Chapter 9

147 5 0
                                    

Mom: Meet me tomorrow at dinner.


Nanginginig ang mga daliri ko sa kamay habang sinasagot ang message ni mommy sa akin. Naglakad muna ako papunta sa aking study area para umupo. Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang kamay ko dahil alam kong may pag-uusapan na naman ang pamilya namin. Sa totoo lang ay hindi ako ganoong kalapit sa mga magulang gayon din sa mga kapatid ko.


Matapos kong sagutin ang text message ni mommy ay naglakad na akong patungo sa shower room para makapaglinis ng katawan. Hinayaan ko lamang ang malamig na tubig na dumampi sa mainit kong balat. Iniisip ko lahat ng pwedeng dahilan kung bakit ako pinatawag ni mommy bukas para sa isang dinner. Mas kinakabahan ako kapag seryoso si mommy lagi kumpara sa pagsagot at pagprepresent sa harap ng klase.


Lumabas na ako sa shower room at pinatuyo ang babang bahagi ng katawan ko bago ko isuot ang boxer shorts ko. Umupo muna ako saglit sa gilid ng kama ko, kinuha ko ang cellphone ko para i-check ulit kung may gagawin pa akong kahit ano. Alam ko namang wala akong gagawing importante para bukas sa school pero gusto ko lang magpalipas ng oras para di ko na rin masyadong isipin kung anong mangyayari bukas.


Pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalyang nakasabit sa aking braso. Matapos matuyo ang buhok ko at ang buong katawan ko ay sinuot ko na ang white t-shirt ko. Humiga na ako at tuluyang ipinikit ang mga mata kong kanina pang inaantok.


Isang malakas na katok ang gumising sa akin. Sa sobrang lakas ay para bang gustong sirain 'yung pinto ng condo ko. Naaalibadbaran akong tumayo para tingnan kung sino ang sumisira sa pagtulog ko. Kinusot-kusot ko ang aking kanang mata at binuksan ang pinto at halos lumuwa ang mata ko kung sino ang bumungad sa harapan ko.


"Good morning?" Ngiting-ngiting bati ni New sa akin habang may dalang plastic ng KFC.


"Why are you here?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at para bang nagniningning ang dalawang mata niya habang nakatingin sa akin.


"Fuck." Mabilis kong isinara ang pinto at tumakbo papasok sa bathroom para maghilamos at magsipilyo. Halos madapa ako sa kakamadali ko, halos hindi ko na rin masuot nang maayos 'yung sweatpants ko at nanlaki ang naniningkit kong mata na napansin kong may morning wood ako. Napasapo ako sa noo ko dahil sigurado akong nakita ni New 'yon.


Naglakad ako papunta sa pintuan ng condo ko at binuksan para makita ang isang ngiting-ngiting New Thitipoom. Hinayaan kong bukas ang pinto at sumunod na rin siyang pumasok at sinara 'to. Nagtungo ako sa sofa ng condo at umupo sa pinaka-dulo at siya rin ay umupo sa kabilang gilid.


"Bakit ka nandito?" Pagtatanong ko sa kanya.


"I'll go to your kitchen para makakain na tayo ng breakfast." Pagpapaalam niya sa akin at tumayo at dumiretso sa kusina.


Ang lakas naman ng loob nitong huwag akong pansinin?!


"Tinatanong kita bakit ka nandito?" Iritado kong pagtatanong sa kanya ulit.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now