Unknown IV

119 3 0
                                    

LUMIPAS ang isang buwan mula ng makarating sina Casper ay iniwasan na nya ito dahil na rin sa nangyari, hindi dahil sa hiya kung hindi para pigilan ang sarili na ipilit dito na sila ang itinadhana ng moon goddess para sa isa't isa. Ayaw naman nya na ipilit ang sarili nya lalo at ayaw sya nitong paniwalaan. 

Napapansin din ng mga magulang nya ang pag iwas nya sa binata.

"River napapansin ko na parang iniiwasan mo si Casper may problema ba kayo anak?" tanong ng ina habang nagpipitas ng mangga. Anihan kasi nila ngayon kaya kailangan nilang magpitas para hindi manlaglag ang ilang prutas at masayang.

"May hindi lang po kami pag kakaintindihan" tipid nyang sagot. Ayaw nyang sabihin sa ina o kahit na kanino ang pagiging mate nila ni Casper dahil unang una ayaw nya na sabihin ng mga ito na nagsisinungaling sya lalo na at hindi pa sya makapagshift at pangalawa ay ang kaawaan ng mga ito.

Masakit man pero kailangan nyang iwasan ang binata dahil ayaw nyang paulit ulit syang masaktan lalo na at paulit ulit lang din sya itatangi nito. Kuntento na lang sya sa pagsulyap dito at kapag alam na nya na titingin sa kanya ang binata ay agad syang iiwas at aalis para maiwasan itong muli.

Nung mga nakaraan ay napapansin nya ang pilit na paglapit sa kanya ng binata pero sya itong laging humahanap ng paraan para makaiwas dito. Katulad ngayon na papunta sya ulit sa manggahan mula sa pagkuha ng basket dahil nasira ang ginagamit nyang basket na lalagyan ng makita nyang makakasalubong nya ito hindi naman sya pede tumalikod dahil malapit na sya sa manggahan kaya pinagpatuloy nya na lang ang pag lalakad hanggang sa magkatapat na sila. Humarang kaagad si Casper sa harap nya kaya wala syang magawa kung di ang tumigil pero nakayuko pa rin sya.

"Bat mo ko iniiwasan River?" tanong nito sa kanya

"Hindi naman kita iniiwasan" kinakabahan sagot nya dito. Hindi nya alam pero kahit na sobra syang nasaktan nung mga nakaraan ay patuloy pa rin mabilis na pagtibok ng kanyang puso na parang di na natuto.

"Iniiwasan mo ko nahahalata ko, tungkol pa rin ba to sa napag usapan natin, kung yung lang naman ang dahilan edi tatangga-"

"Wag... " salita nya dahilan para mapatigil ito. Nag angat sya ng tingin dito saka deretsong tumingin sa mga mata nito na para napaka gandang titigan kahit karaniwang kulay lamang iyon ay magandang tingnan pa rin para sa kanya.

"Wag mong gagawin ang sinasabi mo dahil ayoko na ipilit ang sarili ko, alam mo yan Casper" sabi nya sabay punas ng luha na hindi nya napansin at saka itinuloy ang sinabi.

"Kilala mo ko simula ng mga bata pa tayo na ayaw ko na ipagpilitan ang mga bagay bagay, alam mo na kapag sinabi sakin na hindi kung hindi, oo kung oo, kaya wag na wag mong sasabihin na tatangapin mo ang sinabi ko dahil lang sa hindi ko pag pansin sayo dahil napaka babaw na dahilan iyon. Dahil maniniwala at papayag lang ako sa sinasabi mo kapag alam ko na yun talaga ang nararamdaman mo ayoko na pilitin ka sa mga desisyon mo alam ko sa sarili ko kung hindi naman talaga. Kung sa iba mo yan sinabi siguro tuwang tuwa pa sila pero hindi ako sila, iba ako sa kanila." kahit na anong pilit nyang pigilan ang mga luha nya parang gripo na sunod sunod na naglaglagan ang mga ito pero kahit ganun ay nagpatuloy pa rin sya sa pagsasalita.

"Casper iniiwasan kita hindi dahil sa nagtatampo ako sa pagtanggi mo sa sinabi ko kung hindi iniiwasan kita dahil gusto ko itira ang konteng pride na meron ako dahil alam ko na kapag lumapit ako sayo ay paulit ulit ko lang ipipilit ang sarili ko at maging desperada sayo"

"River..."

Pero bago ito makapagsalita ay natigilan ito na parang may kumakausap dito. Makaraan ang ilang sandali ay tumingin ito sakin.

"River dito ka lang wag kang aalis o susunod sakin" sabi nito pero bago ko pa matanong kung bakit ay mabilis itong tumakbo. Pagkatakbo nito ay marami pa ang sumunod na parang meron susugudin kaya nagtaka na sya agad nyang hinawakan ang isang gwardya saka ito tinanong.

UnknownWhere stories live. Discover now