Chapter 10

122 5 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggong kasama ko si New. Saya lamang ang siyang bumabalot sa akin, sa aming dalawa. Ganoon pala ang pakiramdam kapag kasama mo 'yung taong nagpapasaya sa 'yo, hindi mo namamalayan 'yung oras na para bang may sarili na kayong mundo.


Ngunit sa bawat araw na dumadaan ay pangamba ang aking nararamdaman.


May kapalit kaya 'tong sayang nararamdaman ko ngayon?


Wag naman sanang bawiin kaagad nang walang abiso.


Hindi ko pa ata kaya.


"Hey? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni New sa akin. Inilapag na ni New ang in-order niyang iced coffee at pasta sa tapat ko.


"Yes." I whispered to New pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot kong 'yon.


"Nilalamig ka ba?" Pagtatanong ni New sa akin at akmang huhubarin niya na ang blue hoodie niya para ibigay sa akin.


"I'm okay with my sweater kaya wag ka na mag-alala sa akin." Pagbibigay kasiguraduhan ko kay New.


"Tay." Hindi ako makatingin sa kanya dahil alam kong mararamdaman niyang may mali sa akin ngayon.


"I'm okay Newwiee, I promise." Sabi ko kay New at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Nagpaalam muna ako saglit para pumunta sa comfort room ng café kung saan kami nag-aaral ngayon.


"Tay ano ba! Stop thinking about those things. You're getting paranoid about things." Pagpapaalala ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Binuksan ko ang faucet para hilamusan ang aking mukha para naman kumalma ako. Naglakad ako pabalik sa table naming ni New at napansin kong may kausap siya sa phone niya pero baka sila Arm lang naman kaya naman hindi ko na lang pinansin.


"If you're not feeling well let's go home na, okay?" Nag-aalalang pangungusap ni New sa akin. I know that he's very much worried about me right now dahil sobra na akong naii-stress sa mga nagdaang araw.


"Newwiee, I'm okay. Next week na ang exams and kailangan kong mag-aral nang maayos. I promise you na kapag hindi ako okay we will go home na." Pagpapaliwanag ko kay New. Tumango naman siya at itinuloy na rin niya ang pagbabasa sa mga notes niya.


Kasalukuyan kaming nag-aaral dalawa ni New sa isang coffee shop malapit sa mga universities namin. Malapit na ang final examination para sa last term ng taong 'to. After ng examination namin next week ay makakapagpahinga na rin at ilo-look forward nalang namin ang last year naming dalawa sa kanya-kanya naming schools.


"Mag-aral ka nga!" Saway ko kay New dahil nakarinig na naman ako ng pag-snap ng camera at alam kong kinukuhanan niya ako ng litrato.


"Whatever." Natatawa niyang nilapag ang camera niya at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng notebook niyang na nasa harapan niya.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now