Chapter 32

876 13 0
                                    

Chapter 32

Napailing ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maiwasang kiligin sa kanyang sinabi. Damn. This guy and his sweet tongue.

“Baka nakalimutan mong may atraso ka pa sa akin?” Ani ko at kumportableng umupo sa aking upuan.

Nawala ang ngiti nito sa labi. His eyes became colder and I saw how his jaw moved.

“I know.” He whispered.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Napatikhim ako. Wala na atang mas nakaka-awkward sa sitwasyon naming ito.

Ang tanga mo naman kasi Chesca na sabihin ang mga iyon. But he started it. Wala naman ata akong kasalanan diba?

“About that,” he sighed and looked away. “Olivia kissed me kasi akala niya ako ang kakambal ko…”

Pakla akong natawa. He looked back at me. “Akala mo naman maniniwala ako riyan?” I asked.

“And why are you explaining, anyway?” I added and made myself looked at him colder as his stares.

He sighed. Napansin ko ang pagdaan nang sakit sa kanyang mga mata ngunit iwinaglit ko iyon. He liked that kissed. He liked that freaking kiss!

Sino ba naman kasing hindi gustong halikan ng isang magandang babae kagaya ni Olivia? Hindi man lang niya tinulak si Olivia nang maglapat ang kanilang mga labi kahit na alam niyang nasa isip ni Olivia na si Safe ang hinahalikan.

“Ihatid mo na ako pabalik.” Tumayo na ako at nauna nang maglakad palabas.

Sumunod naman agad ito at siya nang muli ang nagbukas ng sasakyan. Wala kaming imikan hanggang makarating kami pabalik sa kompanya. He immediately leave after I get off. I guessed I made him pissed off. Mas mabuti na nga iyon para maiwas ko ang puso kong magpapaka-martyr na naman.

I went home at twelve in the evening. Wala nang ni isang gising sa bahay kung kaya't dumiritso ako sa aking kwarto at pagod na dumapa sa aking kama.

Damn those papers are stressing me out. Tinapos ko pa talaga ang lahat nang iyon para hindi ako makaramdam ng konsensya sa ginawa ko sa lalaki kanina.

Hindi ko naman kasalanan iyon ngunit bakit parang pakiramdam ko kasalanan ko? Fuck.

Napasabunot ako sa aking buhok nang muling maalala ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Siguro nama'y susuko na siya sa panliligaw niya?

Kinaumagahan,pahikab-hikab akong nagtungo sa kusina para kumain. Kumalam na ang aking sikmura at naalala kong hindi nga pala ako nakakain kagabi.

“Manang, tapos na po ba kumain sina Mama?” tanong ko sa kawalan nang may marinig na kaluskos sa may hardin.

Walang sumagot kung kaya't umupo na lamang ako sa dining. Sabagay, it's nine in the morning.  Siguradong nagtatrabaho na iyon o kaya'y gumagala kung saan-saan.

Hindi ko rin nakasalubong o nakita si Louis kanina kung kaya't alam kung sumama ito kina Mamita. Nakita ko ang paglabas ni Manang sa loob ng banyo sa may kusina. Diba nasa hardin siya? Bakit sa banyo siya dumaan?

“Magandang umaga Chesca!” magiliw na aniya at kinuha ang walis sa may gilid.

Ngumiti ako ngunit halata pa rin sa aking mukha ang pagtataka. “Good morning din po,”

“Diba po nasa may hardin kayo? Bakit po kayo dumaan sa banyo?” hindi ko napigilang tanungin siya sa bumabagabag sa akin.

Tumawa siya at hinugasan ang basong nasa may gilid. “Hindi ako ang nasa hardin, Chesca.”

Napatango-tango ako. So hindi pala sumama si Louis gumala kina Mamita?

Tumayo ako at uminom ng tubig. Kinuha naman ni Manang ang plato ko kung kaya't nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

“Hindi pala sumama si Louis kina Mamita, Manang?” tanong ko at muling kumuha ng isang basong tubig.

  “Sumama si Louis kina Mamita mo,” aniya habang hinuhugasan ang aking pinagkainan.

“Ang manliligaw mo ang nasa hardin… Iyong gwapong makisig.”

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa aking narinig. Isa lang naman ang alam kong nanliligaw sa akin. Damn.

Dali-dali akong nagpaalam kay Manang at tinahak ang daan patungo sa hardin ng aming bahay. Nakita ko nga ang isang makisig na likod nang lalaki. Wala itong damit na suot kung kaya't kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang likod.

Bakit nagdidilig nang halaman ang isang Danger Lacsamana?!

“Anong ginagawa mo rito?”

Lumingon ito sa aking gawi. Napanganga ako nang makitang ang pawis niyang tumatagaktak galing sa kanyang dibdib patungo sa kanyang abs. Fuck. He has that freaking six pack abs?

“You want to take a picture of my handsome abs Lady?” He said huskily.

Napatikhim ako at napakurap-kurap nang dalawang beses. Ramdam ko ang pag-init nang aking mukha. Lupa lamunin mo na ako! Hindi ko na gusto 'tong hindi pagsunod nang katawan ko sa akin.

“S-sagutin mo ko!” utal na ani ko.

He looked at me. Halata sa mukha nito ang pagpigil nang isang nakakalokong ngisi.

“Ah ako na pala sasagot ngayon?” he said huskily and step forward. “Okay then. Sinasagot na kita,Babe…”

Mas lalong pumula ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Bakit ba tawag siya ng tawag ng Babe sa akin? That cute endearment made my heart beat fast as it could be.

“Let me guess.” He cupped my face and looked intently at me. “Bagong gising ka noh? May muta ka pa kasi tapos may bakas pa nang laway ang gilid ng labi mo…”

Realization hit me when I heard what he said. Ang dating kilig na naramdaman ko kani-kanina ay napalitan nang inis para sa lalaki.

Damn. Hindi pa pala ako nakaligo at dumiritso akong bumaba dahil gutom na gutom na ako kanina! Kahihiyan.

“Gago!” inis na ani ko at tumakbo patungo sa loob.

Rinig ko ang halakhak nang lalaki at ang pagsigaw nito na siyang dahilan kung bakit hindi ko mapigilang mapangiti.

“Don’t worry! Kahit na anong hitsura mo, mamahalin pa rin kita!”

Agad akong bumaba nang matapos akong maligo at magbihis nang disenteng damit. Nakakahiya rin naman kasi sa bisitang binablandara ang tiyan niyang may maraming bukol.

Nakita ko ang lalaking hinahanap kong nagwawalis sa may gilid ng pool. Still not wearing his shirt. Napailing ako at humalukipkip sa may pinto. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan nitong basang-basa na.

Seryoso lamang itong nagwawalis,hindi inaalintana ang init ng araw. Napabuntong hininga ako at kinuha ang walis sa may gilid. Sinimulan kong walisan ang nasa banda hanggang makarating ako malapit sa kanya.

“Why are you doing that?” he asked.

Hindi ako tumingin rito at patuloy lamang na nagwalis. Pansin ko ang pagtigil nito sa kanyang ginagawa.

Hinawakan niya ang aking kamay na may walis na hawak-hawak at kinuha ang walis sa aking mga kamay. My brows forrowed.

“Anong problema mo?” nagtatakang ani ko at pilit na binabawi ang walis sa kanyang kamay ngunit iniiwas niya ito sa akin. Hindi ba niya gusto na tulungan ko siya sa ginagawa niya? Ang init-init kaya rito.

“Pumasok ka sa loob,” saad nito habang seryosong nakatingin sa akin. “I want to do what your father commanded.”

“Huh? Inutusan ka ni Papa?” hindi makapaniwalang ani ko sa kanya. “Bakit?”

“It’s his way of challenging me to court you,” aniya na siyang nakapagpatigil sa akin.

He do this for me?!

“So please just stay inside and let me finish this challenge of him...”









Chasing DangerWhere stories live. Discover now