Chapter 4

90 6 1
                                    

"You'll hire me to teach you how to flirt and kiss or even sex education."


Para bang nabingi ako sa mga sinasabe niya sa akin ngayon. Hindi pa nagfu-fully lahat ng information na binabato niya sa akin ngayon. Ewan ko ba kung hibang lang 'tong isang 'to o kung ano kayang natira nito sa loob ng club at ganito mag-isip.


"A-Ayos ka lang? Wala ka bang tama? Kanina hinigit mo ko sa loob tapos ngayon, you will blurt out random things out of nowhere." I said habang naka-harap kay New na naka-pamulsang naka-sandal sa sasakyan niya.


"If that is your way of saying thank you, then you are welcome." He sarcastically said. New opened the door of his car at nauna na siyang pumasok sa loob. I was left alone sa labas ng kotse niya until he opened the window of the shotgun seat.


"I'll drive you home." New ordered me.


"Are you some sort of a bodyguard right, if yes, let's drop the act right now." I answered him.


"Could you stop whining at pumasok ka na lang?!" New retorted irritatingly. Bumaba na siya sa kotse niya at lumapit sa akin. Akala ko ay hihigitin niya ako o ano pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


"Please?" New softly murmured without even looking at me.


"A-Are you a Gemini or what?" I nervously asked. He didn't even bother to respond at naglakad na lang siya or what. I do have a habit of asking nonsense questions to throw them off pero parang wala ng effect sa kanya.


"I'm not a gemini at pumasok ka na sa loob ng kotse." New answered me and he started the engine of his car. He looked at me ng ilang segundo hanggang sa pumasok na ako loob ng kotse niya.


Pinaandar niya na 'yung kotse kaya sinimulan na naming baybayin ang kahabaan ng edsa. It was a quiet ride katulad nang kanina. Siguro ganito 'yung mangyayari kapag pinagsama mo ang isang seryosong lalake na puro sama ng loob at isa pang lalakeng boring. Napatingin ako sa may bintana para tingnan ang mga sasakyang kanina pang naka-hinto o kaya naman 'yung mga buildings may iba't ibang kulay. Sa kasamaang palad habang naka-tingin ako sa KFC bigla na lang kumalam 'yung tiyan ko.


"Let's stop here." New said. He parked his car sa KFC na nakita ko kanina. He turned off the engine of his car at bumaba na. I did the same at sumunod na sa kanya papasok sa loob ng fast food chain. My eyes started to glisten and twinkle nang malanghap ko 'yung chicken nila. Mas lalong lumakas ang tunog ng tiyan ko dahil sa gutom ko.


"I'll order for us grab a spot over there." New pointed a seat sa di kalayuan malapit sa counter. I walked over that spot at umupo na ako. Hindi naman ganoon katagal ang pag-order ni New ng pagkain dahil wala na rin namang masyadong tao dahil maghahatinggabi na rin naman. He placed the tray sa table namin at umupo na rin siya.


"Thank you." I thanked him sincerely.


"No problem but next time you'll drink make sure to eat before." New reminded me. He then gave me the chicken meal that he ordered. Sobrang sakto ng order niya para sa akin. It was a piece of original fried chicken with mashed potato and large coke for drinks. Nagsimula na akong kumain at ganoon na rin ang ginawa niya.

Burnout (TayNew Fanfic)Where stories live. Discover now