Chapter 7

109 4 1
                                    

"Can we stay like this for a little longer?"


Kanina pa akong nakadilat at nagpagulong-gulong sa kama ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga salitang kanina niyang binitawan. Para akong nakukuryente sa bawat pagkakataon na inaalala ko ang mga katagang 'yon. Para na nga akong sirang plaka na inuulit sa utak ko ang mga 'yon.


Tiningnan ko ang orasan at napansin kong madaling araw na. Mukhang hindi naman ako makatutulog sa lagay kong 'to. Tumayo na muna ako mula sa pagkakahiga ko sa aking kama at dumiretso na sa papuntang kusina. Pagkarating ko sa tapat ng refrigerator ay kumuha ako ng malamig na tubig at sinalin 'to sa basong hawak ko. Sumandal ako sa counter at binuksan ang phone ko. Habang umiinom ako ay nagvibrate ang phone ko.


New: Are you still awake?


Hindi ko maintindihan ang biglaang pag-arko ng aking mga labi at ang pagbilis na pagtibok ng aking puso. Is this even normal? Nakakatakot at nakaka-excite 'yung ganitong pakiramdam pero tama pa rin ba 'to to feel this way?


Mabilis akong nagreply sa message ni New sa Instagram. Habang naghihintay sa reply niya ay cinlick ko ang profile ng Instagram niya at napansin kong walang laman ang feed niya. Nothing can be found in his account kahit sa mga tagged photos wala rin. Hindi na rin naman siya nag-reply kahit ilang minute na akong naghintay. Bumalik na ako sa kama ko at tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking braso.


Will I be okay, New?


Pagkagising ko ay nag-ayos na ako at nagsuot lang ako ng simple hoodie jacket at denim pants. Tiningnan ko ang orasan ko kung may spare time pa ba akong pwedeng gamitin para bumili ng breakfast ko and lady luck was on my side kaya dumiretso na ako sa cafeteria.


"Good morning ate!" Bati ko kay ateng nagbebenta ng pagkain.


"Ikaw pala, ano sa 'yo Tay?" Pagtatanong ni ate sa akin.


"Isang chicken sandwich lang ate." Tapos tinuro ko 'yung chicken sandwich na nasa food warmer nila. Nilagay niya sa brown bag 'yon at binigay sa akin. Binayaran ko na ang sandwich na binili ko at nagpasalamat bago umalis. Dumaan muna ako sa vendo machine para bumili sana ng coffee pero nadatnan kong nandoon si Tina. Lalayo na sana ako pero bigla niyang tinawag ang pangalan ko.


"Tay." I know kahit nakatalikod ako ay nakatitig siya sa akin nang masama.


"Ano 'yon?" Pagtatanong ko kay Tina.


"Guard your heart." At tuluyan na siyang naglakad at nilagpasan na ako.


What the hell was that?


Lumapit na ako sa vendo machine at ininsert ko na ang aking 50 Peso bill at pinindot ang coffee na gusto ko. Matapos kong makuha ay umupo na ako sa isang bakanteng upuan sa loob ng cafeteria. Hindi ko mabasa bakit kailangan sabihin ni Tina 'yon sa akin. Tinapos ko nang kainin ang aking chicken sandwich at ininom ang aking coffee bago pumasok sa klase.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now