Twenty-one

36.8K 1.6K 302
                                    

JICE

      

"Kwentuhan mo 'ko," wika ko sa kaniya habang nakaunan sa braso niya at nakayakap sa kaniya.

          

"Ano namang i-kwe-kwento ko sa'yo? Lasing ka, 'di ba? Matulog ka na," sagot sa akin saka ako hinalikan sa noo.

       

"Hello sa'yo, Laeven. Paano po akong makakatulog pagkatapos mong niyugyog 'yong pagkatao ko. Para kang si kuya Wil," singhal ko sa kaniya.

         

"Who the fuck is kuya Wil!?" Gusto kong matawa sa naging pagtaas ng boses niya.

         

"Shutangena. Ibig kong sabihin, si Willie Revillame. Pa'no, giniling-giling mo 'ko," saka ko pa iyon sinundan ng tawa. Tao kaya 'tong si Laev? Walang ka-muwang-muwang sa mundo.

          

"Akala ko kung sino nanaman ang kaagaw ko—"

      

"Mag-kwento ka ng tungkol kay Lyndon at Flare," putol ko sa kaniya. Nasabi ko naman na sa kaniya na nag-kwento na sa akin si Shanna tungkol sa nangyari.

        

Naramdaman kong napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.

        

"Matalik kong kaibigan sina Lyndon at Flare, same goes with Shanna. Prinsesa namin siya. College days palang hindi na kami mapaghiwalay na apat," saglit siyang huminto na animo ayaw niyang magpatuloy. "Kaya hindi ko inakala na ta-traydorin kami ni Lyndon para sa pera. Alam niya kung gaano namin siya pinagkakatiwalaan ni Flare. Siya lahat. Sa kaniya lahat. Siya ang pinaka kuya namin sa grupo."

          

"Anong klaseng kaibigan naman si Flare sa'yo?"

       

"Flare? Siya 'yong taong malihim. Hindi 'yon nagsasabi kahit ano pang problema ang iniisip niya. Makikita mo lang siya na laging nakangiti at masaya. Siya pa ang madalas na taga-alalay kahit alam kong mayroon din naman siyang sarili pasanin. Siya rin ang taga-pigil ko sa pagiging fuckboy ko. Good boy kasi 'yon. Ramdam ko 'yong pagmamahal niya sa aming tatlo nina Shanna at Lyndon... kaya sobrang sakit na mawala siya dahil sa kagagawan ko," napataas ang tingin ko sa kaniya dahil nangingilid na ang mga mata niya.

         

"Tindi ng brotherhood n'yo," tanging nasabi ko.

        

"The hardest part, was that I wasn't able to join his burial. Kasalukuyan akong nasa ospital at hindi maka-usap. Hindi ko man lamang siya naihatid sa huling hantungan niya, dahil na rin sa probinsiya nila siya piniling ilibing ng magulang niya. Ang sakit sa akin no'n. Alam kong may galit pa rin ang mga magulang niya sa akin," pagpapatuloy niya.

           

"Kaya pala ganoon ang kwento ni Shanna. Ha-huntingin ko talaga 'yang Lyndon na 'yan. Ako mismo ang lulumpo sa kaniya. Ako mismo ang magpapakilala sa kaniya sa impyerno," pirming wika ko. Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Laeven. Parang pinipiga ang puso ko. Para akong sinasakal.

            

Pinitik niya ang noo ko saka ako niyapos ng mahigpit. "I want to start anew. Gusto kong magsimula kasama ka. Gusto kong baguhin ang takbo ng buhay ko na narito ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita, Jice. Ikaw ang nagpabago ng lahat ng kung ano ako ngayon," aniya. Yumapos din ako sa kaniya saka ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Where stories live. Discover now