I really like Fin, besh.

Hoooooy 😭
Thank you Lord, mukhang hindi na talaga magiging old maid ang best friend ko!

Hindi natin sure.
Natatakot pa rin kasi ako, Kenz.
Baka saktan lang ako ng pinsan mo.

I already told you, hindi ka sasaktan ng mokong na 'yon. Takot lang ni Fin na tadtarin ko siya at gawing sisig.

Bruha. Ayoko naman na 'yan lang ang maging assurance ko. Na hindi ako sasaktan ni Fin dahil may reresbak para sa akin, if ever.

Alam ko naman, besh. Hindi lang dahil diyan kaya nasabi kong hindi ka sasaktan ni Fin. I know how much he likes you. Alam mo bang kapag magkausap kami, walang ibang bukambibig 'yon kundi ikaw?

Weh?

Oo nga! Sa dinami-rami ng mga babaeng dumaan sa buhay niya, sa'yo lang nagkaganyan ang pinsan ko.

Well, ganito talaga kapag maganda. 💁🏻‍♀️

I know, right? 😉
So ano nang balak mo ngayon?

What do you mean?

I mean, what are you going to do about the fact na parehas naman pala kayo na gusto ang isa't isa?

Malay ko. Ano bang dapat kong gawin?

Jusko naman itong babaeng 'to.
Sagutin mo na si Finley James!
Para naman maging Javier ka na rin.
Welcome to the fam, besh! 🤧

Hala siya. Advanced ka masyadong mag-isip, McKenzie. 😂

Excited na kasi ako! Imagine, every reunion ng mga Javier, ikaw ang kasama ni Fin na a-attend. Tapos magkakaroon ako ng mga pamangkin sa pinsan na kay gaganda at kay gagwapo.

Tigilan mo 'yan. I only said I like Fin.
Hindi ko pa mahal ang pinsan mo.

Sus! Doon na rin papunta 'yon.

I'm not entering a relationship unless I know the guy like the back of my hand, Kenz.

Gano'n? Mukhang matatagal-tagal pa pala na panunuyo ang kailangang gawin ni Fin, ah.

Oo, besh. Pasensya na sa pinsan mo, pero kung talagang seryoso siya sa akin, magtiyaga siya.

Poor Finley James. Sanay pa naman 'yon na madali niyang napapa-oo ang mga babae. 😂

Pwes, ibahin niya ako. I'm not the googly-eyed girl he met at Modnar, not anymore.

I know. And for the record, I like this version of you better. Kahit lagi ka naming tinutukso ng tropa dahil ikaw na lang ang single sa atin, sa totoo lang, hanga kami sa'yo.

Aww, really? 🥺

Yes! You are not afraid to be alone, and you don't need a guy to complete you. That's our Boss Bitch Leigh! 🙌🏻

Hahaha! Sira ka talaga.
Pero thank you, besh.
Those are flattering words.

Baka naman, besh.
Merienda kapalit ng flattering words.
Alam mo naman ang address ko. 😘

Hay naku, McKenzie.
Kay Armel ka manghingi ng merienda.

Ay ano ba 'yan, ang kuripot?

Hindi ako kuripot.
Hindi lang din ako uto-uto. 😝

Delivered 03:12 PM

Dear No OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin