Chapter 11

107 4 0
                                    

"Tay?" Narinig kong pagtawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko at nang lingunin ko ay si New ang unang nakita ko.


Sa lahat ba naman ng pwede kong makita bakit ikaw pa, New?


"Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko kay New pero parang wala siyang narinig.


"Sino 'yung kasama mo? Saan ka nanggaling? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" Dire-diretsong pagtatanong ni New sa akin.


"Bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong ko kay New.


"Eh bakit hindi mo sinasagot mga tanong ko?!" Pagtataas ng boses sa akin ni New.


"Pwedeng wag dito? Sa taas nalang tayo mag-usap." Pakikiusap ko kay New dahil feeling ko may nagawa akong kasalanan kaya ganito siya mag-react.


Sabay kaming pumasok ni New sa loob ng building at naglakad patungong elevator. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator ay naglakad na kaagad papasok si New. Sumunod naman ako sa loob ng elevator at pinindot ang button kung saan kami bababa. Ramdam ko ang tension sa pagitan namin ni New na naging dahilan para hindi ako makahinga nang maayos. Ilang sandali lang ay bumukas na rin ang pinto ng elevator at nauna na namang maglakad si New palabas kaya naman dali-dali kong hinabol ang hininga kong kanina ko pang pinipigilan.


Lumabas na ako sa elevator at dumiretso sa tapat ng condo unit ko at binuksan ko na kaagad ang pinto. Pagkabukas ko ay umupo ako sa sofa at hinihintay kong lumapit o tumabi si New sa akin pero hindi niya ginawa 'yon. Nakatayo lang si New sa di kalayuan at nakatingin sa akin.


"Sino 'yung kasama mo?" Unang tanong ni New sa akin.


"Si Gun. Nakiupo lang siya sa table na pinuntahan ko." Sagot ko kay New. Hindi pa rin natapos ang mga tanong ni New sa akin.


"Saan kayo pumunta?" Dagdag na tanong ni New habang nakataas 'yung isang kilay sa akin.


"Sa Bourn lang naman, uminom lang kaunti." Tugon ko sa tanong ni New pero hindi pa rin siya natinag sa pagtatanong sa akin.


"Bakit hindi mo sinasagot 'yung mga tawag ko?" Huling tanong sa akin ni New.


"Tumatawag ka?" Gulat kong pagtatanong kay New dahilan para ilabas ko 'yung cellphone ko at halos malaglag ang panga ko sa dami ng messages niya sa akin at missed calls.


Tumingin ako saglit kay New para tingnan ang ekspresyon niya pero nagulat ako dahil bigla siyang naglakad nang pasugod papunta sa pwesto ko. Akala ko ay pagbubuhatan niya ako ng kamay pero halos manlambot ang tuhod ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Napakapit ako kay New dahil nararamdaman ko ang pag-aalala niya para sa akin.


"Sorry. I'm just worried about you." Paghingi ng tawad ni New sa akin habang tinitingnan ako sa dalawa kong mga mata. Humiwalay siya kaunti mula sa pagkakayakap nang mahigpit sa akin. Tiningnan ko ang mga mata ni New na bakas ang pag-aalala. I feel bad for doing this to him. Mababaw na rason lamang 'to para sa iba pero hindi ko rin maintindihan sarili ko bakit ako nagkakaganito kay New.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now