Dream 24

104 55 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





-Hilary-

Hindi pa nag uumpisa yung klase pero parang gusto ko na umuwi–ay hindi lang parang, gusto ko na talaga umuwi. Mas nakakaboring dahil wala pa rito si Velia. Hindi naman ako pinapansin ng mga kaklse ko na naunang pumasok sa akin. Dahil siguro hindi ako maganda gaya ni Velia? Kakausapin lang naman nila ako kapag may kailangan sila sa akin. Lagi naman silang ganyan. Sa tingin ko nga hindi na sila magbabago.

Hindi manlang nag text o nagchat sa akin si Velia. Hindi ko tuloy alam kung ano naman ang dahilan nya ngayon at hindi na naman sya pumasok. Parang dati naman hindi sya pala absent. Madalas nga syang nasa top 10 pero ngayon patuloy na bumababa yung grade nya sa ibang subject dahil sa pag absent nya sa klase.

Napansin ko lang na nagiging sakitin na sya. Dahil na rin siguro sa hindi nya pagkain ng mga gulay at prutas. Mapili kasi talaga sya sa pagkain. Pero kapag nakapili naman sya ng gusto nyang kainin ay napaka wierd na mga kombenasyon ng mga pagkain.

"Hilary, may assignment ka na sa math?" nahihiyang tanong sa akin ni Maya.

Hindi naman sya katulad ng iba na nandito. Lumalapit naman sa akin itong si Maya kahit pa wala si Velia sa tabi ko. Nakasalamin sya at maikli ang buhok na aabot hanggang balikat. Payat din sya gaya ko kaya madalas kaming asarin ng mga kaklase namin. Kunting ihip lang daw ng hangin matutumba na kami pareho. Pero syempre hindi lang namin sila pinapansin. Hindi naman kasi talaga dapat pansinin ang mga papansin. 

"Ha? May assignment sa math?" Nagtataka kong tanong saka hinalungkat yung bag ko.

Mabilis kong binuklat yung green notebook ko at napapikit ng mariin ng makitang may assignment nga. Shocks! Bakit ba napakalutang ko na?!

"Don't worry. Papakopyahin naman kita ng assignment ko. Heto," nakangiting wika ni Maya saka inabot sa akin yung math notebook nya na kulay blue.

Umiling naman ako sa kanya. "Hindi ko gusto ang  pangongopya. Pero kung ok lang sayo pwede ba na turuan mo ko kung paano sagutan yung nga problem?"


Tumango naman sya at saka naupo sa gilid ko. Halos parehas lang kami ni Maya. Hindi rin kasi sya nilalapitan ng iba naming mga kaklase. Hindi naman sya wierd. Sadyang nasubsob lang sya sa pag aaral.

"Alam mo, maraming gustong magpagawa sa akin ng assignment. Kaso ayoko silang tulungan. Nakakainis kasi sila," seryosong saad ni Maya na nakatingin sa akin habang nagsasagot ako.

"Ganoon naman kasi sila palagi. Lalapit lang kapag may kailangan. Hindi ka na nasanay," natatawa kong wika saka muling nagsagot.

Ngayon ko lang nakasama ng mas matagal si Maya. Dati kasi nag uusap lang kami tapos aalis na rin sya. Wala syang ibang kaibigan dito kundi ang libro. Kaya nga nakilala namin sya last year kasi napapadalas kami ni Velia sa library. Mabait naman si Maya kaso lang depende sa tao. Kapag alam nya na lalapit ka lang kapag may kailangan ay agad na syang umiiwas. Kasi alam nyang walang maidudulot sa kanya ang mga ganoong tao. Sana kaya ko rin ang ginagawa nya. Ako kasi kapag may nagpapatulong sa akin hindi ako tumatanggi. Hindi naman sa ayaw ko silang tulungan. Minsan kasi pang-aabuso na yung ginagawa nila. Pero hindi ako makatanggi kasi ayoko naman na may kaaway ako. Ayoko na masabihan ako ng kung anu-ano.

"Bakit nga pala wala si Velia?" Tanong ni Maya habang kumakain ng ice cream.

"Hmm..Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanya. Lulubog lilitaw ang ganap nya ngayon," sagot ko saka sumubo ng siomai rice.

Natawa naman si Maya sa sinabi ko. "Ano yun? Araw?"

"Parang ganoon na nga. Bigla kasi syang aabsent tapos may mga panahon na present sya pero late lang," sabi ko saka napaisip.


Ano kayang ginagawa ng barbie doll na iyon para malate at umabsent sya? Sana naman wala syang ginagawang kalokohan.

"Nga pala, pwede mo ba akong samahan sa library mamaya?" Tanong ni Maya kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Sure,"mabilis kong tugon. "Nakakamiss na rin kasi ang amoy ng mga libro."

Muling tumawa si Maya. "Hindi ko na namimiss yun. Suki na ako sa library. May ibabalik lang ako ngayon."

Matapos ang klase ay inantay na muna ako ni Maya kasi nga cleaners ako. Hindi ako pwedeng tumakas sa paglilinis kasi may nagsusumbong ng mga hindi naglilinis sa klase namin. Matapos mag linis ay inayos ko na yung mga gamit ko. Napansin ko na may nahulog do'n sa notebook na picture. Kaagad ko namang kinuha iyon at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ito kasi yung picture na magkasama kami ni Zane sa photobooth. Ang cute namin tingnan sa picture na 'to. Ilang araw na rin ang nakalipas ng makita ko sya.

Minsan umaasa ako na bigla na lang syang susulpot sa kwarto ko kaya hindi na ako lumalabas ng kwarto. Pero hindi naman sya dumating. Gano'n ba talaga kapag inaantay mo? Minsan di na sumisipot? Ano 'to? Naghosting na ba ako? Gusto ko na sya makita ulit. Pero di ko naman alam kung ano ang gagawin ko para lang makita sya.

Matapos na maglinis ay dumiretso na kami ni Maya sa library. Pagpasok pa lang ay nilanghap ko na kaagad ang amoy ng mga libro. Tumambay muna kami ni Maya sa library at nagbasa ng kaunti. Ang saya rin pala talagang kasama ni Maya. Sana makasama namin sya ni Velia. Kasi naman madaldal si Velia kaya nakakakuwentuhan talaga namin sya ni Maya.




Pag labas ng gate ay nagkahiwalay na kami ng dadaanan ni Maya dahil iba yung sakayan nya pauwi. Habang nag aantay ng jeep na masasakyan ay nakita ko yung batang lalaki na may dalang pusa na orange ang kulay. Hinahaplos nya ang balahibo nito habang naglalakad. Ang cute nya pati na rin yung pusa.  Kaso biglang tumalon yung pusa at dumiretso sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam pero kusang gumalaw yung katawan ko at mabilis na nagpunta sa pwesto ng bata pati ng pusa. Mabilis kong hinarang  ang sarili sa kanila. Niyakap ko sila pareho.  Nakarinig naman ako ng mga busina galing sa mga sasakyan na dadaan na sana. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang ligtas naman yung bata pati na rin yung pusa na dala nya.


Muli akong tumayo at hahakbang na sana kaso naramdaman ko na naman ang kakaibang bigat. Para bang may dala akong metal sa bag ko. Napapakurap na rin ako dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid at unti-unting lumalabo ang lahat. Patuloy na bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kakaibang pakiramdam na ito. Hindi ko maipaliwanag basta kakaiba. Ang huli ko nalang narinig ay ang sigaw ng mga tao. Hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang aking paningin at wala na rin akong kahit na anong naririnig.


Para akong  nahuhulog ako sa walang hanggang kadiliman. Ano nga ba itong nangyayari? Bakit ba ganito?

_______




Author's Note:

Annyeong! Sorry po kung matagal akong hindi nakapag update. Finals kasi namin nitong mga nakaraang week at ngayon lang ako ulit nakapag wattpad😂. So ayun baka matagalan ulit ako sa pag update kasi aayusin ko rin yung iba ko pang story.

Salamat po sa mga nagbabasa at nag aantay pa rin ng update ko. Luv lots💕💕




Fangirl In DreamLandWhere stories live. Discover now