Chapter 2

1.6K 29 0
                                    

Chapter 2

I am bored tapping my fingers in my lap. Kanina pa ako patingin tingin sa aking relo habang hinihintay ang babaeng ang tagal tagal kung makapagsukat ng mga damit.

Bored na bored na talaga ako.

"Okay ba?" Vanni said while twirling around.

I sighed and nodded. Tanging tango na lamang ang aking naisasagot dahil it's her fifty dress na kanyang sinukat.

I counted it very well. Damn.

Pumasok ulit ito sa fitting room at naiwan na naman akong mag-isa sa aking kinauupuan. It's been freaking three hours had passed ngunit hindi pa rin natatapos sa pamimili ang babaeng iyon.

Kapag wala na siyang masukat, muli ay humahanap ng matitipuhan na damit. Kung bilhin na lang kaya niya ang buong botique na ito? Nahiya pa siya.

Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa nang marinig itong nag-vibrate. I type my password at napairap nang makita ang pangalan ng aking lalaking kapatid.

Veron;

Hey sister, wanna see your favorite shoes burn?

Another message pop.

Then go home before I burn these.

Nairolyo ko ang aking mga mata at dali daling nagtipa ng mensahe.

I'll be there less than an hour.

May saltik pa naman ang aking kapatid. Last time, when I came home late. Nag text siya sa akin na susunugin niya ang aking pinakamamahal na teddy bear kapag hindi pa ako umuwi.

As an idiot me. I reply ge lang. And a tragic ending came, he actually burn my beloved teddy while grinning at me.

I cried a lot that time. My parents scolded him but that freaking kid, just smirk at me.

Napailing na lamang ako nang maalala ang panahong iyon. His much more younger than me.

Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid while Veron is the second. The third was Yuana which is now in her first year high school.

Napatingin ako sa pintuan ng fitting room at hinintay na lumabas si Vanni. I don't want my shoes glowing up with fire and turn into ashes.

When Vanni step out. Dali dali rin akong nagpunta patungo sa kanya upang mag-paalam.

  "I need to go," Ani ko.

She looked at her watch and smiled, "Ihahatid na kita," aniya while giving those dresses to the sales lady at her side.

"Bibilhin ko lahat," aniya rito at inabot ang isang itim na credit card.

Iba talaga kapag sobrang yaman, lahat na lang ng bagay mabibili mo. Grabe talaga kung makapag-spoil ang mga magulang nito. Sabagay, only child kasi.

"Vanni,"

Lumingon ito sa aking gawi habang naka-cross arms.

"No need na, Manong Fetio will fetch me," she nodded and kiss my cheeks.

" Ingat," aniya.

Kumaway ako rito at naglakad na patungo sa labas.

Habang nag-lalakad ako nakita ko ang maraming taong nagkukumpulan sa bandang kaliwa ko.

Anong nandoon? May sale ba?

I felt my curiosity enters in me. Namalayan ko na lamang ang aking sariling pilit na sinisiksik ang sarili sa mga tao.

Napahinga ako ng maluwag ng makarating sa harapan. Now, let's see kung anong meron rito.

I scan the place and saw a man wearing a black mask. May baril ito na nakatutok sa ulo ng isang babaeng inaabot ang mga alahas sa kanya.

May kasama itong isang lalaki na naka-mask rin. Balot na balot ang kanilang mga mukha. The other man  handed a black bag, doon ata nila ilalagay ang nanakawin nila.

Napailing na lamang ako. Maraming tao ang nagkukumpulan rito ngunit ni isa'y walang tumulong? What a pathetic.

"Hoy mga manong!" Naglakad ako patungo sa mga pisteng magnanakaw.

Kung walang tutulong, ako na lamang ang magiging bayani rito. Sana naman may award silang ibigay sa akin.

Narinig ko ang munting hiyawan ng lahat ng itutok sa akin ng isang lalaki ang baril niya.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay habang may tinatagong ngiti sa mga labi.

"Chill,chill," ani ko at naglakad patungo sa may hawak na baril.

Napailing ako ng makitang nanginginig ang kanyang mga kamay na may hawak hawak nito. What a coward.

"Bakit ganyan ka kuya?" I cupped his face. My fingers run to his cheeks down to his jaw.

Mas lalong lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang baril.

I like this kind of thing.

I immediately grab the chance to punch the man. Tumumba ito sa sahig at natilapon ang baril na hawak hawak. Wala itong malay na nakahiga sa sahig habang dumudugo ang ilong nito.

Kung hindi naman sana kasi gumagawa ng mga makakasira sa kanyang katauhan eh.

Ang dalawang lalaking natira ay dali daling tumakbo patungo sa akin habang hawak hawak pa rin ang kanilang mga baril.

"Wag kang maki-alam!" The other man shouted. Ikinalabit nito ang dalang baril habang ang isa namay nakahawak sa aking mga kamay.

"Pakialamera kang babae ka!" He shouted and a freaking hard hand touch my cute face.

Ginagalit talaga ako ng mga lalaking ito ha? Atsaka saan na ba ang mga security guard ng mall na ito? Ang tagal naman nila!

"Oh? Hindi ako makiki-alam kung hindi masama ang ginagawa niyo!"

Nakatanggap na naman ako ng isang malutong na sampal na siyang dahilan ng sigawan ng lahat.

Damn this man!

Gagawin ko na sana ang bagong tinuro sa aking self defense ni Dada ng biglang may malamig na boses na nagsalita sa aking likod.

"Are you gays? Bakit niyo sinasaktan ang isang babaeng walang kalaban-laban sa isang masamang nilalang na katulad niyo?" Ani nito na siyang ikinamula ng lalaking nasa aking harapan.

Sinugod nito ang lalaki na nag-salita. Sumunod rin ang lalaking nakahawak sa aking kamay rito.

Damn those man!

Narinig ko ang dalawang paglagapak ng isang matigas na bagay sa sahig na siyang dahilan kung bakit lumingon ako sa aking likod.

Walang malay na nakahiga ang dalawang lalaki sa sahig habang nakatingin lamang rito ang lalaking may-ari ng boses na iyon.

Parang huminto ang oras ng magtama ang aming paningin. It feels like the world stop rotating.

Those brown eyes met my black eyes like they are really meant to be.

"Next time don't do anything stupid," ani nito at tumalikod na sa akin.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa likod ng lalaking naka-itim. Humahawi ang lahat ng kanyang dinaraanan na para bang isa siyang prinsepe na dapat pagsilbihan.

Kung siya ang prinsepe dapat ako ang kanyang prinsesa.

Napailing ako sa aking naisip. Sa palagay ko'y nakita ko na ang lalaking siyang magiging prince charming ko.












Chasing DangerWhere stories live. Discover now