Unknown VIII

107 4 0
                                    

NANGLALAKI ang mata ko habang nakatingin kay ate Raine. Totoo ba to hindi ako nananaginip. Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako.

"Muka kang baliw" muli akong napatingin kaya ate

"I-ikaw ba talaga yan ate" nauutal kong sabi dito.

"Oo ako nga to sino pa ba?!" sabi nito saka kinuha ang baboy ramo sa likod na nakalimutan ko na "Sa bahay ko na lang ipapaliwanag ang lahat at doon ko na din sasagutin ang mga tanong mo" sabi nito kaya sumunod ako sa kanya.

Grabe talaga yung nakita ko kanina. Hanggang ngayon ay hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko. Takot, kaba halo halo na ang nararamdaman ko pero kahit ganun eh nagtitiwala pa din ako sa kanya.

"Ang layo ng narating mo buti na lang nasundan kita kaagad kung di baka hapunan ka na ng mga hyenas na yun, delikado pa naman sila lalo na at madami yung mga iyon" sabi nito.

Naalala ko na naman yung mga hayop na yun. Talagang natakot ako ng oras na yun pero buti na lang dumating si ate kahit na may nalaman ako sa kanyang hindi ko inaasahan. Kung siguro kaya ko ng mag shift kaya ko ng labanan yung mga hayop na yun.

Napatingin ulit ako kay ate Raine at narealize ko lang na kailangan kong maging malakas para hindi ako laging nagiging pabigat kay ate. Hindi naman sa lahat ng oras ay darating sya para iligtas ako o kung sino man na pwede akong iligtas. Wala na ko sa pack na isang tawag ko lang ay andyan na sila. Ito ang reyalidad ng labas, kailangan maging malakas ka. Matira matibay kung baga. Hindi ka mabubuhay ng mahina at nakaasa lang sa iba.

"Anong iniisip mo? " natigil ang mga iniisip ko at napatingin ako kay ate.

"Ha? "

"Sabi ko anong iniisip mo? Iniisip mo ba yung nakita mo sakin kanina?" huminga ito ng malalim saka nagsalita ulit "Wag kang mag-alala hindi ako mananakit ng katulad ng ibang mga lycans. May isip pa naman ako kaya wag mo ng isipin na sasakmalin na lang kita bigla" natatawa nitong sabi.

"Hindi naman yun ang iniisip ko. Iniisip ko lang na dapat maging malakas din ako kagaya mo. Hindi man ako nagiging fully na werewolf ay dapat maging malakas din ako dahil ayokong umasa lang sayo lagi dapat matuto akong makipaglaban at ipagtanggol ang sarili ko" tumigil ito kaya napatigil din ako sa paglalakad. Humarap sya sakin at saka pinatong ang kamay sa ulo ko.

Habang pinapat nya ang ulo ko ay nag sasalita sya "Tama, dahil hindi habang buhay eh darating ako para ipagtanggol ka" ginulo nito ang buhok ko saka inalis. Inis ko naman syang tiningnan pero tinawanan nya lang ako.

Agad syang tumalikod sakin saka nagsimulang maglakad ulit kaya sumunod na ko para makaabot sa kanya mabilis pa naman itong maglakad.

"Pagkarating natin ng bahay sasagutin ko ang tanong mo sa nangyari kanina. Saka kita kakausapin sa magiging pagsasanay mo tapos gagamutin natin ang sugat mo" tinap nito ang baboy ramo sa balikat "Hindi muna natin kailangang mangaso ngayon dahil malaki itong nahuli mo. Aabot ito ng 3 araw at dahil may mga iba pa kong imbak ay baka umabot yun ng dalawang araw kaya may limang araw ka para sa pagsasanay mo"

"Talaga" masaya kong sabi dito, tumango lang ito.

"Sa ngayon dahil pagabi na eh bukas na natin sisimulan ang pagsasanay mo" may narinig akong tunog nang tiyan kaya napatingin ako sa kanya "At magluto ka na rin pag dating nagugutom na ko eh hehe" sabi nito kaya napatawa ako saka sumagot ng oo.

NAKARATING na kami sa bahay ni ate. Nakita kong ibinaba nya ang baboy ramo sa lamesa sa kusina.

"Ako na ang bahala dito sa baboy ramo ikaw na ang bahala sa pagluluto. Maliligo lang ako kasi naaamoy ko pa rin sakin yung rogue na kalaban ko kanina" sabi nito at tumalikod na sakin.

"Ah anong nangyari dun sa rogue na kalaban mo? " tanong ko dito dahil nakalimutan ko na din yung rogue kanina.

Humarap ito sakin saka nag smirk "Wala mahina bagsak kaagad wahahaha" sabi nito na parang galing na galing sa sarili saka nagpatuloy papunta sa kwarto nito.

Napangibit na lang ako dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sa braso ko na may benda na. Ginamot kasi ako ni ate bago maligo ito. Nalimutan ko ngang may sugat ako dahil sa pagod na rin siguro. Agad ko na lang binalingan ang mga sangkap sa harap ko. Siguro adobo na lang ang lulutuin ko. Agad kong hinanda ang ingredients ng adobong gagawin ko.

Nasa kalagitnaan ako ng baghahalo ng adobo ng makarinig ako ng yabag kaya napatingin ako at nakita ko si ate na nagpupunas ng buhok gamit ang twalyang nasa balikat nito. Binalik ko ulit ang tingin ko sa hinahalo kong adobo.

"Malapit na ba yang maluto? " tanong nito.

"Oo ate konteng kulo pa eh maluluto na ito"

"Sige kukuha na ko ng kanin para mas mabilis na tayong makakain" sabi naman nya. Natuwa naman ako dahil sa sinabi nya dahil tinototoo nya talaga yung pantay na kilos dito sa bahay. Kagaya nito kapag nagluluto ako ng ulam ay sya naman ang kukuha sa kanin tapos kagabi ako ang nagluto sya naman ang naghugas ng pinagkainan namin. Kahit hindi na naman nya dapat ginagawa yun at dapat ako ang gumawa dahil nakikitira lang ako sa kanya eh ginagawa nya pa din. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay ate Raine.

"Ang sarap talaga ng luto mo, blessing in disguise din pala ang pagkakakita ko sayo dahil lagi akong busog" sabi nito habang ngumunguya "San ka nga pala natutong magluto talaga maliban sa mga nag aayos sa pack nyo?"

"Ah yung nag turo kasi talaga sakin eh yung mga kumupkop sakin kaya marunong ako ngayong magluto"

Tumingin sakin ito "Kumupkop?"

"Di kasi tunay na magulang yung kasama ko ngayon kinupkop lang nila ako ng makita nila ako sa may ilog malapit sa pack ko dati" paliwanag ko dito.

"Nakapagpaalam ka ba sa kanila nung umalis ka? " tanong nito. Umiling ako.

"Yung nga hindi ako nakapagpaalam dahil di ko na rin naisip yun" naalala ko na naman yung nangyari nun. Yung pang-aakusa sakin kahit mali ang sinabi nila, ang pag sasabi ng mga masasamang salita at ang hindi paniniwala at pagtanggi sakin ng sarili kong mate.

"Siguro inggit talaga sayo yung iba mong kasama kaya sinabi nila yun sayo" sabi nito "Eh nakita mo na ba ang mate mo? Di ba 18 ka ngayon so pedeng makita mo na yung mate mo" agad kong naalala si Casper. Hindi ko kasi sinabi yung tungkol kay casper hindi ko alam kung bakit di ko sinabi. Siguro dahil nahihiya ako sa pagtanggi ni Casper sa sinabi ko noon.

"Sa totoo lang nakita ko na ang mate ko... " tumigil ako kasi parang maiiyak ako kapag talagang naaalala ko yung nangyari noon.

"Oh eh bat iniwan mo sya?" tanong nito.

"Kasi-" Sasagot na sana ako ng makita ko syang nag sign na tumahimik ako saka sya tumingin sa labas.

"May mga rogue malapit dito kaya kailangan natin silang iligaw para di nila makita itong bahay ko" mahinang sabi nito. Pinakinggan ko pero wala akong marinig.

"eh anong dapat nating gawin? " tanong ko na lang dito ng tahimik din

"Dito sa pinto ng kusina tayo dadaan iikot tayo papunta sa pwesto nila. Nasa west part ng bahay yung mga rogue kaya kailangan na nating mag madali" sabi nito saka dahan dahang naglakad papunta sa pinto kaya sumunod ako sa kanya.

"Wag kang hihiwalay sakin dahil kahit tatlo lang ang naririnig ko ay malalaki ang mga ito at delikado kapag bigla nilang sinugod ang bahay ko"

Kinuha nito ang knife na dala nya kanina saka iniukbit ito sa bulsa ng pants nito habang ako naman ay kinuha yung pana para maging sandata ko.

"Maghanda ka dahil lalaban ka na ngayon.. " sabi nito kaya tumango ako saka kami nagsimula sa plano namin.







May 16, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now