Chapter 31

1K 16 0
                                    

Chapter 31

Napahawak ako sa aking sintido ng maramdamang sumasakit ito sa pagbabasa buong magdamag.

Binaba ko ang suot-suot na salamin at tinali ang aking buhok. Damn. Nakaka-stress palang mag leave kahit isang araw lang. Ang daming papeles sa mesa ko, hindi ko alam kung anong uunahing tapusin.

Pumikit ako at umupo ng komportable sa swivel chair. Ramdam ko ang pagkulo ng aking tiyan ngunit hindi ko na iyon inalintana. Pagod na pagod na ako kakabasa, lima pa lamang ang natatapos ko ngayon at hindi pwedeng hindi ko matapos ang lahat ng ito.

Kung hindi lang sana ako binabagabag kakaisip sa sinabi ng lalaking iyon, edi sana kanina ko pa natapos ang lahat ng ito. That damn guy is getting on my nerves. Pagkatapos ba namang tanggapin ang hamon ni Papa, umuwi agad hindi man lang ako ininform sa plano niya.

How could he say that in front of my family when I don’t know he will court me? Inaamin kong may parte sa aking kinikilig sa sinaad niya ngunit may parte ring natatakot,takot kung ano nga ba ang plano ng lalaking iyon.

His the reason why I went to New York with my grandparents. His the reason why I am in pained.

Naibukas ko ang aking mga mata nang may kumatok sa pinto. Umayos ako ng upo. “You may enter!” ani ko at kinuha ang folder sa aking harap.

Inangat ko ang aking tingin ng bumukas ang pinto. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko ng makitang si Danger iyon habang nakatingin sa kabuuan ng opisina ko.

He was wearing a formal attire which can be his business attire. Rinig kong siya na ang namamahala sa kompanya ng kanyang ina. Anong ginagawa ng isang busyng CEO sa opisina ko?

“At bakit ka nandito?” I asked looking back at the paper I read earlier.

Nakita ko peripheral vision ko ang prenteng pag-upo nito sa sofa sa may gilid habang nakatingin sa akin.

“So is it really natural for you to read that all?”

Napatingin ako rito at nakitang nakaturo ang kanyang kamay sa mga papel na nasa aking mesa.

“Obvious ba?” I sarcastically answered at muling ibinalik ang tingin sa binabasa.

Damn. Kung hindi pa ako mag-iiwas nang tingin sa kanya. For sure kanina pa ako naglupasay sa sahig sa karupokan ko.

“Ang sungit!” he chuckled. “Tapos ka na bang mag lunch?”

“Yeah,” I said while still looking at the piece of paper na sa katunayan ay walang kahit na anong pumasok sa utak ko.

Napatingin ako sa aking tiyan ng marinig ang kakaibang tunog galing rito. Rinig ko ang halakhak ng lalaking nasa sofa kung kaya't napapikit ako sa kahihiyan. Fuck. This goddamn body of mind never listened to her owner.

“Stand up.” He commanded making me looked at him with my left brow up. Bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha na nagpipigil ng ngiti.

“Let’s eat,” he added.

Napairap ako sa kawalan at padabog na tumayo. Kinuha ko ang itim na hand bag ko at nauna nang lumabas sa pinto.

Rinig ko ang halakhak ng kumag kung kaya't nairolyo ko ang aking mga mata.

“Wait for me,babe!” aniya.

Kita ko ang mga titig ng mga katrabaho ko at kung paano sila namangha sa lalaking nasa likod ko. Malagkit ang tingin ng mga babae rito at ang iba pa'y nakanganga. Perks of having handsome face.

Chasing DangerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