Eight

38K 1.7K 419
                                    

JICE

     

Para akong tanga na nakatanghod sa kanila habang magkayakap. Wala akong feelings kay Laev— Hindi pwede. Dapat libog lang. Dapat katarantaduhan lang. Hindi pwedeng pagmamahal. Nakakabobo 'yon. Nakakatanga. Hindi ko pwedeng i-entertain ang tangang nararamdaman ko.

            

"Punta muna ako sa kwarto ko," paalam ko sa kanila saka ako tumalikod.

          

"Jice," dinig kong tawag ni Laev kaya't napahinto ako sa paglalakad.

       

Pinatatag ko ang ekspresyon ng mukha ko bago ako bumaling sa kanila. Mabilis kong pinalabas ang peke kong ngiti. "Oy? Bakit?"

          

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa babae saka hinatak ito patungo sa akin.

       

"She's Shanna Navarro," pakilala niya sa akin sa babae nang makalapit na sila.

          

"Ah... Eh... Hello Shanna. Ako nga pala si Jice Saavedra," saka ko inabot ang kamay ko sa kanya.

      

Hindi ko inaasahan na ngingitian niya ako ng napakatamis saka inabot niya ng dalawang kamay niya ang kamay ko. Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Kita ko ang totoong bait na mayroon siya.

          

"Hello sa'yo. Lagi kang naikwe-kwento ni Laev sa akin sa texts and chats," wika niya sa akin.

         

"Hindi mo 'ko sasampalin? Hindi mo 'ko sasaktan? Hindi mo 'ko sisigawan? Wow. Nahuli mo pa lang kami na naghahalikan—"

         

"Hindi naman ako ganoong klase ng babae," wika niya sa akin bago binitawan ang kamay ko. "Hindi ako bumabase sa nakikita ko lang. I always hear both sides of the story before acting. I'm not the impulsive type," wika niya sa akin at muling ngumiti.

         

Teka. Sandale. Abnoy ba siya? May sakit ba 'to sa utak? Sinong hindi mag-aact na impulsive kung makita mo 'yong jowa mo na may kahalikan na iba? Baka kung ako 'yon, pinukpok ko pa sila ng kalderong dalawa.

         

"Seryoso ka ba? Shutangena—"

       

"Your mouth, Jice. Hindi sanay si Shanna sa mga bulgar na salita—"

        

"Siya lang ang hindi sanay, ako sanay. Huwag kang makialam dito, bangkero!" Singhal ko kay Laeven dahil sa biglaan niyang pagsasalita.

        

"Bangkero?" Sabat ni Shanna kaya't napalingon ako sa kanya.

         

"Oo. Namamangka siya sa dalawang ilog, e!" Sagot ko. Nawawala na ang bait-baitan ko. Oo, mabait talaga 'tong babae sa harap ko, pero shutangena naman, ano naman ang gusto n'yong maging akto ko ngayon!?

          

"Si Laev? Namamangka? Oh no, may hindi ka yata alam—"

        

"Just let her be, Shanna. Hindi naman na niya kailangan pang malaman ang sitwasyon," putol sa kanya ni Laeven at tila ako naguluhan.

         

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Where stories live. Discover now