Unknown XIII

94 2 0
                                    

River POV.

IYAK lang ako ng iyak dahil sa nangyari kagabi. Halos di na ko makatulog dahil sa sobrang lungkot na naramdaman ko.

Akala ko ba kapag sumapit ang red moon ay magiging werewolf na ko, na makakapagshift na ako pero hindi iyon nangyari.

Pano na? Ano na ang gagawin ko? Bat ba nangyayari to sakin pano na lang ako babalik sa nightstorm. Pano na ang pagiging mag mate namin ni Casper?

May mali ba sakin? May hindi ba ko ginawa? Hindi ko na alam.

Napabaling ako sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko ng may kumatok roon.

"Lumabas ka na para kumain" sabi ni ate Raine.

"Hindi ako nagugutom" walang ganang sagot ko saka nagtalukbong. Napasinghot singhot ako dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"Pwede ba kong pumasok?" tanong nito pero di na ko sumagot. Narinig ko ang pagbukas ng pinto saka ang mga yabag. Naramdaman kong lumundo ang kanang bahagi ng kamang hinihigaan ko.

"Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Pero hindi ka dapat magkulong dito. Hindi mo kailangang magtalukbong, magkulong at umiyak ng umiyak dahil wala kang mapapala sa ginagawa mo dapat lumabas ka at ipakita mo na kahit hindi ka nakapag shift ay kaya mo ang sarili mo. Na kaya mong lumaban ng sarili mo lang" unti unti kong tinanggal ang kumot sa ulo ko saka tumingin kay ate. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya.

"Pero hindi ko pa rin matanggap. Bat hanggang ngayon di ko pa rin kayang maging werewolf, ang makapag shift. Di ba ko karapat dapat na maging she wolf? May mali ba sa mga ginawa ko, sa sarili ko?"

"Lahat may karapatan para sa mga bagay na inaasahan nila at walang mali sayo okay. Meron lang sigurong plano ang moon goddess kaya tumahan ka na. Hala ka papangit ka lalo" sabi nito at inasar pa ko.

"Pangit na naman ako eh kahit umiyak pa ko" giit ko dahil yun naman talaga ang totoo.

"Ano ka ba di yan totoo. Di mo kasi tinitingnan ang sarili mo sa salamin kaya hindi mo nakita ang pagbabago mo" sabi nito.

"Ano bang nagbago na titingnan ko sa salamin eh wala naman kaya ano pa bang dapat kong tingnan" giit ko pa rin.

"Hay di mo kasi ramdam ang mga pagbabago mo lalo na sa mukha at katawan kaya nasasabi mo yan" sabi nito at tumayo sabay hampas sa puwetan ko.

"Ouch!!"

"Bumangon ka na at kumain may pupuntahan tayo" sabi nito at hinampas ulit ang pwet ko napa aray ulit ako dahil ang bigat ng kamay nito.

"Ayoko ngang kumain, wala akong gana tyaka san ba tayo pupunta baka pwedeng sa susunod na araw na lang yang pupuntahan natin wala talaga akong gana ngayong araw" sabi ko dito dahil ayaw talaga ng katawan ko na gumawa ng karaniwan kong ginagawa. Yung parang nawalan na ng gana ang sarili ko.

Napasigaw ako ng bigla nito hinigit ang kumot sakin saka ako hinila patayo kaya medyo mahilo hilo ako sa pagtayo.

"Kumain ka sabi, may kukunin tayong halaman saka tayo dederetso sa isang kakilala kong witch" sabi ni ate. Agad naman akong nagtaka.

Bat kami pupunta sa isang witch eh delikado din ang mga witch baka patayin kami noon.

"Bat ba tayo pupunta sa witch di mo ba alam na baka patayin nya tayo, delikado ang mga yun."

"Oo maaaring gawin yun ng witch kapag wala tayong maibigay sa kanya na kailangan nya" nagtaka ako sa sinabi nya

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Ibig kong sabihin maaaring mapatay tayo ng isang witch kapag wala tayong maibibigay, ibig sabihin kapag wala tayong naging silbi sa kanila maaari nila tayong patayin, kaya nga sinabi ko na bago tayo pumunta sa witch ay may kukunin tayo at alam ko na kailangan yun lagi ng witch na pupuntahan natin" sagot nito.

UnknownWhere stories live. Discover now