Chapter 16

244 5 3
                                    

Agad akong sumakay sa kotse ni Gun at nagsuot ng seatbelt. Sinimulan din naman niyang paganahin ang makina ng sasakyan niya at kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng traffic papunta sa BGC. Lunes na lunes ganito ang kinahakaharap namin. Buong biyahe namin ay hindi ako mapakali kakaisip kung anong nangyayari kay New at kung bakit siya nagpakalasing.


"Huwag ka munang mag-isip kung anong nangyari sa kanya. Malay mo naman kasi may surprise sa 'yo o ano." Paninigurado sa akin ni Gun pero hindi naman nakakatulong sa pagpapakalma sa akin.


"Wala naman kasing dapat i-celebrate o wala namang importanteng nangyari sa araw na 'to." Sagot ko sa kanya. Nakatuon pa rin ang atensyon ni Gun sa pagmamaneho kaya naman hindi ko na siya masyadong ginulo pa.


Kinuha ko ang cellphone ko para i-message si Arm kung anong club o kung anong parte ng BGC kami pupunta para sunduin si New. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung bakit o kung anong dahilan nang pag-inom ni New pero ni isang rason wala akong mahanap.


Matapos kong mahanap ang eksaktong lokasyon kung anong bar nakatambay sila New ay sinabi ko agad 'to kay Gun. Hindi ako mapakali sa kalagayan ni New at naghahanap pa rin ako ng tamang rason bakit need niyang uminom ngayon. It's not that magpapakalasing siya over nothing given that nag-aaral kami parehas for our final examination.


Ilang minuto lang ang lumipas, narating na namin ang club na tinutukoy ni Arm at kasalukuyang nagpa-park ng sasakyan si Gun sa may gilid ng mismong lugar nang pagbababaan. Matapos maipwesto ni Gun ang sasakyan niya sa may parking lot ay agad akong bumaba sa sasakyan niya at nagbayad ng entrance papasok sa club.


Tinitingnan ko ang buong paligid at ang nakita ko lang ay ang dami ng tao na sumasayaw sa gitna at nag-iinuman sa gilid. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar at halos mabingi ako sa ingay ng tugtog at mabulag sa liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nakapalibot sa loob.


"Tay!" Narinig kong pagtawag sa akin ng isang lalaki mula sa aking likuran. Napalingon naman agad ako at nakita ko si Arm na hapong-hapo.


"Nasaan si New?" Nag-aalala kong anong kay Arm.


"Nasa may table namin siya." At nauna nang naglakad si Arm papunta sa pwesto nila kung nasaan si New.


Sumunod ako kay Arm habang naglalakad at ewan ko ba bakit ganito 'tong dibdib ko parang hindi panatag sa di malamang dahilan. Hindi naman kalayuan ang pwesto nila Arm kaya narating din namin agad. Napahinga ako nang malalim na makita ko si New na nakaupong natutulog sa couch ng table nila.


"Anong nangyari Arm bakit biglang naglasing 'tong si New?" Pagtatanong kong muli kay New habang pinupunasan ang noo niyang pawisan gamit ang panyo mula sa aking bulsa.


"Hindi ko rin alam Tay. Nagulat na lamang ako na biglang pumunta rito sa club 'yang si New at nag-order ng ilang hard drinks at siya lang ang uminom mag-isa. Sinubukan naming alamin bakit bigla siyang uminom pero hindi naman niya sinasabi sa amin." Pagpapaliwanag ni Arm sa akin.


"Alam niyo ba kung saan siya galing bago siya mapunta rito?" Tanong ko pa kay Arm.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now