Unknown II

157 4 0
                                    

12 YEARS already pass at ngayong araw na ang inaasahang pagbalik ng mga nag sanay noon na bata na siguradong mga binata na ngayon.

Excited na excited si River dahil ngayon na din uuwi si Casper kaya kahit madaming nangyari noong panahong wala ito ay kinaya nya lalo na at isa si Casper sa dahilan para magpatuloy sya.

2 years ago kasi ay nagkaroon ng pag sugod ng rogue sa kanilang kampo at hindi nila inaasahan yun. Maraming nasugatan at napaslang ng araw iyon at isa si River sa muntikan ng mawala dahil humarang sya sa ina na muntik ng masaksak kaya ang nangyari ay sya ang nasaksak.

Sobrang takot ng ina ni River ng nakita nyang halos maligo sa sariling dugo ang anak kaya agad syang humingi ng tulong na agad namang dumalo sa kanya para tulungan siya na buhatin si River at dalhin sa clinic. Akala talaga nila ay mawawala na talaga ito sa kanila pero nagkaroon ng milagro at nabuhay ito sinabi pa nga ng pack doctor ay malaking milagro ang nangyari dahil halos maubos na ang dugo ni River at malaki ang sugat na natamo nito.

Kaya sinigurado ng mga kumupkop na pamilya kay River na hindi hayaang mapahamak si River dahil ayaw na muli nilang manyari ang nangyari noon na muntik na itong mawala.

Nagtataka lamang si River dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nya kayang mag shift pero meron na sya mga kakayahan ng mga wolf kagaya ng malakas na pakiramdam, malakas na pang amoy at mabilis na pagkilos. Hinanap naman nya ang mga libro na patungkol sa mga ibat ibang nilalang baka mahanap nya kung saan talaga sya nabibilang. Pero kahit anong hanap nya ay wolf pa rin ang pinakamalapit sa mga sintomas nya.

Nagtanong sya sa Alpha patungkol sa kung meron pa itong alam na mga ka uri ng mga wolf na katulad ng nangyayari sa kanya pero ang sinabi lamang nito ay maaaring hindi buong wolf. Yung bang parang may ibang lahi na kasama sa dugo ng isang wolf para maging kalahating wolf at kalahating ibang lahi. Nakakatakot mang isipin pero iniisip nya na may posibilidad na mangyari iyon lalo na at may kakilala sya na kalhating lobo kalhating mortal dahil na rin sa iyon ang itinakda ng moon goddess.

Nabalik ang atensyon nya ng makaamoy sya ng napaka bagong amoy. Amoy na Chocolate, Almond at amoy na mga mababangong bulaklak na lagi nyang nakikita at inaamoy sa tuwing patago syang sumasama sa pangangaso.

Agad nyang hinanap kung saan nanggaling ang amoy na iyon. Alam nya na isang sign yun na malapit lang ang mate mo sayo.

Madami syang nakitang mga binata na kita mo ang ganda ng pangangatawan nito dahil na rin siguro sa pag sasanay na pinag daanan nila ng 12 years pero isa lang ang nakapukaw ng kanyang atensyon at iyon ang binatang nakayap sa Alpha at Luna.

Pinagmasdan nito ang binata, kahit nakatalikod ay alam na nya kung sino ito, si Casper ang matalik nyang kaibigan. Kung pag mamasdan ay malaki ang pinagbago nito, gumanda ang pisikal na anyo nito na parang batak na batak sa pagsasanay at tumangkad din ito dahil noong mga bata pa sila ay hanggang bewang pa lang ito ng Alpha.

Naalala naman nya ang kanyang pisikal na itsura nya ay agad syang nahiya dito. Dahil kung titingnan ay hindi maganda ang pagtabihin sila lalo na at may katabaan sya hindi kasi sya hinayaan na magsanay kasama ng ibang mga dalaga dahil hindi pa nya kayang mag shift, nakasalamin din sya dahil kahit nararamdaman na nya ang kakayahan ng mga wolf ay meron pa rin mga kakayahang hindi pa lumalabas sa kanya katulad na lang ng  malinaw na mata kaya sa ngayon ay malabo parin ang kanyang mga mata at nagsusuot pa din ng salamin, meron din syang mangilan ngilang pimple. Lagi nga syang binubully ng mga dalaga na hindi nya sinasabi sa mga magulang nya dahil ayaw nya na mag aalala ang mga ito.

Naagaw ng atensyon nya mula sa pag iisip ang amoy na kanyang mate. Napatingin sya sa kanyang unahan ng may makita syang nakatayo doon. Napatingala sya rito at nakita nya ang isang makisig na lalaki na kita mo ang laking pagkakahawig sa Alpha. Bigla syang kinabahan sa hindi nya malamang kadahilanan.

