Kabanata 5

29 5 20
                                    

[Kabanata 5]

"Suki, bili na kayo! Murang-mura lang ang mga karne rito!" rinig nina Caitlyn at Ibarra habang tinatahak ang daan kung saan mamimili sila ngayon ng sariwang karne. Maraming tao ang nasa paligid at makikita na parang kilala na ang isa't isa.

"Hijo! Dito kayo bumili mura lang!"

"Dito na po kayo mas mura rito!" Napailing na lang si Ibarra sa kaniyang mga naririnig at agad napatingin kay Caitlyn na ngayon ay parang tulala sa kaniyang nakikita sa paligid.

"Halata talagang hindi ka pa nakakapunta rito, Isay. Huwag mo na silang pansinin dahil ganyan silang dumiskarte sa pagtitinda. Kung tutuusin ay pare-pareho lang naman ang mga karne rito ngunit mas pipiliin mo pa rin ang mas dekalidad at mura na tiyak swak sa bulsa." paliwanang ni Ibarra dahilan upang tingnan siya ng dalaga. Agad namang inayos ni Ibarra ang panyolito nito na nasa kaniyang ilong at tsaka lumakad nang tuwid.

"Mukha nga ring sanay ka sa iyong naririnig mula sa kanila." tugon na lang ni Caitlyn at agad na ring lumapit sa binata sa takot na baka'y mawala mula sa agos ng mga madla sa paligid.

"Marami nang nag-aalok sa iyo, Ibarra. Saan mo ba kasing gustong mamili?" tanong ni Caitlyn habang nakatingin ngayon sa binata. Nagkibit balikat na lamang ang binata at saka hinawakan ang braso ng dalaga upang siya'y sumunod sa kaniya.

"Siyempre sa aking kakilala dahil tiyak na bibigyan tayo ng bawas sapagkat ako'y kaniyang masigasig na suki." pagmamalaki ni Ibarra dahilan upang pagtaasan siya ng kilay ni Caitlyn.

Narating na rin nila ang puwesto ng kakilala ni Ibarra at makikitang marami talagang suki ang may-ari nito. Nakita ni Caitlyn ang isang binata na mukhang ka-edad lang naman ni Ibarra. Nakasuot siya ng pulang kamiso at itim na pantalon. Masaya niyang hinarap ang mga bumibili sa kaniyang puwesto dahilan upang maging magiliw sa kaniya ang mga ito.

"Berto!" bati sa kaniya ni Ibarra dahilan upang siya'y mapatingin sa kaniyang gawi.

"Ibarra!" masayang ganti naman ni Berto habang ibinibigay ang sapot ng karne sa kaniyang mamimili.

"Mukhang umaangat ka na ngayon ha." sabi pa ni Ibarra at agad inalis ang panyolito nito dahilan upang makita ang mga ngisi nito.

"Naku Ibarra, alam ko na ang ganyang istilo." napa-iling na lang si Berto at agad pinunas ang madumi nitong kamay sa kaniyang damit. Ngunit bago pa siya makatingin sa kaibigan ay agad namang nahagip ng kaniyang paningin sa gawi ni Caitlyn. Ngumiti ito sa dalaga ngunit hindi naman gumanti si Caitlyn pabalik.

"At sino namang binibini ang kasama mo kaibigan?" at agad namang napatingin si Ibarra kay Caitlyn dahilan upang ngumisi naman ito.

"Ah, siya ba? Bagong katulong ko nga pala, Berto." at bahagyang napatawa sa kaniyang biro. Agad namang sumingkit ang mga mata ni Caitlyn sa kaniyang narinig at saka tatapakan sana ang paa nito ngunit mabilis naman siyang nakaiwas sabay ngisi.

"Hay, naku. Isay puwede ka ba munang bumili ng mga sangkap 'dun sa kabilang puwesto? O, heto ang lista para hindi ka mahirapan." sabi ni Ibarra sabay abot ng isang pirasong papel at ang pambayad kay Caitlyn. Napanganga na lang si Caitlyn sa kaniyang narinig kung kaya'y napahalukipkip ito sa kaniyang harapan.

"Teka, inuutasan mo ba ako?"

"Oo, bakit? Huwag ka na ngang maarte para mabilis tayong matapos dito." Pagtataboy sa kaniya ni Ibarra habang itinutulak sa direksiyon kung nasaan ang puwesto ng mga sangkap. Napasingkit muli si Caitlyn sa kaniyang ginawa ngunit tanging ngisi lang ang natanggap nito mula sa binata.

Wala namang magawa si Caitlyn kundi sundin ang nais ng binata. Kapag hindi pa niya ginawa 'yun ay tiyak na wala siyang matutuluyan mamaya. Patabog siyang lumakad papunta sa mga puwesto ng mga sangkap habang si Ibarra naman ay masayang nakatitig sa kaniyang gawi.

El Narciso Floreciente (The Blossoming Narcissus)Where stories live. Discover now