Afterword

1.1K 30 0
                                    

Meron kasi kaming gala ng mga kaibigan ko. Hindi dapat ako sasama kasi hindi naman ako madalas nag sosocialize at may gagawin pa ako.

"Sumama ka na kasi" Pilit sakin ni Penny habang kausap ko sya sa cellphone

"Sino ba kasing kasama?" Tanong ko sakanya

"Sila Nile at Dash"Sabi nya sakin at bumuntong hininga nalang ako

"Saan ba?" Tanong ko ulit

"Dito park kung saan tayo palaging pumupunta" Sagot nya at binaba na agad

Pagkarating ko dun ay marami syang kasama habang iniikot ko ang aking mata ay may isang babae nakakuha ng atensyon ko.

"Penny anong pangalan nyan?" Tanong ko kay Penny

"Si Dahlia yan. Ganda noh" Masayang sabi nya sakin

"Crush mo?" Nakangisi nyang sabi sakin pero hindi ko yun pinansin

Hindi ko sya sinagot at tinitigan ko nalang si Dahlia at sinusundan ko ang bawat galaw nya. Hindi sya dumadaldal pero sumasagot naman sya kapag kinakausap. Tahimik nyang pinapanood ang mga naguusap at ginagala lang din nya ang paningin nya.

Pagkatapos ng dalawang taon ay nagkita ulit kami sa isang bar dahil ayon lang ang araw na maluwag ang mga schedule namin kaya doon lang din kami nagsama sama ulit.

"I am Dahlia Phaedra Addison" Pagpapakilala nya sakin at inabot pa nya ang kamay nya

"Single to si Dahlia. Maganda, mabait or simply she is the man's ideal type" Singit ni Pen

Tinignan ko lang ito at tumalikod. Damn baby wag kang ganyan baka iuwi kita samin agad agad at hindi na kita pakawalan.

Dinagdagan pa ni Penny na sinabi na ideal type sya. Sigurado akong maraming magkakagusto dito kasi para nyang binebenta ang kaibigan nya

"Samahan nyo ko pumunta sa coffee shop tambay tayo" Sabi ko sa mga kaibigan ko

"Saan ba?" Tanong ni Dash sakin

Sinabi ko sakanya ang address ng coffee shop pero napapailing lang sya.

"Bakit dun pa? Ang layo layo?" Nakangising tanong nya sakin

"Masarap daw kasi mga coffee nila dun" Pagrarason ko kahit ang totoo ay gusto ko lang makita si Dahlia

"Popormahan mo lang yung nagtratrabaho dun. Wag ako Kylo iba nalang. Ayaw pa umamin sasamahan ka na nga namin" Singit naman ni Tristan at napahawak nalang ako sa ilong ko

"Oo na nga. Samahan nyo na ko" Sabi ko at sa huli ay pumayag rin

Ang dami kasi netong mga arte arte sasama rin pala ang mga gago para kasing mga ewan. Mang aasar muna sila.

"Ang sarap ng kape" Makahulugang sabi ng kaibigan ko

"Oo nga sobra" Nakangising sabo ni Tristan

Hindi ko nalang sila pinansin at nilibot ko nalang ang paningin ko at hinanap si Dahlia pero hindi sya mahagip ng paningin ko.

"Mamaya mo na hanapin" Bulong ni Dash at napa iwas ako ng tingin

"Wala akong hinahanap" Patay malisya kong sabi at uminom na ng kape

Kinabukasan ay pumasok ako sa school at sobrang daming ginagawa kaya pagdating ko sa condo ko ay nakakalat ang mga gamit na gagawin ko.

May bigla naman nag doorbell sa condo ko kaya agad agad ko itong binuksan at nagulat akong si Penny yun. Madalas kasi sya dito. Isa sya sa pinaka close kong kaibigan.

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang