Unknown XXVII

108 6 0
                                    

Sorry guys late na ang update pero enjoy.


Third-person POV.

PATULOY ang madugong labanan sa pagitan ng Nightstorm pack at ang mga rebeldeng rogue. Madami ng namatay at nasugatan kabilang na ang alpha na si Casper. Madaming sugat at punong puno ng dugo pero patuloy pa rin lumlaban.

"Alpha, Alpha!!!" muntikan pang masaktan ni Casper ang tumawag sa kanya kung di nya lang naamoy na hindi ito rebelde.

"Ano yun??" Tanong nya dito habang patuloy pa ring lumalaban.

"Nawawala ang mag-ina ko kakapanganak pa lang ng aking mate!!" rinig sa boses nito ang takot at pangamba para sa sariling pamilya nito.

At pati ang Alpha ay nakaramdam ng takot dahil kilala ang mga rogue na nagnanakaw ng mga bagong panganak para sanayin at gawin rogue o kaya ay malala ay kainin ang mga iyon.

Magsasalita sana si Casper ng biglang makarinig ng pagsigaw na humihingi ng tulong.

"TULONG, TULONG!!" sigaw ng isang babae na may dalang dalawang bata. May agad na lumapit dito para protektahan ito mula sa mga rogue.

Agad nyang binalingan ang lalaking lumapit sa kanya. "Oh sige hanapin mo si miguel magpatulong ka sa kanya hindi ako maaaring umalis basta basta rito." Sabi ni Casper sa lalaki na agad namang tumango. Magsisimula na sana itong hanapin si Miguel ng biglang nakarinig sila ng malakas na pag ungol sabay ng pagtalsik ng ibang mga rogue.

Agad na napatingin ang lahat sa isang babae na unti unting nagbabago ang anyo hanggang sa maging lycan ito.

Marami ang nagulat at natakot dahil dalawa na ang lycan na kayang kaya silang patayin sa isang pikit mata. Pero ganun na lang ang gulat nilang ng biglang sumugod ang babaeng lycan sa isa pang lycan na si kill. Ang mga malalapit na wolf sa dalawang lycan ay agad agad na lumayo kahit ang mga rogue ay lumayo din sa takot na madamay sila sa paglalaban ng dalawang nilalang.

Dahil may dalawang nilalang na kinakatakutan ng lahat ang nasa harapan nila ay may mga tumakas na mga rogue habang ang iba ay lumayo at patuloy na nilabanan ang ibang mga wolf.

"San kayo pupunta mga duwag!?!?" Sigaw ni Myra sa mga rogue na tumatakas. Pero parang walang narinig ang mga ito at patuloy pa rin sa pagtakas.

May naiwan pa ring mga rogue pero kalhati na lang sa unang dami ng rogue na sumugod. At kinuhang pagkakataon iyon ng mga taga nightstorm para pagtulungan ang mga natitirang rogue at halos maubos na ang mga ito.

"Mawala na kayo mga rebelde!!" di nito natuloy ang pagpatay sa rebelde ng patayin ito ni myra.

"Bwiset!!" sabi nito pagkatapos patayin ang isang wolf ng nightstorm. Bumaling din sya sa rogue saka ito pinatay.

"Walang silbi..." inis nitong sabi saka tumingin sa paligid. Alam nya na marami ng namatay sa rogue na kasama niya pero wala syang pakialam sa mga ito dahil gusto nya lang namang maghiganti.

Napangiti sya ng makita nya ang dating alpha na si Hendrick. Kita nyang may tinutulungan itong ka myembro nito mula sa atake ng mga rogue. Agad nya iyong kinuhang pagkakataon para sugudin ito.

Nagulat ang dating alpha na si hendrick dahil sa biglang pagsugod sa kanya ng hindi nya kilalang nilalang pero ng oras na makita nya ang mukha nito ay syang galit ang agad nyang naramdaman.

"Ikaw..." nanggagalaiting sabi nito kay Myra habang ang babae ay malaki ang pagkakangiti na lalong kinagalit ni Hendrick.

"Namiss mo ba ko Hendrick.." may lambing sa boses nito pero alam ni Hendrick na walang katotohanan sa sinasabi nito.

UnknownWhere stories live. Discover now