Twenty-two

34.5K 1.3K 268
                                    

JICE

       

"Jice Isaiah Saavedra, marry me or else, I'll announce my retirement as a racer here, now."

    

Parang napugot yata ang hininga ko dahil sa narinig kong iyon. Walang hiyang Laeven na 'to! Binibiro ko lang naman na pakasalan ako!

         

"Baby, answer me," shutangena! Na-tuod na nga ako rito tapos pine-pressure pa 'ko!

            

"SAY YES! SAY YES!" Hiyawan ng mga fans niya. Shutangena hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako pakipot! SHOOKT NA SHOOKT AKO MGA KAIBIGAN! LITERAL NA SHOOKT NA SHOOKT!

            

"K–Kapag prank 'to Laeven, sisiguraduhin kong dudurugin kita ng buong—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang siyang tumayo saka ako kinabig para halikan!

      

"WOOOOOOOHHHHHHHHH!!" Hiyaw ng madla.

       

Para akong na-engkanto dahil lumayo ako kay Laeven saka ako nagtatalon at nag-headbang!

         

"Nang ma-inlove ako sa'yo, kala ko'y pag-ibig mo ay tunay, pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay. Si Laeven mapagmataas at laging namimintas, pero sarili kong pukenjang ang laging pinapaspas!" Pagkanta ko. Para nanaman akong nasapian ni Andrew E. ft Salbakuta.

            

Napatigil ako dahil bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Jice.."

        

"Teka! Kinakabahan kasi ako kaya ako nagkakaganito—"

        

"Is it a yes or a yes? No turning back, baby."

        

"Yes na, shutangena! Yes na yes!" Hiyaw ko saka ko itinapon ang sarili ko sa kaniya at mabilis na yumakap.

          

Sinagot din niya ang yakap ko ng mas mahigpit pa. "I love you, baby. Thank you. Thank you so much," bulong niya sa akin.

      

Ilang saglit lang ay lumayo siyang muli para ilagay ang singsing sa daliri ko.

         

"AMO! NARIRINIG MO BA 'KO!? AMO KUNG NANDIYAN KA IGALAW MO ANG BASO! CHAROT! AMO! MAGIGING FREEZELL NA 'KO, MWEHEHEHEHEHE!" Sigaw ko saka ko itinaas sa ere ang daliri ko na may singsing. Nahanap ng mga mata ko si amo at nakita ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

       

Kahit naman shookt ako kay amo, ramdam kong mahal ako no'n na parang anak. Alam kong bet niya rin naman akong maging manugang kahit na hindi isa sa mga anak niyang lalaki ang mapapangasawa ko... malakas talaga 'yong fighting spirit ko.

             

Maraming click ng camera ang naganap bago ako hinatak ni Laeven pababa ng stage at paalis ng lugar na iyon.

        

Nakasakay kami sa sasakyan niya at nakahawak lamang siya sa manibela. "Saan mo nanaman kaya ako dadalhin?"

       

"Sa langit—"

        

"Walang hiya ka! Engagement ang nangyari sa atin! Hindi kasal! Bakit parang honeymoon na agad 'yang iniisip mo!?" Singhal ko sa kaniya. Ang laki-laki talaga ng sayad niya.

The Distressed Racer (Freezell #8) [Completed]Where stories live. Discover now