Natahimik kaming dalawa ni Lael at huminga ako nang malalim.

I watched the buildings we were passing by. Ang ganda ng mga ilaw ng bawat establisyimento sa gabi, especially the warm yellow lights. I watched the streetlights too. Nagulat ako nang lumabo ang pangin ko at kuminang ang mga ilaw sa mga mata ko dahil sa mga namumuong mga luha.

What the hell? Are my eyes getting teary?

Why?

I feel like I'm fine. But why is my heart clenching? Na parang may naaapakan sa pagkatao ko?

I sighed and bit my lip as anger started to fill my heart. Galit para sa sarili ko at sa dahilan ng pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.

"Do you believe him?" Lael asked.

"No." Napamura ako sa isipan ko nang bahagyang nabasag ang boses ko.

Natahimik ulit kaming dalawa ni Lael. The silence helped me calm myself down. Lael played some music from the stereo and a slow song filled the silence between us.

Nang makarating kaming dalawa sa bahay namin, agad kong tinanaw ang bahay bago binalingan si Lael na nakatingin na sa akin at nag-aabang sa sulyap ko sa kan'ya.

I don't want to go home yet.

Pakiramdam ko, sa oras na mahiga ako sa sariling kama, hindi ko mapipigilang mag-isip buong gabi. Gusto kong makatulog na lang agad at hindi na mag-isip.

"If you want me to stay, I can stay..." Lael mumbled.

Napatitig ako sa kan'ya bago unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi ko. Tumango ako bago sumandal sa upuan ng sasakyan n'ya at tumanaw sa walang taong kalsada na nasa harapan naming dalawa.

"Let's go out so you can breathe better," Lael said so we went out of his car.

Pumwesto kaming dalawa sa hood ng sasakyan n'ya. Naupo ako ro'n at humalukipkip bago tumanaw sa langit. Nang may inabot sa akin si Lael, agad na bumaba ang tingin ko ro'n. It was a bottle of water. I smiled before I took it and sipped a little before I looked at the stars again.

Bihira ko nang pagmasdan ang langit. Come to think of it, I can't even remember the last time I stared at the sky.

Tumabi sa akin si Lael at umupo rin sa hood ng sasakyan n'ya bago tumanaw din sa langit gaya ko.

Natahimik kami nang ilang sandali before I decided to finally talk.

"He's not a bad person," I mumbled before I looked at Lael.

Dahil malapit sa akin, mas naramdaman ko ang agwat ng tangkad naming dalawa. Dahil nakatingala sa langit, nakikita ko ang ganda ng hubog ng panga at leeg ni Lael.

Bumaba ang tingin sa akin ni Lael at nakita ko ang kaseryosohan do'n. Lael stared directly at my eyes. Ngumiti ako bago umiwas ng tingin at tumingin sa lupa.

"He's still a friend to me," I mumbled. "It's just that he's not for commitments and feelings."

"You want him to?"

Napatingin ulit ako kay Lael at naabutan ko ulit ang titig n'ya.

"To want commitments and feelings?" He added.

I sighed before I looked at the night sky again.

"Of course," I said.

Because although Seve's a real jerk, I still want him to know how it feels to be happy and contented. How it feels to... truly love a person and to be loved truly too. If I wouldn't be that person, it's alright. As long as he can find that. As long as he can have someone who can make him settle and stay.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Where stories live. Discover now