Dream 05

170 75 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





-Hilary-

Habang nakatingin sa kisame ay napansin ko na parang umiikot ang lahat. Napakusot  ako ng mata at nakita na unti-unting lumalapit sa akin ang kisame.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang nakadikit na sa kama. Teka?! Nananaginip na ba ako?

Malamang Hilary! Hindi na normal mga nakikita mo! Ano ba itong nangyayari sayo self? Promise! adik lang ako sa Kpop pero hindi ako adik sa drugs.

Ilang sandali lang nararamdaman kung parang nahuhulog ako. Napapikit ako dahil parang bumabaliktad yung sikmura ko. Ayoko talaga yung pakiramdam na para akong sumakay sa isang roller coaster na patuloy na umiikot-ikot.  Parang gusto kong kumanta ng Roller Coaster by Chungha. Kaso di ko pala kaya kasi nahihilo na ako sa nangyayari sa akin.

Napayakap ako sa sarili ng makaramdam ng kakaibang lamig. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sobrang lamig. Nangangatog man ay pinilit kong dumlilat. Sa pagdilat ay bumungad sa akin ang isang puting kisame  na may yelo. Naupo ako at pinagmasdan ang paligid. Nababalot ng yelo kahit saan. Matataas ang estante na may mga karne at iba pang pagkain. May nahuhulog din na mga nyebe sa kisame. Aakalain ko talaga na  nasa Antartica ako kung hindi lang may mga pagkain na narito.

Tumayo ako ng dahan-dahan at naglakad paabante. Nakayakap pa rin sa aking sarili habang  tumitingin-tingin sa paligid. Para akong naglalakad sa isang napakalaking freezer.

Nagpalakad-lakad lang ako at umaasang mahanap ang daan palabas. Nanghihina na ako at sobrang nilalamig. Kanina pa ako nagpapalakad-lakad pero hindi ko makita yung daan palabas. Nahihirapan na rin ako huminga dahil sa lamig. Pakiramdam ko ilang taon na akong naglalakad dito.

Nanlalabo na ang paningin ko at iika-ika na ako kung maglakad.  Napaluhod na ako dahil sa panghihina ng may makita akong ilaw. Mula sa ilaw ay may nakita akong imahe pero masyado ng nanlalabo ang paningin ko.

Tuluyan ko ng naramdaman ang kakaibang bigat kaya naman natumba na ako. Pero bago pa man ako tuluyang matumba sa malamig na sahig ay may naramdaman akong sumalo sa akin.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko. Pinipilit kong gumising pero hindi ko na talaga kaya. Ayokong malagutan ng hininga rito!

~•~•~•~


Naramdaman kong may mainit na hangin ang dumampi sa pisngi ko. Napangiti ako sa init ng hangin. Parang hindi ko na nararamdaman yung lamig at panghihina.

Huminga ako ng malalim at dumilat. Hindi ko naman kasi alam kung nasaan ako. Ang huli kong naaalala ay yung nasa loob ako ng isang malaking freezer.

Bumungad kaagad sa akin ang isang napakaeleganteng chandelier. Napakurap ako at tiningnan yung sarili ko. May makapal na pulang kumot  ang nakalagay sa akin at may nakatapat na malaking electric fan na pa-square ang hugis. Nasa may paanan ko ito pero naabot pa rin naman sa mukha ko ang  ibinubuga nitong hangin.

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon