Chapter 15

147 5 2
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi ko naman siya pinapunta o ano man pero baka naman kasi coincidence lang naman at masyado kong pinag-iisip lahat ng bagay.


"Ha? Anong klaseng tanong 'yan? Ikaw kaya nagpapunta sa akin dito." Depensa ni Gun sa akin na ngayon naman ay pumwesto sa kaharap kong upuan. Tiningnan niya lang ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.


"Eh hindi naman kita kinausap o ano, tsaka di naman kita pinapunta rito in the first place." Pagtatanggol ko sa sarili ko pero hindi ako pinansin ni Gun bagkus nilabas niya lamang ang cellphone niya at kinalikot 'to.


"Ikaw 'tong nagmessage sa akin tapos ide-deny mong hindi ikaw nagpapunta sa akin ngayon." Banat ni Gun na ngayon ay nakaharap ang phone sa akin.


Halos maningkit ang mata ko habang binabasa ang message na nasa phone niya. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at dali-daling tiningnan ang last message na sinned ko. Parang gusto kong lamunin ng lupa dahil sa nakita ko. Si Gun nga ang huling napadalhan ko ng message sa phone. Napasapo ako sa aking noo at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.


"Sige una na ako may gagawin pa kasi ako." Pagpapaalam ko sana kay Gun habang tinatabi ang lahat ng gamit sa aking bag pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at marahang pinigilan ang pag-aayos.


"So you're leaving me like that?" Halos maningkit ang mata ni Gun sa akin habang nakaupo sa tapat ko. Nakakakonsensya naman kung bigla-bigla ko siyang iiwan dito kahit ako naman ang nagpapunta sa kanya.


"Anong gagawin mo rito?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.


"Since we're here, mag-aaral na rin ako tutal nasa library ako kanina noong nagmessage ka at nag-aaral para sa long exam ko bukas." At nilabas na nga ni Gun ang mga reviewers at gamit niya para sa pag-aaral.


Suot-suot niya ang kanyang uniform sa UST habang may nakapatong na sweater sa likuran niya. Isinuot niya rin ang kanyang salamin at pinagpapatuloy ang kanyang pagbabasa. Tahimik lang ang lahat hanggang sa basagin niya 'yon.


"Kung ako sa 'yo nag-aaral ka na at hindi ako tinititigan, gusto mo bang matunaw ako?" Bulong ni Gun sa akin habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagbabasa ng kanyang libro. Tinanggal ko naman agad ang pagkakatitig ko sa kanya at sinimulan ko na ang pagbabasa ng notes ko.


Tahimik ang buong paligid at katahimikan din ang bumabalot sa pagitan naming dalawa ni Gun. Hindi ko na inalintana ang presensya niya sa harapan ko. Ipanagpatuloy ko na lang ang pagbabasa sa mga reviewers at notes ko habang siya rin ay nag-aaral. Sa kabila ng ginagawa namin ay hindi ako mapakali at nabibingi ako sa katahimikan sa pagitan namin.


"Sorry." Para bang may sariling buhay 'tong bibig ko at bigla-bigla na lang nagsasalita mag-isa na hindi kumukunsulta sa utak ko.


"Para saan?" Sa pagkakataong 'to ay nakatingin na sa akin si Gun habang saglit na hinubad ang kanyang salamin.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now