"Oo 'no, basta nandon ka" nakangiting sabi nya

"Tsaka di naman na ako kasing laki ng electric fan nyo a, kaya pwede na"

Malakas na halakhak ko ang pumuno sa lugar. Hindi nya pa pala nakakalimutan 'yon!

"Ewan ko sayo" tanging naisagot ko nalang

"Sabi mo dati ayaw mo sakin kasi kasing taas lang ako ng electric fan nyo, pero ngayon mas matangkad na ako sayo" nagmamalaki nyang sabi

"Yabang mo"

"Ikaw na ngayon ang maliit sa'ting dalawa" tumawa sya matapos 'yon tsaka pinisil ang magkabilang pisngi ko

"Ang sakit Nathan!"

"Sorry. Ang ganda mo kasi kahit nagagalit ka"

My face heated and turn red. Mabilis tuloy akong humarap sa unahan dahil don. Inabala ko ang sarili sa sa paglalaro sa bracelet na nasa braso ko.

"Nami ha? Girlfriend na kita pag nakapasok ako sa team?" tanong ulit ni Nathan

Saglit akong napaisip doon. Hindi naman issue kay mommy ang pagbo-boyfriend as long as alam ko raw ang limitasyon. Kaya pag pumayag ako ay si Daddy nalang ang iisipin ko, sya lang din ang magagalit.

I may be young but I'm not that innocent. May ideya na ako sa kung paano tumakbo sa mundong 'to ang tinatawag nilang 'romance'.

Alam ko na rin ang boyfriend and girlfriend thingy. Para kasing sa generation ngayon is common na 'yon. Some of my elementary friends nga ay nakaka-ilang mga boyfriend or girlfriend na e.

"Okay, kasi di ka naman makakapasok sa team e" I said confidently

But the opposite happened.

Napakapasok sya sa team and he gave me his very first jersey as a gift. Ako daw kasi ang naging inspirasyon nya kaya binigay nya ang best nya, kinda corny and childish but I appreciate it.

He became my boyfriend since then.

We are at our 10th grade already at kami pa rin, surprisingly! I don't really take it serious at first, akala ko ay lokohan lang but as months passed, napapansin ko na siniseryoso 'yon ni Nathan.

Maybe because of the effort that he'd showed everyday I unknowingly fell for him too.

Puppy love. That's how my Mom explained it to my Dad. Laging sinasabi noon ni mommy na hayaan nalang ako ni Dad na magboyfriend since it's just 'puppy love'. Di raw naman daw iyon magtatagal.

Pero nagtagal naman kami. Our relationship isn't that matured, especially during our first months. Nariyang inaaway ko sya 'pag hindi nya ako pinaggawa ng assignment. Minsan naman ay nagagalit sya kapag may nagpapa-picture sakin. We've been through tons of break up already pero sa huli ay lagi nyang ibinababa ang pride at nakikipag ayos rin agad. Sobrang childish pa namin pareho but as we aged I can say that we've matured little by little.

Nag-grow kami together eventually.

We managed to cope up with each other at our worst and happiest day.

Natuto na rin kaming mag adjust sa isa't isa.

"Wag ka ng magpasundo mamaya, ihahatid kita" he said as he occupied the seat beside me

"Uhmm okay"

I immediately texted my driver.

After a few conversation with him our teacher entered the room. Ganito palagi kami,konting usap pag vacant tapos balik na sa kanya kanyang pwesto pag may teacher na.

Epitome Of Revenge (Scarred Heart Series 1)Where stories live. Discover now