Kabanata 3

36 10 37
                                    

[Kabanata 3]

Taong 1896

Hindi alam ni Caitlyn kung bakit ganito ang kaniyang nakikita ngayon. Kanina'y nasa loob lamang siya ng kaniyang silid ngunit ngayo'y parang nasa iba na siyang lugar. Dulot lang ba ito ng kaniyang kalasingan? O 'di kaya'y nasa kaniyang panaginip na siya ngayon? Kahit na medyo gumigewang na ngayon si Caitlyn dulot ng kaniyang kalasingan ay nagawa niya pa ring lumakad nang maayos sa gitna ng daan.

"HE..HELLO! HI!! KON'NICHIWA! ANNYEONG!!" ngiti nito sabay kaway sa mga madla na malapit sa kaniya. Ngunit mabilis namang lumalayo ang mga tao sa kaniya at naiisip na parang isang baliw. Napabusangot na lamang si Caitlyn at padabog na tinalikuran ang mga tao dahil walang pumapansin sa kaniya.

"ANG GANDA KO KAYA SO WHY DON'T YOU PAY ATTENTION TO ME?!" sigaw nito ngunit patuloy lang siyang iniiwasan ng mga tao at ngayon ay pinagusap-usapan na siya ng mga ito.

"Freaks." bulong niya at tsaka sila tinaasan ng kilay.

"IBARRA DELGADO!!!" rinig ni Caitlyn sa kalayuan dahilan upang mapalingon ito sa gulat. May nakikita itong mga tao na nakasuot ng pang-guardia sibil habang hinahabol nila ang isang binata papunta sa kaniyang direksiyon. Nakasakay sila sa kani-kanilang mga kabayo habang pagalit na hinahabol ang lalakeng 'yun na nakasakay din sa kaniyang puting kabayo.

Nakanganga ngayon si Caitlyn sa kaniyang nasaksihan at mukhang napako sa kaniyang kinatatayuan ngayon. Agad namang nagtama ang kanilang mga mata ni Ibarra dahilan upang uminit ang mga pisngi nito na hindi niya alam kung bakit.

"TABI!!!" sigaw ni Ibarra sa kaniya ngunit mukhang hindi iyon narinig ni Caitlyn. Mabilis namang nagsitabi ang mga tao sa daan dahil sa takot na masagaan sila ng mga kabayo na patuloy pa ring yumayanig sa daan.

Dahil napako pa rin si Caitlyn sa kaniyang kinatatayuan ay biglang naalarma itong si Ibarra na baka'y masagasaan niya si Caitlyn ng kaniyang kabayo. Huli na nang bumalik ang katinuan ni Caitlyn at agad naman itong nagulat nang malapit na itong mabangga ng kabayo ni Ibarra.

"AHHHHHHHH!!!" sigaw niya sa matinding kaba at agad itong napapikit habang nakayuko ito sa kaniyang tuhod.

Mabilis naman na hinila ni Ibarra ang renda dahilan upang tumigil ang pagpapatakbo ng kaniyang kabayo ngunit agad naman siyang nawalan ng balanse upang siya'y tuluyang mahulog sa kabayo nito. Gumugulong ngayon si Ibarra sa lupang daanan habang iniinda ang sakit dulot ng pagkakahulog nito. Agad namang tumakbo ang kabayo nito at mukhang wala na itong balak pa na balikan siya.

Nang maramdaman ni Caitlyn na wala namang may nangyari sa kaniya ay agad itong tumayo at tsaka pinagpagan ang kaniyang suot na plain purple dress dahil sa alikabok. Agad itong namahinga nang malalim at tsaka kinapkap ang dibdib nito na ngayon ay bumalik na sa normal na pintig dahil sa sobrang kaba kanina. Nakaramdam pa pala siya ng ganitong emosyon kahit lasing na ito.

"Hoy, babae!!!" rinig niya sa kaniyang gilid at nakikita ang binata na dinuduro-duro siya habang paika-ika itong lumalapit sa kaniya.

"Bingi ka ba kanina ha? Di ba sabi ko tabi? Ba't hindi ka tumabi, ha?!" pagalit na sinabi ni Ibarra sa kaniya ngunit napameywang lang ito at tsaka tinaasan siya ng kilay.

"Who are you?" pagmamaldita niya ngunit mas lalong naiirita si Ibarra sa kaniya.

"Hoy! Huwag mo akong ma-HUYU HUYU dahil kinakausap pa kita!" mukhang nag-iinit na sa galit ang dalawa, mga mata'y nagpapalitan ng inis at pagkayamot.

"Ako nga dapat ang magalit sa'yo dahil muntik mo na akong masagasaan kanina!" depensa naman ni Caitlyn at mukhang kumukuyom na ang mga kamao nito sa binata. Kahit na gumegewang na ito ay kaya niya pa ring makipagsuntukan.

El Narciso Floreciente (The Blossoming Narcissus)Where stories live. Discover now