Chapter 30

1.1K 12 0
                                    

Chapter 30



Matapos sumuka ni Yanna sa gilid. Hinatid na ito ni Danger papasok habang ako'y naiwan sa sasakyan.


Kanina pa mura ng mura si Yanna, hindi na rin ata natiis ni Danger kung kaya't hinatid na ito papasok.


“Lumipat ka sa passenger seat,”


Muntik pa akong mapatalon sa aking kinauupuan nang marinig ang kanyang tinig. Wala sa sariling sumunod ako sa kanyang sinabi.


Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan habang ako'y nanatiling nakatingin sa bintana. Naamoy ko sa aking banda ang pabango niya.


“So you have a boyfriend now?”  he asked out of the blue.


Nagulat ako sa biglaang tanong nito kung kaya't mahina akong napatikhim at umayos ng upo.


“Wala,”  I answered looking at my palm. “Bakit mo natanong?” I glanced at him.


Seryoso lamang itong nakatitig sa daanan. Ang kamay niya'y mahigpit na nakahawak sa manibela kung kaya't nadedepina ang kakisigan ng kanyang braso.


Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Damn. Bakit ang init ata sa loob? Naka-on naman ang aircon?


“If you don't have a boyfriend then why do you call that damn guy 'babe'?” he asked making my heart beat rapidly moved.


I was stunned at tanging ang katahimikan ang namayani sa sasakyan. Why the hell he asked that kind of question? Nagseselos ba siya?


Palihim akong napairap. Syempre hindi, bakit naman siya magseselos? He didn’t like me.


Hanggang sa makarating kami sa harap ng gate, tahimik lamang kami. Naiilang kong tinanggal ang aking seat belt habang dinaramdam ang kanyang presensya.

Kahit na anong gusto kong iwasan siya, nanatili pa rin sa akin ang karupokan. Fuck.


Hahawakan ko na sana ang pinto sa gilid ko nang may humawak sa aking kabilang braso, dahilan kung bakit naudlot ang aking gagawin.


Hinawakan niya ang aking baba at pinaharap sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata. May kung anong nakabara sa aking lalamunan habang nakatitig sa kulay tsokolate nitong mga mata.


How I missed this beautiful damn eyes.


“Answer me please…” he said huskily making me goosebumps.


He looked at me liked his reading my mind. Na parang iniisip niya ang kasagutan sa kanyang sariling tanong.


Hindi ako makasagot. Walang kahit na anong lumalabas sa aking bibig kahit na gusto kong sabihin na hindi. Hindi ko naman talaga boyfriend ang kausap ko kanina. Ngunit wala akong lakas na loob upang sabihin sa kanya. Why would he care anyway? Baka isa lamang ito sa kanyang patibong. Ang muling paluhain ang tumitibok kong puso para sa kanya.


“Please baby… answer me,” malambing na aniya.


Hindi pa rin ako nagsalita kahit na ano. I felt my knees became weak. Damn. Why the hell he called me baby?



“Is that Louis your boyfriend,” he asked once again.


Napapikit ako. Damn. Naramdaman kong mas lalong lumapit ito sa akin kung kaya’t pinatili kong nakapikit ang aking mga mata. Iniiwasan ang mga kanyang mga matang dahilan kung bakit unti-unting nalusaw ang pader na hinarang ko sa aking puso.

Chasing DangerWhere stories live. Discover now