EPILOGUE

57.6K 2.2K 700
                                    

JICE

Kanina pa tanong ng tanong si Laeven kung napapano ako pero hindi ako sumasagot. Pakiramdam ko matutulad siya kay Sir Aeidan at mawawala siya sa sarili kapag sinabi kong manganganak na 'ko. Eguls na eguls sa kaniya! Baka mamaya manganak ako kakatawa sa harap niya mismo.

"What the hell is happening, Jice Isaiah Saavedra-- Villafuerte!?" Shutangena! Kung nasa normal kaming sitwasyon, kikiligin talaga ako diyan! Baka ako pa mismo ang bumukaka sa harap niya. Ang kaso parang pupusit na ang anak namin!

Nginitian ko lamang siya ng mahinhin at umiling. Pakiramdam ko, 'yong ngiti ko ay parang killer smile ni Annabelle. Alam n'yo 'yong feeling na natatae ka pero kailangan mong ngumiti? Legit, shutangena!

"You're making me so fucking nervous! Anong nangyayari sa'yo?" Aniya pero pinanatili ko pa rin ang killer smile kong mukhang natatae.

"Okay lang ako. Punta ka sa kwarto natin. Kunin mo 'yong bearbox. May kukunin ako," utos ko sa kaniya pero ang totoo pinapakuha ko 'yon dahil naroon lahat ng gamit ko sa panganganak.

Shutangena, Lindzzy! Nasaan ka na ba!?

Mabilis na sumunod si Laeven at doon ko na pinakawalan ang ngiwing kanina ko pa gustong gawin pati na ang paghinga ng marami dahil sa sakit ng hilab ng tiyan ko. Bakit naman kasi may sumpa pa ang mga depugang Freezell!? Malamang kasalanan 'to ni Madam Cassandra!

"JICE!" Sigaw ni Lindzzy at halos mapa-sign of the cross ako sa biglaan niyang pagdating.

"Narito ka na sa wakas, Alwina!" Sigaw ko sa kaniya at nakita kong nangunot ang noo niya.

"Anong pinagsasasabi mo!?" Gulong tanong sa akin ni Lindzzy.

"Ikaw ang sugo ng mga tao, bru. Taken na si Aguiluz. Ako ang sugo ng mga Mulawin," wika ko at sa gulat ko bigla niyang pinitik ang noo ko.

"Prank lang ba na manganganak ka na-"

"Manganganak ka na!?" Wika ni Laeven na nasa itaas ng hagdan. Shutangena ng bibig ni Lindzzy kailangan ko pa yatang i-stapler!

Wala na. Nabaliw na si Laeven. Wala na. Tulala na siya habang bitbit ang bearbox.

"LAEVEN!" Sabay naming sigaw ni Lindzzy. Ang walang hiyang pugo nakalimutan yatang paa ang gamit sa pagbaba ng hagdanan! Bigla ba naman niyang kinandong 'yong bearbox tapos nagpadausdos sa hagdanan gamit ang pwet niya. Ayon aalog-alog at kakaldag-kaldag siya!

"Shutangena!" Sigaw ko dahil bigla na lamang sumipa ang anak ko. Akala mo ba gustong sumali sa ama niya, jusko po!

"Dalhin na ba kita sa ospital?" Tanong ni Lindzzy na ikinataas ng kilay ko.

"Bakit? Balak mo muna bang magparty-party tayo?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya pero ang walang hiya tinawanan lang naman ako!

"Makakaganti-ganti na 'ko sa'yo," aniya saka ako nginitian.

Nilapitan niya si Laeven at bigla ba naman niyang binulungan saka sinayawan. "Nang ma-inlove ka kay Jice akala niya pag-ibig mo ay tunay pero 'di rin nagtagal lumabas din ang tunay na kulay....."

Hooo... Hooo... Shutangena! BAKIT ALAM NI LINDZZY 'YONG KANTANG 'YON!?

"Ang kaniyang bibig mapagmataas at laging namimintas. Pero sarili niyang pukenjang ang aking pinapaspas!" Sagot naman ni Laeven na ikinalaki ng mata ko.

"Mga walang hiya! Pupusit na ang anak ko!" Sigaw ko sa kanila.

"Laeven!" Kinabahan ako sa pagtawag na iyon ni Lindzzy kay Laeven. Jusko, parang nasapian yata ni Shanna si Lindzzy!

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Where stories live. Discover now