Prologo

48 11 3
                                    

[Prologo]

Anillo, 1896

Ang mansion ay buhay na buhay mula sa maalindog na tunog ng isang piyano. Ang mansion ng mga Consing ay matatagpuan sa kalagitnaan ng bayan ng Anillo at mas lalong humahanga ang mga tao dahil na rin sa kabutihang tinataglay ng pamilyang Consing.

Kilala na ang pamilyang ito sa halos isang daang taon magmula nang maihalal ang kilalang pamilya sa kongreso. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng iba, may itinatago palang mabahong sekreto sa likod ng kanilang pangalan. At konti pa lang ang nakakaalam nito.

Biglang tumigil ang pagpapatugtog ng piyano nang may malakas na pagbagsak ang kanilang narinig sa salas ng mansion. Halos lahat ay nagsitakbuhan papunta roon at nagulat kung sino ang kanilang nakita na nakahandusay ngayon sa sahig.

"Senyorita!!" sigaw ng mga kasambahay at agad pinuntahan ang dalaga na ngayo'y bumubula ang bibig at wala nang buhay. Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin at kung paano nila haharapin ang kaniyang ama dahil sa biglaang pangyayari. Ano kaya ang nangyari sa senyorita?

"Ano ang nangyayari rito?" bungad ng isang boses mula sa kanilang likuran dahilan upang maistatwa ang mga kasambahay sa takot.

Mabilis namang tumayo ang mga kasambahay na nag-aalalang inalayan ang walang buhay na senyorita. Bigla namang nagulat ang matandang lalake at halos hindi na kumurap habang papunta ito sa kaniyang anak. Nanginginig na ang mga kamay nito at may bahid ng galit ang kaniyang mga mata habang tinatanaw ang senyorita.

Agad siyang lumuhod at dinaluhan ang walang buhay na dalaga sa kaniyang bisig na may namumuong luha sa kaniyang mga mata. Hinagkan niya ang noo nito at tsaka napapikit dahil sa inis at poot na kaniyang nararamdaman.

"ANAK KO!!!" sigaw nito dahilan upang mas lalong kinabahan ang mga kasambahay sa paligid. Sobrang nakakatakot kung magalit ang matandang ito. Alam na nila ang susunod na mangyayari kapag tapos na itong magdadalamhati sa anak. Napayuko ang lahat nang mapagtanto nilang tumayo na ang kanilang amo habang nakayukom ang palad nito.

"SINO ANG PUMATAY SA ANAK KO?!"

*******

"HOY! BUMALIK KA, IBARRA!" sigaw ng isang ale habang pagod na pagod itong hinahabol ang isang binata sa palengke. Mukhang pawis na pawis na siya habang nakayuko itong tinatanaw ang kaniyang hinahabol sa harapan.

"NAGTITIMPI NA AKO SA'YO! HINDI KA PA NAGBABAYAD NG UTANG MO!!!" sigaw niya ulit ngunit hindi siya pinansin ng binata habang patuloy pa rin itong tumatakbo papalayo sa kaniya.

"BUKAS NA LANG ANG BAYAD KO MANANG EVA! MARAMING SALAMAT!" pang-aasar naman niya at tsaka ipinakita ang dala nitong pagkain na kaniyang kinuha sa ale.

Siya si Ibarra Delgado. Isang makisig, matipuno, at masayahing lalake ngunit sa kabila ng mga ngiti niyang iyon ay may itinatago ring sekreto. Isa siyang magiting na katipunero. Isang espiya. Katulad ng karamihan ay gusto niya ring matamo ang tunay na kalayaan ng bansa mula sa kamay ng mga espanyol. Ano pa kaya ang kaniyang mga tungkulin sa kuwentong ito?

Pagkatapos niyang nilisan ang ale ay agad siyang lumiko sa kabilang kalye upang hindi na siya pag-usapan pa ng mga tao. Mabuti pa'y walang mga guardia sibil ang umaaligid sa paligid at tsaka kilala naman ng lahat si Ibarra. Halos lahat ng mga tao roon ay may lihim na galit din sa mga espanyol kung kaya'y wala na silang planong ituligsa pa ang binata.

Habang kumakain ng masarap na pandesal si Ibarra ay agad nahagip ng kaniyang paningin ang isang batang kalye na nagmamalimos sa harapan ng mga guardia sibil. Agad namang nag-iba ang awra ni Ibarra nang makita kung paano sinampal ng isang guardia ang kaawa-awang bata.

El Narciso Floreciente (The Blossoming Narcissus)Where stories live. Discover now