"Hi" nakangiti nitong sabi kay River

"Casper..." mahinang nya

"Kamusta ka na, tagal na nating hindi nagkita laki na ng pinag bago mo ah" masayang sabi nito sa dalaga

"Ito okay naman, ganun pa rin naman" kinakabahan yang sabi na halos di na makatingin rito

"Laki din ng pinagbago mo mas tumangkad ka na, pero mas maliit ka pa rin sakin haha" masayang sabi nito sa kanya kaya napatitig na lang sya sa binata. Hindi nya alam pero natulala na lang sya bigla rito. Ganto ba talaga ang pakiramdam yung tipong halos lumabas na ang puso mo sa tindi ng pagtibok nito.

Biglang may pumitik sa noo nya kaya napaaray sya dahil malakas ang pagkakapitik sa noo nya.

"Bat ka ba natutulala na lang bigla? " takang tanong nito sa dalaga

Napahawak naman ito sa baba saka ngumising tumingin sa dalaga

"Siguro ang gwapo ko sobra kaya napatulala ka na lang sakin haha" agad namang namula ang pisngi nya dahil sa sinabi ng binata. Ganun na ba sya kahalata at agad nitong nalalaman ang dahilan ng kilos nya.

"Ano ba kayong dalawa tara na sa pack house at magkakaroon ng celebration para sa pag dating nyo, Casper" Sabi ng luna ng lumapit ito samin.

Agad naman silang dalawa na napatango saka sumunod sa luna. Pansin ni River ang masamang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga dalaga kasabayan ng mga ito dumating sa pack. Sigurado sya na dahil iyon sa lalaking katabi nya naiingit siguro sila na si River ang kasabay nitong maglakad at hindi sila. Di rin naman nya masisisi ang mga ito dahil talagang di maipag kakaila na gwapong lalaki talaga si Casper at isang plus factor doon ang pagiging susunod na Alpha nito.

Ng makarating sila sa harap ng pack house kung saan pinag diriwang ang malalaking okasyon sa pack. Nakikita ni River ang nag kakasiyang mga membro ng pack. Lumapit sya sa mga magulang nya ng napansin nyang dumeretyo si Casper sa ibang mga binata na kasama nito sa pagsasanay siguro ay dalawa sa mga ito ang susunod na Beta at Gamma.

"Ayos ka lang ba anak?" napabaling sya sa kanyang ina ng magtanong ito bigla sa kanya

"Okay lang po ma, kinabahan lang po ako dahil ngayon lang po ulit kami nagkita ni Casper" Sagot nya sa ina

"Ah ganun naku wag kang mag alala siguradong bukas makalawa eh makakapag usap na kayo na parang katulad lang nung mga bata kayo" nakangiti sabi sa kanya

Sana...

"Ah ma pupuntahan ko lang po si Casper kakausapin ko lang po sya" sabi ng dalaga sa ina ng mapansin nyang kausap lang ni Casper ang sa tingin nya ay si Blue na susunod na magiging Gamma. Kaya kahit kinakabahan at nahihiya ay pinuntahan nya ito kahit na madaming nakatingin sa kanya ng masama ay pinagpatuloy nya ang pag lalakad patungo rito. Ng makalapit ay agad nyang kinalabit si Casper pagkalingon nito ay agad nya itong kinausap.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya dito

"Sige-" agad nyang pinutol ang sasabihin saka sya ulit nag salita.

"Pwede bang tayong dalawa lang"

"Oh sige san ba?" kahit halatang naguguluhan ito ay pumayag pa rin ito sa gusto nya.

"Dun na lang sa dati nating kitaan" agad nyang sabi dito. Tumango lang ito saka bumaling kay blue.

"Blue mag uusap lang kami ni River ha" sabi nito rito.

"Sige pupunta na rin ako kina mom at dad" tinapik lang ni blue ang balikat nilang dalawa ni Casper saka naglakad papunta sa magulang nito. Napabaling sya kay Casper ng magsalita ito

"Tara na" pa anyaya nito. Tumango lang ako saka sila nagsimulang mag lakad papunta sa tagpuan nila na isang tree house na malapit sa ilog. Di naman nila kailangang mag alala dahil malapit pa rin ito sa pinaka kampo at nasa border pa rin sila.

Agad silang naupo sa ilalim ng kanilang tree house di na sila maaaring umakyat sa taas ng puno dahil hindi na sila kakasya sa tree house.

"Anong pag uusapan natin River?" agad na sabi ni Casper sa dalaga. Agad naman syang kinabahan dahil sa sinabi ng binata

Di nya alam kung san sya mag sisimula pero alam nya kahit ano pang sabihin nya ay doon at doon pa rin ang bagsak ng pag uusap nila kaya humarap sya dito saka nag salita

"You're my Mate... "



























May 8, 2020

UnknownWhere stories live. Discover now