Unknown XIX

108 5 0
                                    

River POV.

PAGKATALON ni ate sa harap ng mga rogue ay saka naman ako tahimik pero mabilis na tumatalon sa mga puno hanggang sa makarating ako sa puno na nasa likod ng mga rogue may dala sa babae.

"Teka bat ang dami nyo?" umangol naman ang mga rogue na parang binabalaan ito na umalis kung hindi ay patay ito. 

Siguro mas magandang manuod muna ako sa kung anong gagawin ni ate.

"Aba tapang nyo naman, galit kagaad galit" sabi nito habang nakahawak sa dibdib na parang nagulat.

Patuloy lang sa pag-angil ng mga rogue. Mukhang galit na galit ang mga ito.

May sumubok na tumakbo pero agad na nakasipa ng medyo malaking bato si ate na dahilan para mawalan ng malay ang rogue. Napalakas siguro ang sipa sa bato.

"Bakit ba kayo nagmamadali may pupuntahan ba kayong party at ang dami nyo? O baka meron kayong papanuodin na wolf fight baka pedeng sumama? kung okay lang naman kasi hindi pa ako nakakapunta sa ganun----" 

Napatigil si ate sa pagsasalita ng biglang may sumugod dito pero nailagan naman nito at nagsunod sunod naman ang pagsugod kay ate habang ako ay tahimik na pumunta sa rogue na may dala ng bihag ng mga ito.

Ng makababa ako sa likod ng mga iyon ay saka ko mabilis na binuhat ang bihag nilang babae, saka binali ang leeg ng rogue para hindi makapag ingay saka muli akong umakyat pataas ng malaking puno.

Ipinatong ko muna ang nilagtas naming bihag sa isang malaking sanga na may mga dahon na pedeng suportahan para hindi ito malaglag hindi ko masyadong matingnan ng ayos ang mukha nito dahil agad akong tumingin kay ate, ng makita ko si ate ay sumipol ako. Nang marinig nito ang sipol ko ay saka ito umurong saka malakas na umangal ito na dahilan para magtalsikan at nagsisalpukan sa mga malalaking puno ang mga ito.

Mabilis na tumalon si ate sa punong malapit rito saka sumenyas sakin para umalis na.

Dahan dahan kong kinaraga sa likod ko ang babaeng bihag kanina ng mga rogue saka mabilis na sumunod kay ate papunta sa bahay namin.

Kahit di ko pa nakikita ang mukha ng babae ay may nararamdaman ako koneksyon at kumportable dito.

Malalaman ko din kung bat ganito ang nararamdaman ko....




Casper POV

MABILIS kaming kumilos patungo sa dereksyong pinuntahan ng mga roque dahil nalaman namin kung san pumunta ang mga roque na kumuha kay ina. Matapos naming mag-usap buong pack ay humingi kami ng tulong sa witch na nakatira malapit sa nightstorm.

Agad naman noong nalaman kung san dumaan ang mga rogue kaya kasama ang halos kalahati ng mga pack guards ay mabilis naming sinundan ang mga iyon.

It's almost 24 hours after Myra abducted my mother at kinakabahan ako para sa kalagayan ni mommy.

Malayo na ang napupuntahan namin ng parang may nakikita ako, hindi ako sigurado parang mga wolves na nakahiga pero hindi ako sigurado.

Pero tama pala ang hinala ko dahil mga wolves nga ito at siguradong ito ang mga sumugod sa pack.

"Bakit nagkaganito ang mga ito na parang nagkaroon ng matinding laban rito?!" Nagkakatakang tanong ko sa sarili.

Hindi naman maaaring patayin ito ni Myra na pinuno ng mga ito dahil ang daming wolves na mga ito.

"Hindi ko alam kung anong nangyari rito pero kailangan nating hanapin ang mommy mo Casper baka naririto lang malapit dito" sabi ni ama kaya agad kong inutos na hanapin sa paligid ang luna na agad namang sinunod ng mga pack guards.

Lumuhod ako sa isang wolf na wala ng buhay tiningnan ko ang maaaring sanhi ng pagkamatay nito. 

Nang makapa ko ang likod nito ay ang laki ng injury nito. Bali halos lahat ng buto nito sa likod na parang inihampas ng pagkalakaslakas sa puno.

Pinuntahan ko ang iba at pare pareho lang ang dinanas ng mga ito. Siguradong malakas ang pumatay sa mga ito para halos pare pareho ang mangyari rito.

"Anong sa tingin mo ang nakalaban ng mga ito, dad?" tanong ko rito na nasa isang wolf din.

"Wala akong maisip na maaaring maging kalaban ng mga ito, wala pa akong nakikitang ganito.." Nagtataka din ako dahil ngayon lang din ako nakakita ng ganito.

"ALPHA, ALPHA!!"

Nakarinig ako ng tumatawag sa akin kaya napalingon ako saka ko napansin ang talong pack guards na may dalang dalang isang rogue na parang buhay pa.

"Alpha nakita namin ito na tumatakas kaya agad naming kinuha" napatango ako saka iniangat ang ulo ng rogue. Nakita kong papikit pikit ito.

"Rogue nasan ang luna na kinuha nyo?" may diin kong sabi.

Umubo muna ito bago sumagot. "Hi-hindi ko a-alam---"

"Wag ka nang magsinungaling rogue at hindi ako madadalwang isip na pahirapan ka bago kita patayin kaya magsalita ka na" gigil na gigil kong sabi dito.

"Hi-hindi ko ta-talaga a-alam may dumating na l-lang bigl-ang i-isang babae na kinal-aban k-kami pa-pagkatapos ay ki-kinuha n-ito ang l-luna n-yo----" hindi na nito natapos ang sinasabi nito ng bigla itong umubo at unti unting humihina ang tibok ng puso at nawalan ng buhay. Agad itong binitawan ng mga guards.

Isang babae at nagawa nito ang ganitong kalakas na pag atake at anong nilalang iyon kung ganun.

"So nandito pala kayo"

Agad kaming napalingon sa nagsalita at nakita ulit namin si Myra na may kasa kasamang iba pang rogue.

"Myra..." Galit na sabi ni dad.

"Siguradong nag-aalala na kayo sa mahal nyong Luna at nakakalungkot dahil may kumuha sa kanya pero siguradong patay na rin naman iyon dahil sa dami ba namang wolfsbane na itinurok dito at saka sa kumuha pa lang baka lasog lasog na ito haha"

Dad and I both roar at the same time that makes other wolves flinch because of our combined sound. Even Myra flinch but she immediately composed her self.

"Tanggapin nyo na lang na patay na ang luna nyo---" mabilis ko itong nilapitan at sinakal.

Hindi nakalapit ang ibang mga rogue na kasama nito dahil nalapitan kaagad ito ng mga kasama ko.

"Tumahimik ka bitch" mas diniinan ko pa ang pagsakal dito.

"A-ano pa b-ang inaasa-han n-yo n-na b-buhay pa a-ang pi-naka-mama-hal n-nyong l-luna b-ut s-sorry t-o s-say p-ero s-siguradong p-pat-ay na y-yun..." nahihirapn nitong sinabi kaya sa gigil ay hinapas ko sya ng pagkalakas sa lupa narinig ko pa ang pagkabali ng buto nito dahil ang mahalaga ay mapatay ko ito pero naramdaman ko na lang ang paglipad ko sabay bunggo ng likod sa puno.

Ilang bases ba akong babangga sa puno.

Agad naman akong nilapin ng isang pack guard at inalalayan. Nakita ko ang isang rogue na binuhat ang nawalang malay na si Myra saka umalis ang mga ito pero bago tuluyang makaalis ang mga ito ay nakita ko ang isang malaking Lycan na hindi nakakagulat na kakampi nina Myra. Nakita ko ang pag ngisi nito saka mabilis na sumunod sa mga rogue.

Bwisit...


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

June 2, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now