Dream 34

170 32 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




-Hilary-

Dahan-dahan akong dumilat dahil kanina pa ako nakakarinig humuhuming pusa. Nag eecho ang meow nito sa buong kwarto kaya rinig na rinig ko. Nagtaka naman ako ng naupo ang  pusa sa aking harapan. Kulay berde ang cute nyang mga mata at makintab ang itim na balahibo.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi ng marealize ko na si Cat Noir itong nasa harap ko. Gusto ko syang lapitan kaso lang masyadong maikli itong kadena na nakakabit sa'kin. Kapag kumakain kasi ako saka lang natatanggal yung mga kadena pero bumabalik din ang mga ito na parang magnet.

Muli akong tumingin kay Cat Noir. Nagtataka ako kung paano sya napunta dito sa DreamLand. Sigurado ako na si Cat Noir itong pusa dahil ako mismo ang nag pangalan at nag alaga sa kanya kahit sa sandaling panahon lang.  Muling nag meow si Cat Noir tsaka dahan-dahang umatras. Sa pag atras nya ay lumalaki sya kaya naman nanlaki ang mata ko kung sino talaga ang pusa na pinapasok ko sa loob ng kwarto.

"Clover..."

"Oo, ako nga..Nga pala, ang panget ng kwarto mo at napakabaho ng twalya na ikinuskos mo sa'kin. " Nandidiri nya pa akong tiningnan at pinagpagan ang sarili nya.

Sobrang nalilito na ako sa nangyayari. "Teka...Paano ka nakarating sa bahay namin?"

"Inutusan kasi ako ni lord Zacheus na bantayan si master Zane at para makumpirma kung talaga bang sa Earth sya napupunta." Pag uumpisa ni Clover saka naglakad pa kanan. "At tama nga ang hinala ni lord Zacheus. Talaga ngang sa Earth napupunta si master Zane." Dagdag pa nya.

Lumapit sya sa'kin at ngayon ay nakatayo na sya sa harapan ko. "Anong ginawa mo sa kanila?" Nakataas kilay nya pang tanong.

"Hah?" Nagtataka ko syang tiningnan.

Ngimisi sya at hinawakan ang pisngi ko ng sobrang higpit. "At  nagpapanggap ka pa talaga na walang alam."

Matalim nya akong tiningnan at parang gusto nya na akong patayin. "Alam ko na may ginawa ka para maakit si master Zane. Dahil noong gabing yun...Kitang kita ko na hinalikan ka nya noong nasa AstraKane kayo."

"Teka lang, paano mo nalaman–" Natigilan ako at naalala ko yung sandali bago mag fireworks. Sinabi sa'kin ni Zane na parang may nakatingin sa'min. Baka nga si Clover na 'yun.

"Nalaman ko dahil nandoon ako. Gya nga ng sinabi ko inatasan ako na bantayan si Master Zane. Kaya lagi akong nakabantay kay Master Zane at pati na rin kay master Zack."

Huminto muna sya sandali saka tumingin sa mga mata ko. "Gusto ko lang malaman mo na naiirita ako sayo." Mas lalo nyang hinigpitan yung pagkakahawak sa pisgi ko at kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. "Dahil inaakit mo na nga si master Zane, hindi ka pa nakuntento pati ba naman si Master Zack."

Fangirl In DreamLandWhere stories live. Discover now