13- Against Her Mom

Comenzar desde el principio
                                    

"Pero--"

"Wag ka nang mag-alala, Ni. Hindi ka dapat mag-alala." I gave her an assuring look and smile.

Pilit naman siyang ngumiti at tumango.

Akala ko, okay na, pero hindi pala. Pinapakinggan pala kami ni Mama Marlene kanina pa, at mukhang alam ko na ang tumatakbo sa isip niya.

"Hay nako," panimula niya pero para bang wala lang sa kanya ang pagsasalita niya. Prente lang siyang nakaupo habang nagpapamasahe pa rin kay Thek. "Sabi ko naman kasi sa'yo, Marley, dun ka nalang sa mas may kaya. Si Frank. Mas masarap sana ang buhay niyo at hinding hindi ka magkakaproblema."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahang 'yon ang lalabas sa bibig niya. Medyo nakakabastos kasi sa'kin. Kumbaga, below the belt na. Para sa kaalaman niya, may kaya naman ang pamilya namin. Mayaman pa nga. Pero syempre, pamilyado na ko. Pinipilit kong magpaka-independent na tustusan ang pangangailangan ng pamilya ko. Para saan pa't may trabaho ako at kumakayod nang maghapon? Nakakabastos, di ba?

"Hay. Ayan, pati tuloy itong pagpapa-ospital sa anak niyo, problema na," pagpapatuloy pa rin niya. "O? Pano kayo niyan ngayon? Tsk. Kawawa naman yung anak niyo. Baka mamaya hindi pa matuloy yung mga tests sa kanya dahil dyan."

Hindi na ako nakapagpigil. Masyado na kasing mocking ang tono niya. "Gaya nga po ng sinabi ko sa asawa ko kanina, wala po tayong dapat ipag-alala. Kaya ko pong bayaran 'tong mga gastusin sa ospital. May kinikita po ako at may ipon din." Sige, Trey, kalma. Galangin mo siya. Nanay siya ng nanay ng mga anak mo.

"O, ano pagkatapos? Mauubos pati ipon mo. Pano kayo pagkatapos? Tsk. Kawawa naman ang anak at mga apo ko."

Ay naman! Bwiset! Ang hirap nang kumalma, ah.

"Mama, hindi ko naman po papabayaang mangyari 'yon. May magandang trabaho rin naman po ako na mapagkukunan ng panustos namin."

"Ewan ko sa'yo. Wag kang puro salita. Sana pinapatunayan mo."

Pucha? "Pinapatunayan ko naman po eh, di ba? Ginagawa ko po ang lahat para sa mag-iina ko. Nagtatarabaho buong araw kahit ang sakit sa mata, likod, at kamay. Lahat ginagawa ko oara sa kanila." Wala na. Sa unang pagkakataon, nakapaglabas din ako ng saloobin ko namg ganito. "Lahat din ho ginagawa ko para mapakita sa inyo 'yon... kung gaano ko kamahal ang anak niyo at ang pamilya ko... na hindi kayo nagkamali na hinayaan niyong makasal kami kahit ayaw niyo. Gustung gusto kong mapakita na mali kayo ng pagkakakilala sa'kin."

Medyo natahimik siya pero masama pa ri ang tingin niya sa'kin.

"Sana rin naman ho e bigyan niyo ko ng pagkakataon. Sana pilitin niyo ring tignan yon. Hindi yung puro mali ko lang ang nakikita niyo. Hindi yung kahit lahat naman ng pinakamabuti ang ginagawa ko, minamasama niyo pa." Nasobrahan na yata ako, pero hindi ko na mapigilan eh. Nakakapuno na kasi kahit papano.

"Aba? Ano, ako pa ba ngayon ang masama?" tanong niya, medyo mas tumaas din ang boses niya.

"Wala ho akong sinasabi," sagot ko sa medyo hindi kalmadong paraan. "Ang sa'kin lang e hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng ulo niyo sa'kin, kung bakit ayaw niyo sa'kin kahit na ginagawa ko nga lahat ng makakaya ko."

"Hindi mo pa rin ba maintindihan?" tanong niya sa'kin. "Kasi hindi kita gusto. Ayoko sa'yo kaya ayaw rin kita para sa anak ko. Hindi ikaw ang lalaking bagay at para sa anak ko. Maraming iba dyan--iba at hindi ikaw."

Ramdam ko ang matinding pagkamuhi niya sa'kin sa tono ng pananalita niya. Ayaw niya sa'kin kaya ayaw din niya ako para sa anak niya. Hindi kungkretong dahilan pero namg sabihin niya e ang lakas ng tama sa'kin. Ayos. Hindi ako gusto ng biyenan ko para sa anak niyang pinakamamahal ko. Hindi niya ako gusto kahit ginagawa ko naman ang lahat magustuhan niya ko. Binigay ko naman lahat ng pag-unawa, paggalang, at pagmamahal, pero wala talaga. Ayaw niya sa'kin. Tang ina. Ayos talaga. Paksyet.

"Pwes, isipin niyo nalang din na pareho lang tayo," sabi ko naman sa kanya. "Para ho sa kaalaman niyo, nangarap din ako ng biyenan na makakaintindi at makatatanggap sa'kin nang buong puso. Hindi yung byenan na pagtyatyagaan ko kahit na tintapakan na ang ego ko, kagaya niyo. Kung ayaw niyo ng manugang na gaya ko, pwes ayoko rin ho ng biyenan na kagaya niyo."

Nanlaki ang mata niya sa narinig niya. Maging ako, nagulat sa lumabas sa bibig ko. Bugso ng damdamin? Siguro. Pero naiinis at nasasagad na talaga ako.

"Trey," saway na rin sa akin ng asawa ko. Hindi na rin maganda ang tingin niya sa'kin nang lingunin ko siya. Hindi rin yata niya nagustuhan ang inasal ko.

"Sorry," salita ko nalang at lumabas na sa kwartong 'to.

-tbc

A/N:

Haluhh? Hahaha. Iba talaga nagagawa ng impromptu writing. Impromptu writer ako eh. Hahaha! Nadagdagan ang plot ko. Yay.
Dedics? Naaalala ko kayo. Dont yah worry. In time, mabibigyan din kayo. Tuma-timing lang ako ng chapter for you, guys.
Thanks for reading! Leave comments!
Love love, Naomi ❤

Dealing with Forever [completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora