DNO 060

1.8K 92 102
                                    

Messenger
May 31

CPAs: Charoterang Public Accountants

Dani
Mga besh! May chika ako.
Starring: Ms. Everleigh van Acker. 😹

Leigh
My God. Ano na naman 'yan, Dani?
Last time na may chika ka, muntik na akong mawalan ng potential boyfriend. 🙄

Dani
Hahaha! Hoy, grabe naman.
Pinagsisisihan ko na nga 'yon, 'di ba?

Era
What's the tea, Dani girl?

Kenzie
And how come it's about Leigh again? 🙊

Leigh
Kaya nga! Lagi na lang ako. Ganyan na ba ka-boring ang mga buhay niyo at laging sa akin na lang may nagaganap? 🤣

Kristine
Sorry, I'm late. Has the tea party begun? 😛

Dani
Hindi pa naman, Tin. You're right on time.

Dani is typing...

Naalala niyo pa si Jayden? One of Leigh's TOTGAs?

Era
Side note: ikaw lang ang tanging kilala namin na napakaraming TOTGA, Everleigh.

Leigh
Bwisit kayo, haha!

Leigh is typing...

O, ano naman ang meron sa Jayden na 'yon? I haven't heard about him in years.

Kristine
Wait, is this Jayden the guy na ipinakilala ni Dani kay Leigh noong college tayo? Your older brother's best friend, Dani?

Dani
Yes, besh. Jayden Larraga, Everleigh's college kalandian. Also known as our friend's first major heartbreak.

Leigh
And that's all thanks to you, beech. Hindi sana ako ngumawa nang ganoon kung hindi mo ako ipinakilala sa kumag na 'yon. Napakarami mo nang atraso sa akin, Danica, sa totoo lang. 😒

Dani
Aba. Kasalanan ko bang pinaasa ka lang ni Jayden? Nagmagandang-loob lang naman ako at ipinakilala ka sa isang gwapong nilalang.

Dani is typing...

Anyway, chinat ako ni Jayden kahapon. He's asking about you, Leigh. Halatang interesado pa sa'yo.

Leigh
Luh. Parang timang 'yon, ah.

Kenzie
OMG. Bakit kaya isa-isang nagsisibalikan ang mga multo ng nakaraan mo, beshy?

Leigh
Malay ko rin? Siguro, na-sense nila na maayos ang buhay ko ngayon kaya nagbabalik sila para manggulo. Kampon ng dilim ang mga 'yon, e.

Era
Hahaha! Maka-"kampon ng dilim" ka naman, Leigh. Galit na galit? 🤣

Leigh
Hoy, Danica. Pakisabi riyan kay Jayden, I am in a serious, loving relationship right now. 'Wag na siyang magpalipad-hangin.

Kenzie
Aww. I'm not Fin pero grabe ang kilig ko! 🥰

Kristine
Same! Swerte rin talaga ng pinsan mo rito sa friend natin, Kenz.

Leigh
Of course, girls. Saan pa kaya makakakita si Finley James ng girlfriend na kakaibiganin ang isa pang babaeng confirmed na may gusto rin sa kanya? 😌

Kenzie
True! And speaking of Margot, kumusta ang naging pagdalaw niyo sa kanya? How is she?

Leigh
She's still weak, and kind of disoriented. Ganoon daw talaga kapag kaka-undergo lang ng brain surgery. But she's really lucky dahil walang major damage na nangyari sa kanya.

Dani
In other words, sulit ang mga pamisa ko. 🙏🏻

Era
Gaga ka talaga, Danica. 😂

Leigh
Margot did something unexpected, though. She told me she's happy that someone like me is dating Fin. And she even apologized for making me uncomfortable. Of course, I didn't say anything about my initial impression of her, but maybe she sensed it?

Kenzie
Really? Good for both of you. At least Margot made an effort to clear the air.

Leigh
Kaya nga, e. Ganoon lang daw talaga kasi siya kay Fin, dahil sobrang tagal na nilang magkaibigan. But she promised to be mindful of her boundaries as a friend next time.

Era
Buti pa si Margot. Sana 'yong mga dati mong kalandian, marunong ding rumespeto ng boundaries, Everleigh. 😝

Leigh
Hay naku besh, sinabi mo pa.

Leigh is typing...

Dani, pwede bang magpamisa ka ulit? Panalangin para layuan ang kaibigan mo ng mga dating nang-ghost sa kanya, ganern.

Dani
Sure! Pero ikaw na ang magbabayad ng donation? Ilang pamisa rin 'yon, kung one for each guy from your past. Marami-rami, e. 😝

Leigh
Ang bastos talaga ng bibig mo, Danica. 🙄

Seen by everyone

Dear No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon