Dream 03

184 83 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


-Hilary-

Nakangiti pa ako habang nakatingin kay Zane na mahimbing na natutulog ng biglang may kumatok sa pinto.

"Zane gumising ka na maghahapunan na tayo!"Sigaw ng mama nya.

"Uy Zane.."bulong ko sa kanya pero ni hindi manlang sya kumibo.


"Zane, yung mama mo nandyan. Gumising ka na!"pasigaw kong bulong.

Napadilat naman sya kaagad at kinusot ang kanyang mga mata.


"Hoy! Zane buksan mo nga itong pinto. Hindi mo nanaman nilinis ang kwarto mo ano?!"Muling sigaw ng mama nya sa labas.


"Nilinis ko na ma! Sandali lang bubuksan ko na,"wika naman ni Zane saka tumingin sa akin at sumenyas na magtago ako sa ilalim ng kama.



Habang nasa ilalim ako ay nakita ko ang pagbukas ng pinto at yung kulay puting tsinelas ng mama ni Zane.


"Aba! Mukhang naglinis ka nga. Halika na sa baba. Kakain na tayo,"wika ng mama ni Zane.

Napasimangot naman ako. Ako nagpakapagod maglinis tapos si Zane lang ang pupurihin? Pambihira naman oh.

"Teka nga. Nilinis mo ba pati yung ibabaw ng kabinet at  ilalim ng kama mo?" Tanong ng mama nya saka pumasok pag lalo sa kwarto at lumapit sa kama.

Napatakip naman ako ng bibig. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay dahil malalagot ako kapag nalaman nilang nandito ako.

"Syempre naman ma nilinis ko na lahat. Sige na ma, alis ka na. Baba na lang ako,"saad ni Zane at saka pinilipit ang mama nya na lumabas na ng kwarto.

"Sige bilisan mo ah. Baka lumamig na yung pagkain,"wika ng mama nya.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng muling isara ni Zane yung pinto.

"Pwede ka ng lumabas."


Paalis na sana ako sa ilalim ng kama ng makita yung green na sapatos na nasa ilalim lang ng side table. Umusog ako at kaagad ko iyong  kinuha. Hindi ko 'to napansin kanina ng naglilinis ako.

"Ahm..may nakita ako–"


"Uy! Kay Jeremy yan! Hindi mo naman sinabi na ikaw lang pala ang kumuha." Sigaw nya saka kinuha mula sa kamay ko yung sapatos.

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Sira ulo talaga 'to.

"Hoy! FYI lang naman hindi ko kinuha yan. Nasa ilalim lang yan ng side table mo. Napakaburara mo kasi,"sabi ko saka umirap.


Magsasalita pa sana si Zane pero muling sumigaw ang mama nya kaya dali-dali na syang lumabas ng kwarto at iniwan ako.

Humiga na lang muna ako sa kama ni Zane saka pinagmasdan yung kisame nya. Mas malinis na ngayon dahil nga syempre nilinis ko. Hindi ko napansin yung mga glow in the dark na stars na nakadikit sa kisame kanina. Napakadumi kasi. Hindi na makita dahil sa dami ng alikabok.



Fangirl In DreamLandWhere stories live. Discover now