Unknown XXVI

109 5 2
                                    

Casper POV. 

Nakita ko si ina na palapit kay ama kasama nito si Mike isa sa pack member namin at isang babae. Hindi ko kaagad nakita ang itsura nito dahil agad itong umalis. Siguro ay siniguro lang nitong maayos si ina pero hindi na iyon mahalaga.

"Ina ayos ka lang ba?" tanong ko rito ng ako ay makalapit.

"Oo ayos lang ako pero---" hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng makarinig kami ng malakas na tunog at kasabay noon ay ang mabilis ng pagsugod na isa.

Napakabilis ng mga pangyayari kaya halos hindi ko na namalayang may isa na namang tumalsik.

"HAHAHA!! Akala nyo ba ay matatalo nyo ko gamit ang mahihina nyong mga kakampi WAHAHA wag kayong----" natigil ito sa pagsasalita hanggang sa nakita ko na lang na nakayuko ang lycan.

"Wag ka munang magsalita ng tapos.." Rinig kong sabi ng isang babae.

Hindi ito nanggaling sa pack o kahit saan man pero siguradong hindi sya kalaban dahil nakita ko syang tumulong sa isa sa mga pack members ko.

"Aba buhay ka pa din hanggang ngayon" Nakangising sabi ng lycan. Hindi ko ito kilala pero sa tingin ko ay sya ang tinatawag na si kill.

Si Kill ay sinasabing rebeldeng nilalang. Pinapatay nito ang kahit sino lalo na pag hindi nito gusto. Pero sa tingin ko ay wala kaming nagawang kung ano man sa kanya o atrasao kaya nakakapagtaka ang pagsugod nya.

Napabalik ako sa wisyo ng makarinig ako ng malakas na pagsabog.

Siguro ay kailangan kong itungo ang atensyon ko muna sa iba dahil hindi lang si Kill ang kalaban...


3rd person POV.

Patuloy ang madugong labanan sa pagitan ng mga rebeldeng lobo at ng Nightstorm pack . Marami na ang namatay sa parehong panig at parehong walang gustong sumuko.

At ganun din ang laban sa pagitan ni River, Raine at Kill. Habang patuloy na naglalaban sina Raine at kill ay sya namang dahan dahang pagbangon ni River mula sa pagkakahampas nya sa puno.

"Awww.." sabi ni River. Medyo nahihilo pa ito pero pinilit nya ang sarili na makatayo.

Ng medyo stable na ang kanyang tayo ay agad nyang tiningnan si Kill at nakita nyang kalaban nito mula ang kanyang kapatid.

Agad syang kumilos para puntahan ang mga ito pero agad din syang napatigil ng may nahagip syang mga rogue na may dala dalang mga bata at sanggol habang may humahabol ditong dalawang babae na sa tingin nya ay syang magulang ng mga bata.

Tumingin ulit sya sa kanyang kapatid at pumikit saka pinuntahan ang dalawang rogue.

Ng maabutan nya ang dalawang rogue ay agad nyang hinawakan sa buntot ang dalawa dahilan para mapadapa ang dalawa. Buti na lang ay sa dayami napadapa ang dalawa kaya siguradong ligtas ang mga bata.

Nagpumiglas ang dalawa pero ang isa ay nakawala at ang isa ay nakadapa pa din.

"Ikaw muna ngayon mamaya na yung isa.." sabi ni River sabay hila ulit sa buntot at sa pagkakataon na yun ay nabitawan na nito ang dalawang bata dahil na rin hinawakan na ito ng ina ng mga ito.

Babangon pa sana ang rogue at lalaban pero mabilis na pinilipit ni River ang ulo ng rogue hanggang sa nabunot iyon.

Tumingin sya sa babaeng may hawak sa dalawang bata na ngayon ay nakayakap sa dalawa.

Ng tumingin ito kay River ay saka ito nagsalita.

"Kaya mo na bang dalhin ang mga bata sa pack nyo?" Tanong nito sa babae. Tumango naman ito kaya wala ng sinayang na oras si River at sumunod sa isa pang rogue na may dala naman ng sanggol.

Alam nyang malayo na ang mga ito pero hindi sya magiging Lycan kung mas mabilis pa sa kanya ang isang mahinang nilalang. Kaya kahit malayo na ito ay naabutan nya ang rogue pero may kasama na ito na iba pang rogue at pinapaligiran na nito ang isa pang babae na humahabol din dito at isa pang wolf na handang kumilos.

Ng makita ni River na sinugod ng mga rogue ang dalawa ay agad pumunta si River sa mga ito ay sinalag ang mga atake ng mga Rogue agad nyang sinentro ang rogue na may dala ng sanggol saka mabilis na kinuha ang bata sabay sipa rito ng malakas dahilan para tumalsik ito. Nakita nya ang pag urong ng ibang mga rogue kaya dali dali syang pumunta sa dalawang taga nightstorm.

Kita ni River na sugatan na ang lalaking wolf kaya dahan dahan kong ibinigay ang kanina pang umiiyak na sanggol sa ina nito saka nilapitan ang sugatang wolf.

Kita ni River na madami itong sugat pero ang pinakamalala ay ang bale nitong isang paa lalo na at nagbalik ito sa anyong tao.

Agad hinawakan ni River ang pulso ng lalaki saka pinakiramdaman kong may pulso pa ba ito.

Meron pa naman pulso ito pero humihina dahil na rin sa tinamo nyang mga sugat at bale.

"AHHHH!!" sigaw ng babae kaya di na nagdalawang isip na tumayo at humarap sa mga rogue saka nag ipon ng hangin saka malakas na umungol dahilan para tumalsik ang mga ito sa malayo.

Lumingon muli si River sa dalawa at kita nya gulat sa mukha ng babae.

Muli syang lumuhod sa harapan ng lalake para sana buhatin ito pero naalala nya ang mag ina kaya wala syang nagawa kung hindi ang magbago ng anyo.

"AHHH!!" sigaw muli ng she wolf.

"Pwede ba tumigil ka sa kaka sigaw dahil masakit sa tenga" Iritang sabi ni River sa babae kaya agad na napatikom ang bibig nito.

Kinuha nya ang lalaki saka maayos na isinampa sa likod nya habang nakaalalay ang kanang kamay para hindi ito malaglag tyaka binalingan ang mag ina.

Kita nya ang takot sa mukha nito pero di nya iyon pinagtuunan ng pansin at saka inilahad ang kamay rito habang naka luhod.

"Sumampa ka sa likod ko" Sabi nito sa babae. Nagdadalawang isip man ay sumunod din ito.

Ng makasampa na ito ay saka ko kinuha ang sanggol "Baka mahulog lang kayo kapag hinayaan kong hawak mo sya." Tumango naman ito kaya gamit ang dalawang malaking kamay ay hinawakan nya ang dalawang wolf nasa likod nya saka marahang hinahawakan ang sanggol na nakatulog na pala.

"Humawak kang mabuti dahil mabilis ang pagtakbo ko" Mahinahong sabi ni River sa ina ng sanggol.

Yumuko ng kaunti si River upang maka bwelo saka nagsimulang tumakbo pabalik sa Nightstorm.






--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Oct. 20, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now