Kabanata 39

667 20 0
                                    

"Tito Good Evening po" bati ko sakanya

Nagulat ako dahil bigla nalang syang sumulpot sa harap namin kaya nabati ko kaagad sya.

"Hija namiss kita" Sabi sakin ni tito at niyakap ako

"Ako pa di mo ko miss" Singit ng epal na si Kylo

"Hindi na nauumay na ko sa mukha mo" pang aasar na sabi ni Tito

"Wala na talagang nagmamahal sakin sa bahay na to" Nakanguso nyang sabi

"Gusto mo ng lumayas? Hatid kita sa pintuan. Tara dali" Gatong pa ng kapatid nya kaya napanganga nalang sya

Maya maya ay napabaling ang atensyon nya kay Scarlet ng kalabitin sya nito. Nagseselos na ko kasi mas close na sila kesa samin.

"Daddy I will going to whisper you something" Cute na sabi ni Scarlet

Dati naman ay ako ang binubulungan nya aba nung dumating lang ang tatay nya pinagpalit na ko agad parang hindi naman makatarungan yun.

"What is it baby?" Sagot ni Kylo at binuhat si Scarlet

"Hija sino pala tong dalawang bata na to?" Tanong ni Tito sakin

"Anak po ng ate ko yan at dahil namatay po si ate years ago kaya po ako na naging guardian" nakangiti kong sabi sakanya

"Condolence iha" Malungkot na sabi ni Tito

Pinanood namin ang mag ama na nag uusap at napapangiti nalang kami kasi mahina silang naguusap habang tumatawa. May sikreto ata sila.

"Kylo bagay pala sayo maging tatay" Sagot ni Tita

"Syempre ma ako pa ba. Pagkatapos ng kasal aanakan ko na agad to" Pagpaparinig nyang sabi at napatampal nalang ako sa noo ko

Wala talagamg filter ang bunganga nito tignan mo mamaya sa condo lalagyan ko ng stapler to para manahimik kung ano ano lumalabas sa bibig kanina pa to.

"Mana ka talaga sakin anak" Natatawang sabi ni Tito at nag apir pa sya

Kumain lang kami tapos nagkwekwentuhan. Ako ang pinagkwento nila kung anong nangyari sa akin ng mga nakaraang taon. Sinabi ko naman lahat kasi wala naman akong tinatagong sikreto.

Pagkauwi namin ay pagod na ang dalawang bata dahil nilaro pa ito nila Tita kaya pagdating sa kotse ay tulog na silang parehas. Binuhat ni Kylo si Scar at ako nama kay Liam.

"Love thank you" Sabi ko sakanya at nakangiti

"For what?" Malambing nyang sabi sakin tsaka nya ako niyakap

"For everything" Nakangiti kong sabi

"Naiintindihan ko na ngayon kung bakit tayo pinaghiwalay para makamit natin ang sari sarili nating pangarap. Look at us now we are successfull and I promise to you that you will never get out of my sight again" Masaya nyang sabi sakin at niyakap ako

"Eto yung patunay na kahit ilang beses o gaano katagal kayo naghiwalay kung kayo talaga kayo talaga kahit anong iwas mo pagtatagpuin parin kayo" Bulong nya sakin

"You know I want to hear you singing again with your friends kasi ang ganda ng boses mo" Pag flufluttered ko sakanya

"Love wag kang ganyan baka masyado kang mahulog sakin ako lang to" Natatawa nyang sabi

"Sus matagal naman na akong hulog na hulog sayo masyado ka lang talagang over confident"Sabi ko sakanya

"Alam mo ba tuwing pumupunta ako ng church sinasama kita sa mga dasal ko sabi ko "Lord, sana po si Dahlia na yung para sakin" "Lord, ingatan mo palagi si Dahlia". But you know what's God greatest gift to me, He gave you to me and I will keep you forever. I love you" Mahinahon nyang sabi at niyakap ako at hinalikan nya ako sa noo

Glow in the Sky, My Captain (Scars of Pain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon