Dream 35

143 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







-Hilary-

Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Iniisip na kasi ng mg nandito na isa akong espiya galing sa Earth. Paano ko naman gagawin yun eh hindi ko naman alam kung bakit ako nandito o kung paano ako napadpad dito.

Mabuti na lang talaga at nandito si Jeremy at yung kamukha ni Jhope na nagpakilala bilang Tristan. Sapilitan nilang hinila si Clover palabas pero patuloy syang nag pupumiglas at sumisigaw ng malakas. Sobrang sakit na ng katawan ko dahil sa pagsipa nya sa'kin. Ang lakas ng bawat sipa nya sa'kin parang nadudurog na ang buto ko.  Hindi ko na magawang maupo dahil sa kumikirot pa ren ang mga parteng nasipa ni Clover. Kahit ang pisngi ko may sugat na at tumutulo na ang dugo mula rito.



Ilang sandali pa ay bumalik yung dalawa na may dalang isang malaking kahon na  black and white. Laman nito ang mga gamot para sa mga sugat ko. Maingat nila akong inupo at dahan-dahang ginamot. Habang magkaharapan kami nina Jeremy at Tristan ay tinatanong nila ako.

"Sigurado ka bang di mo alam kung pa'no ka napunta rito sa DreamLand?" Tanong ni Tristan habang nilalagyan ng powder na gamot ang pisngi ko.

"Hindi ko talaga alam." Umiling-iling pa ako.

"Walang ibang tumulong sa'yo para makarating dito?" Tanong ulit ni Tristan.

"Wala, nagulat na lang ako at nagising na ako sa kwarto ni Zane." Sagot ko habang tinitiis ang hapdi.

"Masasarap ba ang pagkain sa–" Hindi na natapos ni Tristan ang pagtatanong dahil siniko na sya ni Jeremy.

"Wag ka ngang magtanong ng mga walang kabuluhan. Pambihira, naman." Huminga ng malalim si Jeremy saka muling tumingin sa'kin. "Magmula ng sabihin mo na bigla ka lang napunta dito talagang napapaisip ako. Kasi hindi ito karaniwang nangyayari."

"Sabihin mo nga may nakilala ka ba sa mundo nyo na nag nagngalang Evlia?" Tanong ni Jeremy at nakikita ko ang pag asa sa mga mata nya.

Napaisip ako. Medyo pamilyar pero parang wala naman akong nakilala na may gano'ng pangalan. Dahan-dahan akong umiling-iling.

"Teka, baka hindi pamilyar yung pangalan na ginamit nya. Ito nakikilala mo ba sya?" Ipinakita nya sa'kin ang picture ng isang babaeng napakaputi.

Pula ang buhok nito na may pink and green highlights. Sa picture ay nakasuot sya ng isang pink na dress na may red na belt at green na platform shoes. Nakaupo sya sa picnic table at nakatingin sya sa harapan habang nakakindat. Mukha syang manika. Pinagmasdan ko nag maigi ang picture dahil parang kilala ko nga ang babae. Nung una ko pa lang makita ang buhok at pananamit nya ay naalala ko kaagad ang isang strawberry. Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip.


"Oo! Kilala ko nga sya! Bestfriend ko sya si Velia!" Napasigaw ako dahil sa sobrang tuwa. Hindi ko pa sya nakikita dahil ilang araw na syang absent tapos ngayon naman napunta ulit ako dito sa DreamLand.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fangirl In DreamLandWhere stories live. Discover now