Chapter 4

1.1K 26 1
                                    

Chapter 4

"He's mine," i whispered beneath my breath.

"Gaga!" Aniya at binatukan ako.

Masama ko itong tinignan habang hinimas ang masakit na bahagi sa aking ulo.

"Aray ko! Bakit ka ba nambabatok?" naiinis na ani ko rito.

"Maka-ano ka parang iyong iyo," aniya habang humalumbaba sa kanyang desk.

"Ay teka," dali dali itong umayos sa pagkaka-upo at tinignan ako gamit ang kanyang nanlalaking mga mata.

Nagtataka ko itong tinignan pabalik,"What?"

Tinuro niya ang lalaking ngayo'y naglalakad na patungo sa aming gawi.

"May gusto ka sa kan-"

Dali-dali kong tinakpan ang bibig nito. Damn. Balak ba akong ilaglag ng babaeng ito sa harap ng gwapong adonis?

"Damn. Wag kang maingay," I whispered.

Hindi makapaniwalang tinanggal niya ang pagkakatakip ng aking kamay sa kanyang bibig.

"Am I hearing it right?" nanlalaking mga matang tanong nito sa akin. "May gusto ka ng lalaki?" aniya.

Natigilan ako. Gusto ko nga ba ang lalaking iyon? Damn. "Hindi ko alam," tanging ani ko na lamang sa kaibigan.

Ishayanna gasped and looked at the man who is now at our back. Nag-uusap sina Terrence ngunit masyadong mahina ito na hindi na namin marinig.

"Hoy! Anong binubulong bulong niyong dalawa riyan?" Sabay kaming napatingin kay Jones na ngayo'y nakahawak sa kanyang beywang.

Jones is our gay friend. Gwapo sana ang bruha ngunit bakla nga lang. Sayang.

"Bakit? Makiki-bulong ka rin?" ani ni Yanna rito.

Jones rolled his eyes and sit at the chair besides Vanni. Maarte niyang inilagay ang kanyang bag sa arm chair at saka pataray na humarap sa amin.

"Oy Gaga! Bakit ka tulala riyan? May gwapo bang dumaan?"tanong nito sa ngayo'y nakatulalang Vanni, inilibot pa nito ang tingin sa paligid .

Natauhan si Vanni sa sinaad ng kaibigan. Namula ang pisngi nito na siyang pinagtakhan naming lahat.

Anong nangyayari sa kaibigan ko? May sakit ba iyong sinabi ni Terrence sa kanya? Weird.

"A-ah ano?" Aniya at inilagay ang takas na buhok sa kanyang tenga.

"Ay te! Bingi ka ba? Na late nga lang ako ng konti tapos ito na maabutan ko?" paarteng ani ni Jones. " Pero seryoso,may gwapo ba?"

Napahalakhak si Yanna at tumingin sa akin gamit ang kanyang nanunuksong tingin. "Back off na te,baka may magalit na isa rito," makahulugang aniya.

Kumunot ang noo ni Jones at bahagyang tumingin sa akin. "Asan ang gwapo?" nilibot ni Jones ang paningin. Huminto ang kanyang tingin sa lalaking ngayo'y hanggang ngayong kausap pa rin ni Terrence.

"Oh la la,what a yummy!" dumila pa ito sa gilid ng kanyang labi.

Kung titignan mo si Jones,hindi mahahalatang bakla ito. Damn..magaling itong magtago ng totoong pagkatao.

"Hey Jones," a voice of a girl called his name.

Bumaling kaming lahat rito at napatingin sa babaeng ngayo'y may namumulang pisngi.

"Yeah?" Jones voice is manly like hell.

Nakita ko ang paghagikgikan ng ibang kababaihan sa classroom. Nakatingin lamang ang lahat sa babaeng ngayo'y nakayuko sa aming harapan.

"A-ah Can I ask you on a d-date?" nauutal na ani nito.

Jones looked at us and smiled fakely, "Sure," tipid na aniya na siyang kinasaya ng babaeng nasa aming harapan. Umalis ito ng may ngiti sa mga labi.

"Gaga! Bakit hindi pumayag ka?!" Nagtatakang tanong ni Yanna rito.

Jones looked at her boredly, "Gaga ka rin! Ayaw ko namang malaman nilang lahat na isa akong," kunwaring sumuklay siya sa kanyang buhok. " Isang paking gay,"

Napabungisngis ng tawa si Vanni sa sinaad nito, "Ano? Paking?"

"Ang bad mo oy! Pakyu ka!" ani ng bakla na siyang kinatawa rin naming dalawa ni Yanna.

Damn this gay. Pinagdiinan pa talaga niya ang salitang pakyu. Vanni chuckled and cupped Jones face.

"Bakla ka ba talaga?" Aniya.

"Ew! Ilayo mo nga 'yang dirty hands mo sa aking pretty face," nandidiring inilayo ni Jones ang pisngi sa kamay ni Vanni.

" Gosh! You're so maarte! Mas pretty pa nga ako sa'yo eh," nandidiri ring ani ni Vanni.

" Gaga! Akong mas maganda sa atin! "

" Keep dreaming, "

Palipat lipat lamang ang tingin naming dalawa ni Yanna sa kanila. Masamang nagtitigan ang dalawa na para bang may magaganap na world war three sa tinginan nila.

"Jusko! Magtigil nga kayo," sabat ni Yanna.

Umirap ang dalawa sa isa't isa at kasabay noon ang pagpasok ng magiging adviser namin sa buong taon.

--

"Bakit ba ang kulit kulit mong pangit ka?" inis na ani ni Jones sa nakalingkis sa kanyang Ishavanni.

" What? Are you referring to yourself? " natatawang ani ni Vanni rito.

" Gaga! Ikaw lang naman pangit sa ating dalawa. " Pilit nitong winaksi ang kamay na nakapulupot sa kanyang braso.

"You two! Can you just shut up?"

Napatingin kaming lahat kay Terrence na masamang nakatingin sa dalawa.

" Paki mo ba monkey?" Vanni said with her brows meeting each other.

Padabog na inilapag ni Terrence ang librong hawak hawak. "Can't you see I'm reading?"

"Gosh! Are you dense? Paano namin makikitang nagbabasa ka kung nasa likod ka naman?" mataray na ani ni Vanni rito.

Terrence looked at Vanni seriously. Nakita ko ang pag-galaw ng kanyang panga. Senyales na naiinis na siya sa sinaad nito.

"Damn!" inis na tumayo ito at padabog na naglakad palabas.

Vanni chuckled and looked at us. "I won!"

Napailing na lamang kami ni Yanna at muling ibinalik ang tingin sa pintuan. It's the first time I see Terrence walk out. Hindi naman mahilig si Terrence mag-walk-out kapag nagkakapikonan silang dalawa ni Vanni,the other way around happens everytime.

Naibaling ko ang tingin sa likod ng marinig ang pagtunog ng upuan,senyales na tumayo na ang kaisa-isang taong dahilan kung bakit nanatili ako rito sa classroom kahit na lunch break na.

"Hey mister," lakas loob na tawag ko rito.

Lumingon ito sa akin. His brown eyes meet mine and I felt my damn heart beating like wild.

"Are you referring to me?" Aniya.

Dahan dahan akong tumango. " Yes,Can I talk to you?"

Rinig ko ang mahinang pag-singhap ng tatlo. Mahinang hinampas ni Yanna ang aking braso ngunit hindi ako nagpatinag. I just wanted to say thank you for the man who ruined my escape plan--the man who saved my freaking life.

"What is it,Miss?"

"Thank you for saving me yesterday," I plastered a smile in behalf.

Nanatili lamang itong nakatitig sa akin. I don't know why but there's a hidden confusion written in his handsome face.

"Save what?"

"Save me?" patanong na ani ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jones ngunit kagaya kanina, hindi ko na lamang pinansin iyon. It is now my damn chance to talk with my first crush, ayaw kong masayang ito.

"Oh, welcome," he said and left me there holding my damn chest.


Chasing DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon