Dream 12

140 61 1
                                    


-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

Napakurap-kurap ako dahil sa nakita. Dan dandan dalandan is this real?

Nasa harapan ko talaga si Zane? Shocking mays naman. Paano sya napunta rito?

Dahan-dahan akong umusog papalayo sa kanya at napansin ko na nasa gitna lang namin yung cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at itinutok kay Zane. Habang nakatingin ako sa mukha nya ngayon ay naisip ko na hindi sya totoo. Mas mukha kasi syang anime character. Ang cute nya pa habang natutulog.




Pasensya ka na Zane. Picturan lang kita kahit isa lang.  Nanginginig kong pinindot yung camera at laking gulat ko ng may flash pala. Bwiset talaga! Mang-istolen  na nga lang ako may flash pa. Kakainis talaga!



Napapikit ako ng gumalaw sya. Agad kong itinago yung cellphone sa likuran ko. Tiningnan ko sya ulit at nakaharap lang sya sa akin. Umusog sya ng kaunti at niyakap ako.



"Ang lamig.." Wika nya habang nakapikit.



Bakit ba napakacute nya at ang lalim pa ng boses? Ano ba kasing nakain nya noong bata pa sya?



Hindi ako nakagalaw ng yakapin nya ako ng mahigpit. Nakasuot naman sya ng black na jacket pero nilalamig pa rin sya. Samantalang ako nga naka purple t-shirt lang hindi naman ganoon kalamig.



Napakalapit nya sa akin ngayon kaya naamoy ko yung vanilla. Siguro kain sya ng kain ng vanilla flowers. Nasa bandang dibdib nya ako at rinig na rinig ko yung bawat tibok ng puso nya. Lagot na talaga ako kapag nakita ni mama na magkasama kami ni Zane. Dito pa talaga sa kwarto ko at magkatabi pa talaga kami matulog baka kung ano na yung isipin nila.


Napakagat na lang ako ng ibabang labi. Hindi ko naman sya pwedeng itulak dahil gagawa ng ingay yung pagbagsak nya sa sahig. Baka biglang pumunta rito ni mama at papa. Mas lalo akong malalagot.




Umusog ulit ako ng kaunti at kinuha yung cellphone  na itinago ko sa likod ko kanina. Tumalikod muna ako kay Zane at tumingin sa cellphone ko. Muli ko iyong binuksan at nakitang maaga pa. Alas kwatro pa lang ng umaga.  Wala namang pasok ngayon pero gising na gising ako dahil kay Zane.




Naramdaman kong niyayakap ako ni Zane mula sa likod kaya naman natigilan ako. Hinihigpitan nya ang pagkakalapit sa bewang ko at nilalapit pa lalo sa kanya. Napapikit ako at pinipigilan na tumili dahil itong puso ko nagwawala na naman.



Umiling-iling na lang ako at pinilit na makatulog. Habang nakapikit ay hinihiling ko na sana nakalock yung pinto dahil malalagot talaga ako kapag biglang pumunta yung makukulit kong kapatid dito sa kwarto ko. Bigla-bigla pa naman silang sumusulpot. Nakakakaba lang kasi kapag nakita nila ako na may kasama rito sa kwarto siguradong isusumbong nila ako kay mama at papa. Baka bugbugin pa ni mama–este ni papa itong si Zane. O ang mas malala pareho nilang bugbugin si Zane. Wala naman syang ginagawang masama. Bigla lang syang sumulpot sa kwarto ko. Tulad ng kung paano ako napunta sa kwarto nya noon.





Nakapikit lang ako pero hindi talaga ako makatulog. Paano ba naman ako makakatulog kung napakagwapong nilalang itong katabi ko?




Muli kong binuksan yung cellphone ko at bumungad sa akin ang mukha ni Taehyung. Kung tutuusin napakaswerte ko ngayon dahil katabi ko pa matulog ang kamukha nya. Para lang naman silang binagbiak na bunga. Mula sa ilong, sa shape ng mukha, sa lips at sa tangkad parehong-pareho silang dalawa. Yun nga lang hindi ko ganoon kakilala si Zane. Yung ugali nya may pagkakahawig sa ugali ni Taehyung pero iba silang dalawa. Magkaiba silang tao. Wait nga, magkahawig? May mukha ba yung ugali? Ano ba naman 'tong mga nasa isip ko.




Napailing-iling na lang ako at halos mapatalon ako ng bigla syang magsalita.


"Ano yan?" Tanong nya kaya naman napakipit na naman ako.


Pusang gala naman oh! Ramdam na ramdam ko yung mainit nyang hiniga sa may batok ko. Umusog sya ng kaunti para mapantayan nya ako. Tapos yung boses nya, kainis talaga! Bakit ba napaka husky? Ano yun seberian husky? Aso ka boy?




"Ah-ano..."


"Bakit nakatingin ka sa picture ko?" Tanong nya ulit.


"H-ha? Anong picture ka dyan? Hindi kaya.." Pagtanggi ko.



Nilagay nya naman yung baba nya sa balikat ko at yung kamay nya naman ay nakahawak din sa cellphone ko. Pinindot nya yung cellphone ko at saka yun nagbukas.



"Ayan oh. Ako yan di ba?" Kahit hindi ako nakatingin alam kong nakangiti sya.



"Hindi ikaw yan,"Tugon ko. "Si Taehyung yan."


"Talaga? Bakit kamukha ko sya? Tsaka sino pala sila?" Sunod-sunod na tanong ni Zane saka tumuro sa kisame kung saan nakadikit ang kaisa-isa kong poster.



"Mga asawa ko sila, " bulong ko.



"Ha? May asawa ka na pala Hilary?!" Sigaw ni Zane kaya naman humarap ako at kaagad na tinakpan ang bibig nya.




Pambihira naman oh! Napakaingay nya. Mabuti na lang at naulan pa rin. Hindi naman siguro ako narinig ni mama.




"Pwede ba, wag ka namang maingay please. Kasi malalagot ako kay mama at papa kapag nakita ka nila," bulong ko kaya naman tumango-tango sya.



Bigla ko na lang tuloy naisip na parang nagkabaliktad kami ni Zane. Kasi naman noong nasa kwarto ako ni Zane sa DreamLand ay todo tago pa ako para hindi ako makita ng parents nya. Ngayon naman kailangan kong maitago si Zane para hindi ako malintikan. Kaso maliit lang itong kwarto ko. Hindi ko naman sya pwedeng itago na lang sa kung saan. Baka makita sya ng mga kapatid ko. Lalo akong malalagot.




"Uy Hilary, okay ka lang ba?"Nag aalala nyang tanong.




Hindi ko namalayan na natanggal na nya pala yung pagkakatakip ko sa bibig nya. Tulala na naman kasi ako.



"May problema ka ba?" Tanong nya habang magkasalubong ang mga kilay.



Naupo ako at umiling-iling. "Wala naman. Ikaw lang naman problema ko."


Hininaan ko na yung huli kong sinabi. Ayoko lang nya marinig na pinoproblema ko yung pananatili nya dito sa kwarto ko. Baka naman kasi bigla na lang syang umalis. Ang tagal kaya naming hindi nagkita. Sayang naman yung oras ngayon kung sasabihin ko na umalis na sya.




Naramdaman kong naupo rin sya. Tumingin naman ako sa kanya at unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan si Zane. Kasi naman mukha syang bata na pinagmamasdan yung kapaligiran. Sa bagay, iba naman kasi ito sa kwarto nya. Dahil kwarto ko 'to hindi kanya. Tama naman di ba?





Ilang minuto kaming nanahimik  at pinakinggan lang ang tunog ng ulan na patuloy na pumapatak sa bubong.







Nanlaki naman ang mata ko ng makarinig ng malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko....



______





Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon